Chapter 25: Tears

103 13 0
                                    

Nagising ako dahil niyugyog ako ni mama. Nakatulog pala ako.

"Anak. Ayaw mo maghapunan?" Tanong ni mama sakin.

Tinignan ko ang wall clock na kulay blue sa left side ko. 7:15 Pm na pala. Gabi na pala. Haba naman ng tulog ko.

Tumayo ako sa kama at Nag stretch ng kamay , nang magsalita ulit si mama.

"Sarap ng tulog mo ha. Tignan mo anak, may laway yung kama mo hahahaha!" Hagakgak ng mama ko.

Tinignan ko naman yung kama. At meron nga! Yaaaaaa! Kakahiya!

"Mama! Tara na po, baba na po tayo" Yaya ko kay mama para di na nya ako asarin.

Pagkarating namin sa Baba. Nakita ko agad si Papa at parang excited sa paghahanda ng hapunan.

At wow! Ang dami naman ng handa. Anong meron?

"Oh. Good evening anak! Kamusta tulog ng baby girl ko? Haha" Tawa ni papa. Hays! Yan nanaman eh!

"Papa! Malaki na po ako oh!" Sigaw ko kay papa atsaka ako nag pout.

Kainis naman kasi eh. Lagi nya akong tinatawag ng ganyan kapag naka trip sya.

"Ayun. Tulo laway! Hahahaha!" Sigaw naman ni mama. Kainis naman eh! Pinagtutulungan nila ako.

"Sige! Di na po ako kakain!" Pag aayaw ko at akmang maglalakad na ako kaso niyakap ako ni mama .

"Anak. Namiss ka lang namin" Bulong ni mama sakin.

"Mama. Ganyan po ba kayo manlambing sakin? Pinagtutulungan nyo po ako?" Tanong ko pero di lang umimik si mama.

Biglang kumalas si mama sa pagkakayakap nya atsaka nya ako hinarap sakanya.

Tumango tango lang si mama .

"Tara na, kain na tayo" Yaya ni Papa samin.

"Pa? Ma? Bakit ang dami po nating pagkain?" Pagtataka ko. Kasi naman ang dami talaga ng pagkain eh.

"Nagcecelebrate lang tayo kasi wala ka naman palang sakit" Paliwanag ni papa .

Ngumiti nalang ako at nagsimulang kumain.

Pagkatapos kong kumain.

"Wow! Ang sharap sharap naman po ^^" Sabi ko kina mama at papa.

"Talaga anak? Kami nagluto ng papa mo nyan ^^" Ngiting ngiti na sabi ni mama sakin.

"Wow ma! Pa! Napaka sarap po! Superrrrrr! ^^" Sigaw ko . Ang sharap sharap naman kasi talaga eh. :)

"Salamat naman anak. Hayaan mo. Araw araw kami na magluluto ^^" Masayang sabi sakin ni mama.

Sa gitna ng kasiyahan. May nagdoorbell.

"Ako na magbubukas" Sabi ni Mama. Sino naman kaya yun?

Tumayo na si mama. At ilang sandali lang ay nandito na si mama at may kasamang.....
. LALAKI.

"Anak, may bisita ka" Sabi ni mama. Pero napatayo nalang ako.

"Ha-hai?" Sambit ng lalaking nakahawak ngayon sa buhok nya. Na may bangs at kulay red na buhok.

"Ka-Kyle?" Utal kong tanong. Bakit? Bakit may mga luha ngayong tumutulo sa mata ko?

(Author: Umiiyak ka malamang)

Author naman eh! Nagmomoment ang tao oh.

"Maiwan ko muna kayo ha?" Sabi ni mama at umalis sila ni papa.

"A-anong---"

"Kamusta ka na? Namiss kita" Sabi nya sakin. Habang yakap yakap nya ako. Bakit parang tumigil ang mundo ko?

Someday[COMPLETED/EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon