Chapter 18: Laban

94 15 0
                                    

One week.

One week na ang nakalipas magmula ng Birthday ko.

One week na akong naguguluhan.

One week na akong hindi pinapansin.

One week nang Ibully nanaman ako.

Ano ba kasalanan ko? Masyado ba akong umasang sila na nga talaga? Pero bakit? Sabagay. Tama nga sila. PINAGLARUAN LANG NILA AKO.

Nakakainis naman. Bakit kasi ganun pa? Bakit kasi lagi nalang akong sinasaktan at iniiwan? Kala ko bang poprotektahan nila ako? Akala ko bang wala nang makakapanakit sakin?

Pero bakit? Bakit nawala lahat yun?.

Napadaan ako ngayon sa Canteen para makabili ng Pang Kain ko mamayang Break kasi di naman ako makakalabas mamaya. Baka mapahiya nanaman ako.

"Hoy ikaw, paki linis mo nga yan" Sabi ng babaeng nakatapon ng Juice sa sahig.

Nagdalawa ako ng isip kung lilinisin ko ba o iiwasan ko nalang. Pero di ko pwedeng iwasan 'to eh. Si Yvette to eh.

Kumuha ako ng basahan at pinunasan ko yung juice na natapon. Nang mapansin kong papalapit ang mga bangtan kung saan ako naroroon.

Napatingin ako kay Kyle pero tinignan lang nya ako gamit ng walang emosyon nyang mukha. Pari mga Ibang members halos parang hangin lang ako na dinadaanan.

Di na ako nag expect na tutulungan nila ako.

Dinaanan lang nila ako eh.

Ewan ko. Bakit ako umiiyak ngayon. Kasi ba Maggagraduate akong bully lang sa School.? Oh naging isang dakilang Uto-Uto ako.?

"Oh. Anong iniiyak iyak mo dyan?" Tanong ni Yvette saken. Umiling lang ako. Wala naman akong magagawa.

Matapos kong Linisin yun. Bumili na ako ng Pagkain ko. Nang kausapin ako ni Manang, yung nagtitinda sa Canteen.

"Alam mo iha, pwede ka namang lumaban" Sabi nya sakin. Kaya napahinto ako. LUMABAN?

"Hindi sa lahat ng oras pwede ka nilang apihin. Uso ang lumaban" Pagtutuloy nya sa sinasabi nya.

Hindi naman sa wala akong galang . Umalis nalang ako para makapunta na sa room namin.

Buong klase kong iniisip yung sinabi sakin ni Manang.

Lumaban? Bakit naman ako lalaban? Eh Wala naman akong karapatan.?

Hanggang sa pag uwi ko. Nakatulog nalang ako dahil siguro sa kakaisip. Nakakapagod rin pala.

"Patawarin mo 'ko" Sabi saken ni Kyle.

"Saan?" Tanong ko sakanya..

"Sa ginawa ko sayo. Gusto kong lumaban ka" pero di ako nakasagot.Nakatitig lang ako sakanya. Hanggang sa paalis na sya.

Hinabol ko sya. Hanggang sa di ko na sya makita.

Napamulat ako. Akala ko totoo. Sana lang talaga totoo yun. Sana.. pero hindi. Panaginip lang pala.

Bakit hanggang sa panaginip ko. Lumaban pa rin ang pinag uusapan?.

Tinignan ko ang oras. Pero Alas Singko pa lang ng umaga. Haba pala ng tinulog ko..

Iniisip ko, Paano kaya kung baguhin ko ugali ko? Pano kung lumaban nga ako?

Paulit ulit kong iniisip ang mga katanungang umiikot sa utak ko.

Pero napagtanto ko na.. Pwedi naman akong Lumaban. Tao lang ako nasasaktan. Papatunayan kong Hindi lang ako laruan na aapak apakan! Someday, all of you haven't a permisson to treat me again like a TOY! Humanda kayo. Kayong Umapi sakin!

Tinignan ko ang oras . At 6:00 na. Naisipan kong maligo na .

Pagkatapos kong maligo. Nagbihis na ako at nag ayos.

Hindi mukha ko ang babaguhin ko. kundi ang UGALI KO.

Pagkatapos kong mag ayos. Kumain na ako at umalis na.

Wala sina mama at papa ngayon may pinuntahan, kaya wala akong kasama kundi si Yaya lang.

"Bye yaya!" Sigaw ko.

"Ingat ka!" Sigaw ni yaya pabalik sakin. Bago lang sya samin. Kaka pasok lang last week. Naging magkasundo kami ni Yaya Linda First palang nyang kausapin ako. Ang bait kasi nya.

Okay. On The Way To School .Now They will saw the new NICOLE.

Habang naglalakad ako sa Hallway. Nakita ko ang Spice Girls. Kung saang grupo ang kinabibilangan ni Yvette.

"Hey Toy Girl" Tawag ng isang babae saken. Pero di ko lang pinansin. Patuloy lang akong nag lalakad. Sorry sya hindi na ako yung dating Nicole.

"Hey! You! F*cking Toy!" Sigaw nya. Bakit ang baho ng pananalita nito?Wala ba 'tong subject na GMRC?

Humarap lang ako sakanya at nagtanong ng..

"Me?" Tanong ko. Atsaka sya namula. Galit na galit sya sa inasta ko.

"How Dare you to treat me like that Toy Girl!? You want To Die!?" Pagbabanta nya sakin. Kala siguro nito matatakot ako.

"Okay . Then do It" pagbibigay ko ng permiso sakanya. Atsaka ko pa linapit katawan ko

Sasampalin nya sana ako pero napigilan ko kamay nya. As In naman mamamatay ako sa sampal? Di naman to nag iisip -__-

"I'm not the Nicole before that you can Call Toy Girl. I'm Nicole Dela Cruz that can KILL ANYONE." pambabanta ko sakanya. Nataranta sya atsaka sya umalis.

Naninibago ako sa sarili ko. Kasi First Time kong Lumaban. First Time kong maging ganito. Pero kailangan ko 'to. Pero bakit ayaw tanggapin ng puso ko? Eh tama naman ang iniisip ng utak ko?

Nakita kong dumaan si Oliver at napatingin saken pero hindi ko sya pinansin. Dinaanan ko lang.

"Nic-"

"Hey Oliver! You know where's Kyle now?" Pampuputol ni Yvette sa sinasabi ni Oliver.

Hindi ko na narinig pa yung iba pa nilang pinag usapan. Nakalayo na ako...

Room.

Saktong pag upo ko. Nakita ko sina Kyle at Yvette na Paparating . Nakahawak pa sya sa Braso ni Kyle.

Kaya ang Ginawa ko tumayo ako at sinabi sakanilang...

"Congrats" Sabi ko kay Yvette at nakipag shake hands pa ako sakanya.

"For?" Tanong nya sakin atsaka sya nagtaas ng Kilay.

"For both of you. I'm Happy kasi nagkabalikan na kayo" Atsaka ako nag smile.

Hulata sa kanilang mukha na nagtataka. At naninibago sakin. pati nga ako naninibago sa sarili ko. Hindi ko akalaing magagawa ko 'to sa harap nila.

"Aw. Thank you Nicole" Sagot sakin ni Yvette atsaka nalang ako nag smile. At umupo na.

Pagkatapos ni Ma'am Garcia. Dumating agad si Sir Manuel. At may kasamang isang lalaki.

"Good Morning class, You have now a new Classmate in my Subject" Saad ni Sir samin.

Wow? Pwedi pala yun? Sa isang subject lang namin sya magiging kaklase.?

"Okay. Introduce yourself Gave"

Gave? Gave name nya? Ow. Nice name.

"Ahh. Hello. I am Gave Gonzales From Section 4-B"

Pagpapakilala nya sa sarili nya...

"He's so Very Good in my Subj. Kaya naisip kong ilipat sya dito sa 4-A para naman makita ko kung kalevel nyo sya" Sunod sunod na sabi ni Sir. Fantastic Sir.

"Owwwwwww" komento ng mga classmates ko.

"Okay. Gave Sit Biside her" Turo sakin ni Sir. Bakante kasi 'tong upuan sa tabi ko. Sobra kumbaga. Sa bandang pangalawang hulian pa naman ako. Sya nyan yung magiging huli.

Si Miguel nasa Right Side ko. Si Gave naman nasa Left side ko. Nice.

Itutuloy.....

Someday[COMPLETED/EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon