(Date)
Nakaka asar si Clyde. Pwe. Magsama sya ng tingting nyang partner. Kakatapos lang ng pictorial at tapos din na ang trabaho ko. Inayos ko ang mga gamit ko sa opisina bago umalis.
"Babe!!" May narinig akong nagsisigaw sa hallway at wala akong pake tuloy lang ang paglakad ko. Kaninang umaga ang ganda ng araw ko bigla lang masisira.
"Babe" ay leshe. Di pa rin ako tumigil. Tanga naman ng gf ng nagsisigaw na yan. Ambinge naman.
"Babe kong Leny" muntikan pa kong matisod sa huli nyang sinabi. Napalingon ako agad at nakitang si Clyde pala iyon. Tkate tong lalake na to oo.
"Wag mo nga kong matawag tawag na babe ha!"
"Toh,naman.init agad ng ulo" kasabay ko na sya pero mas binilisan ko ang lakad ko. Para kaming ewan na ambilis maglakad sa hallway.
"Wuy,selos ka pa din?" Napatigil ako uli. Hinampas ko na sya ng dala kong bag.
"Anong selos pinagsasabi mo ha. Di ako nagseselos Mr.Statfield"
"Aray,makahampas naman to ah" umiilag pa sya sa paghampas ko.
"Tse!,layuan mo ko!" Naglakad na ako muli.
"Leny naman. Sorry na oh. Dali na"
Di ko na sya nilingon at tuloy lang ang lakad ko. Bat parang humaba ata hallway namin? Tagal kong makalabas eh.
"Leny,sorry na" nabigla ako ng nakaluhod na sya sa harap ko.
"Hoy,tumayo ka nga!nakakahiya!" Lumingon pa ko sa paligid at baka may makahalat sa amin. Takteng lalakeng ito oo.
"Bati na muna tayo" pataas taas pa sya ng kilay. Narinig kong may paparating kaya mas na inis ako. Wala kong magagawa nito.
"Oo na! Tumayo ka na dyan" mabilis pa sa alas quatro ng hilayin nya ko palabas ng TLL at napansin kong nasa loob na kami ng kotse. Takte. Ambilis nun ah?!!
"Dahil bati na tayo. Magdadate tayo" bago pa ko maka angal ay pinaharurot na nya ang sasakyan nya.
"Seryoso ka ba? Iyan ang kakainin natin?" Nandidiri pa sya sa hawak kong isaw.
"Yan,pinilit mo ko na ako pumili san tayo pupunta ngayong nandito tayo ang choosy mo." Kinain ko na ng isaw. Namiss ko ito.
"Safe ba yan??" Sinamaan ko ng tingin.
"Kuya,isa pa pong isaw. Pagpasensyahan mo na kasama ko kuya. RK kasi e,maarte"
Tumawa lang si kuya sa amin. Dito ko dinala si Clyde sa park kung saan madaming mga street foods.
Di naman kasi kami mayaman ng bata pa ko. Simple lang buhay ko nun hanggang sa maging model na ko.
"Oy! Di ako feeling RK, malaki lang talaga ang income namin" pagmamayabang nya pa. Sows.
"Manahimik ka nga. Oh, gusto mo ba nito o ayaw mo?" Inalok ko sa kanya ang bagong luto na isaw. Nag aalangan pa syang kunin pero sa huli ay kinuha nya naman.
"Dali na,tikman mo" natatawa ako sa mukha nya. Halatang ayaw nya kainin eh.
Kumagat na sya ng konti at nginuya nguya ito.
"So??? Anong masasabi mo?"
"Clyde,tama na. Ubos na ang benta ni kuya!"
"Oo,nga nako hijo balik ka uli bukas at dadamihan ko ang isaw"
"Hala,eh gusto ko pa eh" parang ewan si Clyde habang tinatapon nya ang huling stick ng isaw. Sabi na at magugustuhan nya eh. Di na kami nakaalis sa ihawan dahil natakam si Clyde sa isaw. Pinakyaw nya talaga ang lahat eh.
"Bukas na nga lang daw" hinatak ko na paalis si Clyde at naglakad lakad kami sa park.
"Nakakahiyang aminin pero ang ganda nga dito. Saka masarap nga talaga ang isaw. Nako,babalik ako uli dito" napangiti naman ako.
Dati kasi pag may nagyaya ng date sa akin it's either sa isang fine dining, o kaya sa sosyal na lugar,o di kaya sa exclusive na night club. Nakakasawa eh. Di ma date yun diba? Kasi kama na ang diretso nyo nun.
Eto yung gusto ko. Yung nag uusap kayo ng maayos walang kalandian. Parang tulad ng dati.
"Easy ka lang, wag mo araw-arawin baka magka hepa ka kalamon ng ihaw" paalala ko sa kanya. Maganda ang pag gala sa park ng ganitong oras dahil di gaano karami ang tao.
Click.
Napalingon ako kay Clyde,pinicturan nya pala ko.
"Hoy,patingin. Stolen yun ah" lumayo pa kasi aya at nakangiti ng malapad. Hala. Nu kayang itsura ko nun.
"Hindi. Ganda nga eh"
Para na kaming ewan na naghahabulan sa park. Ayaw pa kasi nya ipakita. Nang ma tymingan ko ay hinawakan ko ang braso nya kinurot ito.
"Aray!!!! Aray!! Takte,oo na. Ito na oh" pinakita na nya sa akin at napa awang ang bibig ko.
Naka yakap pala ako sa beywang nya, at sya ay naka akbay sa akin, nakangiti ako at naka tanaw sa malayo samantalang sya naman ay nakatingin sa akin. Bahgyang namula ang pisnge ko.
"Yieee,kinikilig sya oh" pang asar nya sa akin.
"Heh! Manahimik ka nga!!" Binato ko sa kanya ang phone nya at buti nasalo naman nya.
"Umuwi na nga tayo" nauna na kong maglakad sa kanya. Narinig kong tinawag nya ko pero di ako lumingon.
Sa byahe namin tahimik lang kaming dalawa,walang nag iimikan sa amin.
Ano ba kasi itong nararamdaman ko. Ganitong ganito yun nung una akong nainlove.
Nakadating naman kami agad sa condo ko. Ako ang nagturo ng daan,akalain nyo na namang alam nya agad.
Nasa ground lot kami at walang tao kundi kami lang. Naka park pa kasi si Clyde,e pwede naman nya kong ibaba sa main entrance ng condo.
"Di ka ba masaya sa date natin?" Si Clyde ang unang bumasag ng katahimikan.
"M-masaya naman"umiwas ako ng tingin sa kanya.
"Sigurado ka?" Nabigla na lang ako na ang lapit na ng mukha nya sa akin.
Dug.dug dug.dug dug dug
Shet. Ano toh??
Ang tahimik ng paligid namin at nakatitig lamang kami ni Clyde sa isat isa. Hanggang sa lumapit na nga sya at naglapat ang labi namin.
Masarap. Kalmado. Slow. Passionate.
Ganyan yung paghalik nya. Di ko namalayan na tumutugon na pala ako sa kanya.
Naglakbay na ang kamay ko sa likod nya at hinila ko sya papalapit pa sa akin.
"Ohhhh,baby you're turning me on"
Sa isang iglap ay kumawala ako sa kanya. Pareho kaming hingal na hingal.
"May problema ba?" Tanong nya.
"Wala. Wala. I- ihave to go" nagmadali akong tanggalin ang seat belt at binuksan ang kotse nya. Narinig ko pa syang tawagin ako pero nakatakbo na ako sa loob ng condo.
Sorry Clyde. But i think, di na ko pwedeng lumandi sayo.
Hindi pwede dahil di na ko makakatakas sa nakaraan ko.
Vote. Share. Comment. Follow.

BINABASA MO ANG
Tamang Landi Lang
RomantizmNaranasan nyo na lumandi,umamin na kayo,im a proud malande. oo, ayaw ko magmahal eh,ayoko masaktan,ayokong lokohin ulit.. kaya mas okay nabg lumandi. Kasi di naman kayo eh,nilandi mo lang,pak buddies lang kayo, bo strings attached. Pero paano kapag...