Chapter 21: SAKIT

81 14 0
                                    

Pagkatapos ikwento ni Mama lahat ng nangyari kung bakit nawala si kuya. Natulala nalang ako.

Buti nga ako naligtas nun eh.

Ganito kasi yun..

Nang ipanganak kami ni Kuya ang saya saya nina mama kasi kumbaga sa Kambal na kami. Babae at Lalaki pa. Noong ibyahe kami ni Mama at Papa papunta sa Lola namin naaksidente kami. Buti nga hindi kami masyadong nasaktan. Hawak hawak ako ni mama, pero nawawala ang kuya ko. Magmula nun di na sya nahanap, buong pag aakala nga nina mama at papa patay na si kuya pero nahanap na nila. At ngayon nasa harapan na namin sya.

Ilang oras rin kaming nagkekwentuhan ni kuya at mama nang mahilo ako.

"Oh Nicole, napano ka?" Tanong ni kuya sakin .

Bigla kasi akong napahawak sa ulo ko.

"Ah. Wala to kuya. Nahilo lang" sabi ko atsaka ako ngumiti.

"Sigurado ka ha?" Tanong sakin ni kuya.

Makikita mo sa mata nya na nag aalala sya , ang swerte ko kasi nagka kuya na ako.

"Oo kuya, Teka lang kuya, mama, papa, magbabanyo lang po ako" Paalam ko.

"Bilisan mo ha? Marami pa tayong pagkekwentuhan" Sabi sakin ni Kuya atsaka sya ngumiti.

Pumunta na agad ako sa banyo para umihi, napapa ihi na rin ako.

Pagkatapos kong umihi, humarap ako sa salamin. Nang biglang dumugo ilong ko.

Bigla na lang nagdilim yung paningin ko. Tapos naramdaman ko na lang na napahiga na ako.

-*
Nagising ako na nasa Hospital na. Tumingin ako sa side ko, nakita ko si Kuya natutulog.

Napangiti nalang ako sa nakita ko. Nang magising si Kuya.

"Oh gising ka na pala, kamusta na pakiramdam mo?" Tanong sakin ni Kuya.

Mukhang nag aalala sya talaga sakin. Nakakaiyak T.T

"Ayos na rin ako Kuya, teka sina mama at papa nasan?" Tanong ko. Nagtataka ako kasi bakit nandito si kuya tapos wala sina mama.

"Nasa labas , kinakausap pa yung doktor." Paliwanag ni kuya.

"Ano bang oras kuya?" Tanong ko, ilang oras ba ako natulog?

"Martes na ngayon, 6:00 Pm" Ahh. Ilang oras lang--- SANDALI!?

"Martes!? Eh nakipagkita ako sayo kuya Huwebes diba?" Omg! Edi Limang araw ako natutulog!? Grabi naman!

"Oo, ganun ka katagal nakahiga dyan, nagtataka nga ako sayo eh parang di ka nangangawit kakahiga, atsaka pala may dumating na Lalaki noong Biyernes hanggang kahapon, nagtataka nga ako hindi sya pumunta ngayon" Sabi ni Kuya.

Sino kaya yun? Baka si Gave? Oo baka nga si Gave.

"Ano itsura kuya?" Tanong ko.

"Hmm. Maputi, Yung buhok nya parang Bangs, Kulay Yellowish yung buhok nya" Paglalarawan ni Kuya.

Hindi si Gave kasi nakataas yung buhok nya. Teka. Si? Si- Si Kyle Alvarez!? Pumunta dito!? Hindi. Hindi siguro. Perp sya lang yung kilala kong ganung buhok eh..

Ilang minuto nang pumasok na sina mama at papa kasama ang doktor.

Nang makita ko di mama umiiyak. Napano si mama?

"Mama, bakit po kayo umiiyak?" Tanong ko kay mama. Kasi humahagulgol sya sa pag iyak

Si kuya naman at papa tahimik lang sila. Ano bang nanyayare?

"Ms.Nicole, huwag ka sanang magugulat. May cancer ka sa dugo." sabi sakin ng doktor.

Biglang nagunaw ang mundo ko ng marinig ko ang mga salitang yun.

Cancer? Sa dugo? HINDI SIGURO.Nang Nagsimula na akong umiyak .

"Hindi! Imposible! Baka mali lang yung pagtingin nyo sakin dok! Wala! Wala akong cancer!" Sigaw ko habang umiiyak.

"Nicole, tama na" Pag papahinahon sakon ni kuya. Pero hindi! Wala! Wala akong ganoong sakit!

"Pero kuya! Diba nagsisinungaling lang yung doktor!? Diba wala akong sakit!?"

Hindi ko na mapigilan ang mga nararamdaman ko, feeling ko wala na ako sa sarili ko. Hindi, wala, wala akong sakit. Imposible.

"Nicole, huminahon ka. Imbes na umiyak ka at magsisigaw, isipin mo gagaling ka" Atsaka nya ako niyakap.

"Pero kuya! Hindi! Hindi! WALA AKONG SAKIT!"

Bakit? Ano ba ginawa ko para magkaganito ako? Sa sakit ba na to mawawala lahat ng pangarap ko? Bakit? Bakit ako pa?

Nang huminahon na ako. Nakatulala lang ako ni kumain ayaw ko. Kinakausap ako nina mama at kuya hindi ko sila pansin.

Lutang ako at maraming iniisip. Nang may sinabi sakin si kuya na nakapag patino sakin.

"Nicole, nandito ulit yung lalaking sinasabi ko sayo"

Tumingin lang ako kay kuya at sa lalaking nakatayo ngayon sa harapan ko at nakatingin sakin.

"Nicole, kamusta---"

"Umalis ka dito" pagtataboy ko sakanya. Kahit kailan hindi ko Malilimutan ang pagkakalimot mo sakin KYLE!

"Pero---"

"SABI KO UMALIS KA DITO!" Sigaw ko. Atsaka sya lumakad at umalis.

Tumulo lang luha ko at simula ng mag iiyak.

Hindi ko matanggap na agad akong mawawala sa mundong ito.

Pero siguro tama na rin 'to kaysa paglaruan lang ako habang buhay...

Someday[COMPLETED/EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon