Chapter 33: Practice

66 11 0
                                    

Nagising ako dahil sa liwanag.
Bakit ba nakabukas 'tong kurtina?

Tumayo ako para ayusin sana kaso may tao pala. Teka sino ba 'to?

Kinusot-kusot ko yung mga mata ko para tignan sana kung sino yun. Pagkakita ko si Labo pala. Bakit ba nandito 'to sa harapan ng bintana namin?

"Good Morning!" Bati nya. Bigla ko na mang naalala na may pasok pala kami ngayon!

Patakbo na sana ako para maligo kaso sumigaw nanaman sya.

"WALA PO TAYONG PASOK NGAYON! SATURDAY PO NGAYON!" Sigaw nya kaya ako napahinto at bumalik sa bintana.

"Bakit ka ba andyan? Punta ka muna sa sala maghihilamos lang ako at magpapalit" Utos ko. Sumunod naman sya.

Nang matapos na ako maghilamos at nagbihis. Nag ring phone ko. Si ACE.

"Hello?" Sabi ko.

"Andyan ba si Kyle?" Tanong naman nya agad.

"Oo nandito nga sya, ano bang meron? Bakit ang aga mambulabog ng bahay?" Tanong ko sakanya.

"Aayain ka nyan sumama sa practice namin." Sabi naman nya.

"Ah ganun. Okay sige"

"Okay sige Bye" Sabi nya. Kaya binaba ko na at binulsa yung cellphone ko.

Bumaba na ako para makakain na sana kaso nandito pala si Labo.

"Kyle---" Aayain ko sana syang kumain kaso may naisip ako >:D Gugutumin ko sya Haha.

"Oh?" Tanong nya.

"Ah wala. Kain muna ako" sabi ko.

Pumunta na ako sa mesa atsaka ko sya tinignan. Nakatingin naman sya sakin hahaha.Lumapit naman sya.

"Di mo man lang ako aayain?" Tanong nya kaya ako napatawa.

"Hahahaha ikaw talaga ang takaw mong Labo ka." Sabi ko sakanya. Napangiti naman sya at tumabi sakin.

Nilagyan nya ng pagkain yung plato ko at plato nya.

Kukunin ko na sana yung kutsara kaso kinuha naman nya.

"Oh? Ba't mo kinuha? May kutsara ka naman diba? Ayan oh" Turo ko sa kutsara na nasa Table napkin.

Kumuha lang sya ng pagkain sa plato ko. Naman oh may pagkain naman sya. Wait? Bakit nya tinutok sakin yung kutsara?

"Ah" Sabi nya.

"Anong Ah?"

"Nganga" Sabi nya kaya ngumanga naman ako sakto naman pagkalagay nya sa bibig ko dumating si mama.

"Nakakaistorbo yata ako?" Sabi ni mama samin. Nabilaukan naman ako.

"Oh tubig" Alok ni Kyle sakin agad ko namang kinuha. Ugh ang sakit mabilaukan! >.<

"Oh ayos ka na?" Tanong ni Kyle sakin. Nag nod naman ako.

"Hahahaha. Nakakatawa ka anak" Sabi ni mama sakin.

"Mama naman!" Sigaw ko.

Tumayo naman si Kyle at nagbeso sila ni mama.

"Good morning tita"

"Good morning iho, Oh bakit ka napaaga dito?"

"Hmmm. Pwede ko po bang isama si Nicole sa Dance Practice namin?" Tanong ni Kyle kay mama.

Habang nag uusap sila kumakain lang ako pero nakikinig pa rin.

"Oo naman iho. Basta ikaw kasama nya ayos lang." Sabi ni mama kaya nabilaukan nanaman ako.

Someday[COMPLETED/EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon