Kabanata 1

31 0 0
                                        

(After 3 years)

"Okay, last three frames,Leny" sabi ng photographer kaya nag pose ako for the last time.

"Okay! We're done" nag simula nang mag alisan ang mga tao sa studio at lumapit ang assistant ko at pinunasan ang mukha ko. Gosh. Gusto ko nang umuwi.

"Damn girl. Your Mr.Camera boy is actually checking you out" napalingon naman ako kay Ash at sinundan kung sino ang tinitingnan nya. Nakita ko ang mga intern na photographer at isang blonde ang nakakuha ng atensyon ko dahil he was really staring at me. I rolled my eyes at kinuha ang hawak na robe ni Ash at binalot sa aking katawan.

Last ko ng bikini endorsement ito. Di na ako tatanggap ulit. Naglakad na ako papunta sa dressing room at nasalubong ko ang maneger ko na si Tim. He's gay actually. And kakilala ni Ferd at ipinakilala din sa akin nung time na pumunta ako dito sa US with him.

"Leny,babe. Can you answer this call? It's been bugging me since you walked out this dressing room" mukhang pikon na pikon nga talaga sya at inabot ko ang phone ko. Napa iling na lang ako nang makita ang pangalan ng Caller Id.

"Hello, Madam. Kakatawag mo lang kanina? Tawag ka nanaman ulit?" Umupo ako sa upuan at sinimulan nang tanggalin ng make up artist ko ang kolorete sa aking mukha.

"Leny naman. Masama bang kamustahin kita huh?" Natatawa na lang ako. Simula nang umalis ako sa Pinas naging clingy na itong boss ko sa TLL at halos walang araw na di nya ako kakamustahin.

Namimiss ko na din naman sila. It's just I'm preparing myself sa muli kong pagbabalik.

Ano nga ba ang nangyari 3 years ago??

Tanda kong halos mahiya ako sa sarili ko. I fell in the same trap twice. Sabi nga you learn from your mistakes...pwera na lang kung tatanga tanga ka at magpapahuli ulit dito.

"Whatever, Madam. Alam ko namang haharasin mo ko na bumalik sa Pinas e" narinig ko syang tumawa ng malakas. Yeah. Just as i thought.

"What can i do? Can't help it,dear. Miss ka na ng TLL. At I'm partly offended kung bakit pinagpalit mo ang kompanya sa mga branded na damit. Tsh. I also hate your maneger huh! Kung di lang yan gwapo. Sinabunutan ko na ang baklang yan" natawa ako nang maalala ko ang encounter ni Madam sa maneger ko last year nang surpresahin nya ko nang pumunta sya dito.

Halos di matapos ang bangayan ng dalawa. Akala mo di mga professionals eh. Isang gay na designer/maneger. At isang babaeng CEO/boss ko. Ang parang aso at pusa na nag aaway nung nag bday ako.

"Leny,babe? Are you talking with that grumpy old lady again?" Sabi ni Tim at alam kong pinaparinggan nya na naman si Madam. Magsasalita na sana ako nang sumagot sa kabilang linya si Madam.

"Teka?! Leny! Andyan ba yang asungot na bakla na yan huh?! Ano daw kamo? Grumpy old lady?! Leny! Sabihin mo sa bakla na yan na puputulan ko sya ng etits at ipapakain ko sa mga galising aso dyan sa may kanto,sabihin mo sa kanya!" See? Daig pa ang mga bata sa pakikipag bangayan.

Natapos ang photoshoot ko at nagpalit na ako ng casual kong damit. Sumakay ako sa Mercedes Benz ko at nagmaneho paalis. Ayoko na may kasabay pa ako at hinahayaan naman ako ni maneger. Buti nga ngayon at di na gaano ka hectic ng schedule ko. Di naman malayo ang hotel kaya less than 10 minutes nakadating din agad ako. Nag park ako sa basement. Nag lalakad ako papunta sa hotel na tinutuluyan namin. Habang nag lalakad ako ay panay ang lingon ko sa paligid baka may paparazzi na namang mapadaan. Hayys. Dark glasses, hoodie at jeans na naman ang suot ko. Typical get up ng nagtatago na sikat na personalidad.

"Good morning,Miss Ramos,i hope you had a great day,ey?" Binati ako ni Joaquin, sya ang security guard ng hotel at kilala na nya ako matapos kong magstay dito nang halos apat na taon.

Tamang Landi LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon