Chapter 12: Meet us

126 13 1
                                    

Ilang Days makalipas noong araw na nag iyakan kami ni Kyle.

Hindi ko talaga malilimutan ang mga araw na yun.

Naglalakad ako ngayon papuntang school ,wala na yung ulan. Maaraw na .

Naalala ko nanaman si papa. Mamimiss ko sya panigurado pero paninindigan ko yung sakitang OKAY LANG.

Alam ko namang kaya ko eh. Hindi--

Aray!

"Lalim kasi ng iniisip"

Biglang bumilis tibok ng puso ko. Sino to? Nakakahiya naman. Natisod pa naman ako -,-

" Ayos ka lang?"

Inabot nya yung kamay nya pero nakatingin lang ako sakanya. Ngayon ko lang sya nakita pero parang familiar yung hubog ng katawan nya.. alam ko nakita ko na sya pero di ko matandaan. Tapos ka school mate ko pa.

"Ahm. Nicole? Hello?"
Tsaka sya nag wave sa mukha ko.

"Ah. ehehe .Hinde salamat. kaya ko."

Tumayo ako at nagpagpag ng dumi sa palda ko.

"Bakit ang lalim ba ng iniisip mo?"

Patuloy lang akong naglalakad pero sumusunod sya saken.

"Uy. Ang sungit mo naman"

Paano ako sasagot di ko naman kilala to.

"Okay. Ako si Oliver."

Oliver?

"Oliver Samonte"

Omg! Sya yung nag friend request saken na inaccept ko na nag chat saken na hindi ko nireplyan!

"Ah eh ako si-"

"Nicole Dela Cruz. Kilala na kita"

Ah oo nga pala. Inadd nya ako.

"Ano-"

"Tara na. Malelate pa tayo"

Naglakad lang kame hanggang makarating na kami sa campus.

"Ah ano nicole, mamaya pwede ba kitang masabay pag break time? Sa canteen"

"Ah ano sige"

Eh mabait naman ako. Atsaka pwede ko naman syang hindi puntahan >:D joke haha. Mabait naman ako.

"Oh bakit ang lapad ng ngiti mo?"

Salubong sakin ni Kyle.

"Masama?"

Pagtataray ko.

"Tss. May lalake ka kase"

Sabi nya saken tsaka sya umupo sa pwesto nya.

Aba! Kung hindi lang ako nakapag pigil ah.

Naging mas close na kami ni Kyle ngayon magmula nung pumunta sya sa bahay at kinausap si mama.

Nag aasaran na rin kami.

Nakakapanibago na nga eh. Dati tingin lang nya kinikilig na ako pero ngayon di na MASYADO hahaha.

Atsaka si Yvette hindi na ako kinakausap ewan ko ba kung bakit.

Habang nag didiscuss si Ma'am Garcia may nag excuse.

"Ahm. Excuse me po ma'am. Pa excuse po sandali si Kyle alvarez"

Tinignan ko kung sino yung tumatawag. Si Oliver pala yung nag excuse kay kyle.

Someday[COMPLETED/EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon