Kabanata 12

19 0 0
                                    

(Korean Kimchi)

Nagsimula na kaming maglakad sa kalsada. Mabubusog ka na lang sa kakaamoy at tingin sa paligid. Plus mabubusog ka na kaka free taste sa lahat ng mga stall.

"So,anong gusto mong kainin?" Tanong sa akin ni Clyde. Di na kami nag rent ng sasakyan dahil mas mgandang ilakad na lang di naman malayo ito sa hotel.

"Hmm, eh kung dun na lang?" Turo ko sa isang maliit na shop at naka paskil ang di ko maintindihan na Korean symbols.

"Annyeonghaseyo!!" Bati ng mga tao pagka pasok namin. Aba. Mukhang maganda ito ah. Puno ang lugar at amoy na amoy ang mga masasarap na pagkain. Lumapit kami sa counter at naka paskil sa taas ang mga pwedeng orderin na pagkain at actually wala talaga akong na gets"

Kinausap ni Clyde ang sa tingin ko ay cook. Aba nagkakaintindihan pala sila?

"Lika na" inakbayan nya ako papunta sa isang table. Di ko maiwasan na magtaka kung ano ang sinabi nya sa cook.

"Ohh, kyeopta!!" Napalingon ako sa katabi namin na seat at may dalawang mukhang highschool student ang nakatingin sa amin. Well, specifically kay Clyde napa angat naman agad ang kilay ko..

"Kamsamnida" sabi ni Clyde na mas ikinatuwa ng dalawang babae. Sa inis ko ay inalis ko ang pagkaka akbay nya sa akin at umupo na sa table namin.

"Hmm, selos ka naman masyado" ani ni Clyde habang umuupo din sa aking harap.

"Asa ka! Makipaglandian ka sa mga batang yan kung gusto mo" di ako nagseselos nuh. Tss... Sabing hinde eh!!!

"Hmp, sabi kasi nila ang cute daw nating dalawa nag thank you lang ako" okay. Namula pisnge ko dun pero mas pinili ko na lang na wag ipahalata. Bwiset to.

Maya-maya pa ay dumating na ang isang server dala ang isang tray na puno ng pagkain. Gosh, amoy pa lang busog ka na.

"Kimchi yan, ito ang isa sa mga paborito ng Korean pero side dish lang yan. Mas hilig nila na may side dish talaga. Bagay na pares dyan itong inihaw na baboy" okay sya na expert. Mukha tuloy akong ewan na nakikinig sa kanya. Kinuhaan ko ng picture ang mga pagkain dahil kasama ito sa article na gagawin ko.

"Teka,wala bang kutsara at tinidor?" Ito ang ayaw ko eh yung chopsticks wala akong talent sa paggamit nyan kaya ayaw ko sa Asian food dahil di ako gamay sa chopsticks.

"Subukan mong gamitin. Madali lang naman eh" sabi ny habang sarap na sarap na sya sa pagkain. Kainis. Inaasar nya pa ko. Sinubukan kong gamitin ang chopsticks. Sinubukan kong dumampot ng karne sa my ihawan pero... Argh!!!

"Sige! Ikaw na lang kumain! Bwisit ka!" Tatayo na sana ko para humingi ng spoon and fork nang pigilan ako ni Clyde.

"Toh,naman wala ka talagang tyaga." Sige, ngiti pa. Labas mo pa yang nagpuputian mong ngipin kala mo ikaw lang meron eh.

"Dali na. Susubuan na lang kita"

"Ano?! Ayoko nga!! Hihingi na lang ako ng kutsara doon!" Bwisit na Clyde na ito. Bakit kailangan nya pang gawin sa akin ito?

"Ano ba,Clyde! Kukuha na lang ako ng kutsara!" Mas namula ng mukha ko nang nasa tapat ko na talaga yung pagkain. Nakadikit na talaga sa bibig ko at inaantay na lang ni Clyde na buksan ko ang bibig ko.

"Kainin mo na lang kasi" ayan na namang inosente nyang ngiti. Nakakainis itong bwiset na to. Wala na akong nagawa kundi ang ibuka ang aking bibig at kainin ang sinubo nya sa akin. Wiset! Nakakainis ka,Clyde!!

Buong oras ng pagkain namin ay sinubuan lang ako ni Clyde. Actually ako na nga lang ang kumakain dahil tuwang tuwa sya sa pagpapakain sa akin.

"Ano? Busog ba ang baby ko?" Ani ni Clyde nang makalabas na kami nang kainan. Siniko ko nga ang gilid nya. Loko talaga itong lalake na ito.

Tamang Landi LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon