Kabanata 15

23 0 0
                                        

(Masakit)

Warning: Explicit scenes. Mas madami na sya ng konti ;-)

Leny's POV:

"Leny? Are you okay?" Nawala ang atensyon ko sa nakita ko kanina sa bar.

Bakit ba ako nasaktan? Diba dapat magalit ako? Diba inasahan ko na yun? Bakit ganito pa yung nararamdaman ko ngayon? Masakit!

"A-ah, o-okay lang ako" pinilit kong ngumiti.

Tumango naman sya at lumabas ng sasakyan, hinayaan ko syang buksan ang sa akin at inalalayan pababa. Naramdaman kong pinulupot nya ang kanyang kamay sa aking beywang at pumasok na kami sa building.

Sa elevator pa lamang ay sinimulan na akong gawaran ng mapupusok na halik ni Ferd. Mula sa aking leeg at sa pisnge.

Pinilit kong tumugon. Sinimulan ko na din syang halikan. Leny, tigilan mo na. Tumigil ka. Ayusin mo ang sarili mo.

Di ko namalayan ay nasa tapat na pala kami ng unit ko. Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay agad ko syang itinulak sa likod ng pinto at hinalikan sya sa kanyang labi.

Umaapoy na ang buong katawan ko at mas lalo kong pinag igi ang paghalik ko sa kanya. Ipinasok ko ang dila ko sa kanyang bibig at napa ungol si Ferd sa ginawa ko.

Nag simula nang maglakbay ang mga kamay ko sa likod ni Ferd at sya din sa akin. Hinubad nya ang strap ng dress ko at ginawaran ng halik ang balikat ko. Kusang lumabas sa aking bibig ang mahinang pag ungol and i know napangiti sya doon.

Hinubad ko din naman ang suot nyang shirt at di ko maiwasan na dampian ng halik ang matigas nyang katawan. Mula sa manly nipple nya, napapasinghap at ungol na lamang si Ferd sa ginagawa ko, bumaba ako patungo sa kanyang abs at dinilaan ito.

"Damn, Leny" halos mapapikit si Ferd sa ginawa ko. Tumayo ako muli at hinagkan ang kanyang labi, binuhat nya ako bigla at ipinulupot ko ang aking mga hita sa kanyang beywang.

"Sa dulong pinto sa sala" sabi ko at agad din nyang na gets na kwarto ko ang tinutukoy ko. Nang makadating kami sa kwarto ko ay ihiniga nya ako at hinalikan ako muli.

Biglang lumitaw ang mukha ni Clyde sa isip ko. Si Clyde. Ang kanyang sikreto. Si Den. Yung panloloko.

"Shit! Leny!! Are you okay?" Nabigla ako nang mapansin na wala na sa top ko si Ferd at humahagulgol na pala ko. Di ko na napigilan at mas lumakas ang pag iyak ko. Halos hinahabol ko na ang aking hinga dahil sobra sobra na ang pag iyak ko.

"Leny, are you okay?" Ipinatong ni Ferd ang kumot sa katawan ko at nagtagpo ang aming mga mata. Halatang di ini expect ni Ferd ang nangyari. At kahit ako man din ay di ko ini expect ang nangyari sa akin.

Nasasaktan pa din pala ako. Mas masakit dahil sa laki ng mundo. Yung unang dahilan na nagbigay ng sakit sa akin ay magbibigay ng panibagong sakit sa makakasama ko ngayon.

Umiling ako kay Ferd at napailing sya at nakita ko na lang ang aking sarili na nasa kanyang mga bisig.

"Ilabas mo na lahat iyan,Leny. Wag kang mag alala. I got you now" umiyak ako ng umiyak lalo sa sinabi nya at parang sanggol ako na inaalo ng kanyang magulang.

Masakit. Sabi nila you can't get the same mistake twice. Then what the fck is this? Sadya pang trip ako ng tadhana at sinasaktan alo ng ganito. Which in the first place ay di ko alam kung bakit ako nasasaktan ng ganito.

Sana mawala na ito. Sana mawala na yung sakit na mula noon ay dala-dala ko.

Silang lahat. Si Syd. Si Den. At si Clyde. Lahat sila nagawa akong saktan. Nagawa nila akong paglaruan. Napakasama nila.

Hintayin nyo.

Hintayin nyo ang pag hihiganti ng babaeng pinaglaruan nyo.

Hintayin nyo ang pagbabago ko.

*******

Clyde's POV:

Naka upo na ako sa bench at hinantay na lumabas ang doktor. Di ko talaga alam kung anong nangyari kay Den.

Si Leny. Naalala ko si Leny. Napakuyom ang palad ko kung pano ko nakita syang makipag sayaw sa isang lalaki. Damnit. Di ko naman dapat ikinagagalit yun. Dapat pa nga akong matuwa dahil matutuon ni Leny ang atensyon nya sa iba. Pero yung makita syang nakangiti sa iba. Di ko ata kakayanin iyon.

Lumabas ang doktor kaya isinantabi ko muna ang naiisip ko. At nilapitan ang doktor.

"Dok? Ano pong lagay ng pasyente?"

"Kayo po ba ang pamilya nya?" Nag aalangan pa ako pero sasagot na sana ako nang bigla..

"Ako po. Ako po ang asawa nya" napalingon ako sa nag salita.

"Syd"


*****

Nasa labas kami ngayon ng ospital at hingal na hingal ako. Mahapdi ang mukha ko at naramdaman kong may tumutulong dugo sa bibig ko.

Ganun din naman si Syd. May dugo na din ang kanyang ilong. Nagsuntukan kami sa labas matapos kong marinig ang lahat.

"Gago ka! Alam mo ba iyon ha?" Sabi ko sa kanya. Nakita kong ngumiti sya at isang ngiti iyon na di aabot sa mata. Isang malungkot na ngiti.


"Oo alam ko. Gago talaga ako. At pinag sisihan ko yun"

Alam ko na. Alam ko na ang lahat lahat.

Kasalanan nga ang ginawa nila na magtaksil sila sa amin. Pero ang pagkakataon na makapagpaliwanag sa amin ay di nila nagawa dahil sa nangyari sa kanila.

Pinalayas silang pareho ng kanilang pamilya at di nila alam kung saan sila tatakbo. Tumira sila sa mga apartment at nang maubos ang kaunti nilang ipon ay naranasan din nilang matulog sa tabi ng kalsada. Buntis pala si Den nun. At di nila alam ang gagawin. Naawa ang lola ni Den at pinatira sa kanila at doon inayos nila ang buhay nila at kasabay nun ay nakalimutan na nilang magpaliwanag sa amin.


"Dalawang taon na ang anak namin, at ngayon... Susunod na sana si junior ang kaso..." Napa iling sya sa sarili nya at napasabunot sa kanyang ulo. Mas nabigla ako nang humagulgol sya at napaluhod.


"Ngayon,di ko alam ang gagawin ko! May cervical cancer sya. Stage 3!! At palala ng palala. Tapos dala-dala nya pa yung anak namin. Punyetang buhay to! Kinarma na ko sa mga ginawa namin!! Kasalanan ko tong lahat" di ko maiwasan na maawa sa sitwasyon nila ngayon. Napakahirap na nga siguro ng sitwasyon nila.


Ano pa bang rason ng paghihiganti ko kung ang tadhana na ang nagbigay ng parusa sa kanila. Kaso nga lang. Napasobra naman ata.


"Pre" napalingon ako at halos maawa ako lalo sa dati kong tropa. Ang dating Syd na kilala ko.


"Pre,tulungan mo kami. Please"





Tamang Landi LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon