Chapter 22: Oliver's SIDE:THE CONFESSION

97 12 0
                                    

Who's Nicole in my life? My FIRST LOVE.

Yup, tama nabasa nyo FIRST LOVE ko sya.

Dati ko pa sya kilala , siguro First year kami Magkabatch lang kami eh.

Naalala ko pa nun noong nagpaprint ako ng picture nya.

Tuwang tuwa ako.

Ewan ko kasi, patay na patay ako sakanya eh.

Tapos noong Last month. Hindi ko alam. Nahulog ko pala picture nya habang pauwi ako.

Tumakbo ako noon para balikan yung picture. Pero nakita ko na hawak hawak nya yun.

Kinuha ko sakanya atsaka ako tumakbo ulit. Dinig na dinig ko pa nun na sumigaw pa sya.

Pero natigil lang ako sa pagpapantasya sakanya nang malaman ko na isa sa mga barkada ko. GUSTO SYA.

Mas pinili kong manahimik nalang tutal nakaya ko namang itago to ng matagal, walang nakaka alam nito makiban lang kay Adrian.

Sya yung pinaka kaclose ko sa lahat ng members ng Bangtan.

Halos lahat ng mga sikreto ko sya nakaka alam. Parang kuya ko na sya.

Nang maka close ko na si Nicole, sobra ako sumaya. Araw araw gusto ko na syang makita,kausap, at lalong lalo na ang makasama.

Pero malabo na. Mas lalo kong nalalaman na wala akong pag asa kasi nakikita ng dalawa kong mata na mas masaya sya sakanya..

Ang sakit. Lalo na noong kaarawan nya. Ni hindi ko sya nakausap magdamag. Ang mas masaklap pa. Sila pa laging magkasama.

Sobra akong nagselos noon nung naglaro kami ng Truth or Dare.

Alam ko lahat lahat tungkol sakanya. Siguro maliban nalang sa kakambal nya pala 'tong kuya ko. I mean. Naging kuya. Actually alam nya rin 'tong nararamdaman ko tungkol kay Clane. Sana di nya sabihin.

Paborito ko rin yung paborito nyang kanta yung SOMEDAY.

May alam rin akong isang bagay na makakapag kumpirma na wala talagang pag asang maging kami. MASAKIT MAN PERO WALA AKONG MAGAGAWA.

Pagkatapos ng kaarawan ni Clane.

Biglang nagtawag si Kyle kaya nagtipon tipon kaming pito.

"Bakit ka ba nagtawag ng pagpupulong?" Tanong ni Lead Jello.

"Kasi..." Pambibitin ni Kyle. Langya pabitin bitin pa.

"Sabihin mo na!" Sigaw ko. Eh sa ayaw kong ginaganyan eh. Yung parang naiinip ka . Ganun.

"Iwasan natin si Nicole." Sa sobrang gulat ko sa sinabi nya. Napasigaw ako. At napatayo pa.

"Ano!? Baliw ka ba!?" Sigaw ko.

"Pinagbantaan ako ng Daddy ni Yvette. Siguro nagsumbong sya. Diba kilala naman natin yung babaeng demonyitang yun?"

Pabitin nanaman -__- sarap sapakin nito.

"Pabitin ka nalang eh Kyle!" Sigaw ko ulit sakanya.

"Eto na nga! Sabi nya kapag hindi naging kami ni Yvette at kapag hindi natin iniwasan si Nicole aalisin ng trabaho ang mga Daddy natin ibabang crap ang mga kumpanya. Pati na rin ang trabaho ng Daddy ni Nicole. At ang pinaka nakakatakot na gawin nila ay sasaktan si Nicole"

Paliwanag nya. Ang sama talaga ni Yvette. Manang mana sa ama nya. Si Yvette kasi Ex nitong si Kyle, hindi ata matanggap nitong si Yvette na mas nagiging close si Nicole at Kyle kaya gumagawa ng paraan para magkabakilan sila. Bakit pa kaya sya nakipag break kung gaganyan ganyan sya? Aish. Sarap kalbuhin.

Someday[COMPLETED/EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon