Chapter 27: UNREASON LOVE

75 14 0
                                    

Ano nanaman 'tong gulong napasukan ko?

Kainis kasing babaeng yun eh.

Umalis na nga kami dun, susunod pa.

Umiiwas na nga kami sa gulo.

Hays.

Nandito kami ngayon sa Principal's Office. Ganda ng First day ko!

Office agad!

"Bakit mo ba yun ginawa?" Tanong nang principal kay Kyle.

"Ginawa ko po yun kasi sinasaktan nya Bestfriend ko" Paliwanag naman ni Kyle.

Talaga bang Bestfriend nala--

Shete! Ano bang sinasabi ko.

"Ikaw iha? Bakit mo ba sya sinasaktan?" Tanong naman nang principal kay Yvette.

"Eh. Ano po kasi. Sinampal nya po ako habang bumibili ng pagkain ko. Eh wala naman po akong ginagawa sakanya." Paliwanag nya. Sinungaling!

Atsaka ako tumayo.

"Anong sinampal!? ikaw ang sumampal sakin!" Sigaw ko sakanya.

Napakasinungaling talaga nang babaeng 'to!

"Ano ka! Ikaw kaya!"

Shete! Papalitawin nya pa akong sinungaling!

Susugurin ko sana sya pero hinila ako ni Kyle at inupo.

Sya naman ang nagsalita.

"Sana kung magsisinungaling ka. Yung sanang hindi halata, Sige po Madam Principal mauuna na po kami. Marami naman pong witness sa labas kung ano po ang totoong nangyari" Sabi ni Kyle.

Atsaka nya lang ako Hinila palabas.

Habang hila hila nya ako.

Nagsalita ako.

"Bakit mo pala sinabi at ginawa yun?" Tanong ko.

Agad naman syang sumagot.

"Syempre, mahal kita" Bulong nya. Pero sakto lang para marinig ko.

Dugdugdugdug.

O.O ano yun?

Siguro gutom lang ako -__-

"Mahal?" Tanong ko.

"Oo. Bilang matalik na kaibigan" Sabi nya ulit.

Pero bakit ganun? Parang di ako masaya?

Ay ewan! Baka gutom ulit ako.

Habang nasa hallway pa kami. Nagsalita ulit ako.

"Teka" Sabi ko.

Huminto naman sya at huminto rin ako.

Tsaka sya nagtaas ng kilay.

"Ah ano. Sorry pala nung nasa---"

Napatigil ako sa kakasalita nang tinakpan nya bibig ko.

"Okay lang yun, naiintindihan naman kita" Sabi naman nya.

Hayy. Naalala ko lang kasi nung nasa hospital pa ako. Nung pinagtabuyan ko sya.

Nakakaguilty.

Pero baki ganon? Bakit nya ako pinagtatanggol?

Hays! Yan pa naman yung gusto ko sa isang lalaki pero imposibleng maging ka----

SHETE KA NAMANG ISIP KA EH!

OO! IMPOSIBLE NAMAN TALAGA YANG INIISIP MO!

ATSAKA KAHIT GUSTO KO---

AHHH! AYAW KO NA MAGSALITA!!! NABABALIW NA ATA AKO T^T

Someday[COMPLETED/EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon