(When all the pieces has been placed)
Leny's POV:
Nagpalakpakan ang lahat ng mga tao sa loob ng hall. Natutuwa din ako dahil nagustuhan din nila ang month's issue ng TLL magazine.
"Napakagaling mo talaga,Leny." Puri ni Madam sa akin.
"Thanks,Madam. But this should be my last. I hate eating kimchi. Mas masarap pa ding kumain ng adobo" biro ko.
Natawa na lamang si Madam sa sinabi ko.
"Asan nga pala si Mr. Statfield?" Pagtataka ni Madam.
Naalala ko naman yung huling araw namin doon.
**flashback**
Nasa huling araw na kami. At ipakilala ako ni Clyde sa isang business engineer na nakasosyo na din ni Madam sa kompanya. Inimbitahan ni Clyde si Mr. Soon para sa isang business interview.
It went well, at naisipan ni Mr. Soon na suportahan pa din ang kompanya namin,at dagdag puntos iyon para sa parte ni Madam.
"Well, Ms. Ramos, it's really a pleasure to meet you. Thank you again" nakipagkamayan kami sa lahat ng nasa conference room.
At nang nagsialisan na ang lahat ng tao,naiwan kami ni Clyde sa loob.
"Sa wakas. Tapos na" napangiti ako habang nakatingin lamang sa kanya.
"Sayang nga eh. Di na kita makakasama nang mas matagal pa" nabigla talaga ako sa sinabi nya.
Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Pero sa likod ng aking isip. Naalala ko na di dapat ako magpapahulog sa bitag nya.
"I'm just gonna use the restroom. Excuse me" nagpa alam ako sa kanya at umalis ng conference room.
Inayos ko ang sarili ko at inalis sa utak ang aking nararamdaman. Pigilan mo,Leny. Alam mo na ang mga ganyan. Napagdaanan mo na yan. Wag ka nang sumugal ulit.
Nang maging okay ako ay lumabas na ako ng banyo. Babalik na sana ako sa conference nang marinig kong may kausap si Clyde.
"Ngayon ikaw naman ang gustong makipag kita sa akin? I can't believe,Den!" Nabato ako sa kinatatayuan ko.
Den. Dennatri Mendel?? Yun agad ang pumasok sa isip ko.
Hindi. Baka masyado lang akong paranoid. Baka mali lang ako. Tamang hinala lang ito.
Narinig ko ang mga yapak na papalapit sa akin kaya nagmadali akong bumalik sa banyo at sinara ng bahagya. Nakita kong parang kinakabahan si Clyde at bigla itong umalis.
Please tell me, mali lang ang inaakala ko.
Natandaan ko ang eksenang ito. Natandaan ko nung di ko mahanap si Clyde sa party nung araw na nakita ko ang ex ko.
. ...."San ka nagpunta ha?" ....
....."Ano kasi,nakita ko yung partner ko noon sa isang project at nagkamustahan lang kami. Sorry kung nawala ako ha. Pinakilala nya mga partners nyang iba.".....
Nung una wala lamang iyon sa akin pero sa kutob ko ngayon. Parang may mali. Sinundan ko sya pababa ng building ng di nya nalalaman.
Di pa man kami nakakalabas ng building ay dumiretso sya sa likod ng building kung saan makikita ang parking lot.
Pabilis ng pabilis ang tibok nang puso ko at di ko alam kung ano ba talaga ang nangyayari ngayon.
Nang maka liko na din ako sa parking lot. Nanginig ang buo kong katawan at unti-unting nang hina ang mga tuhod ko.
BINABASA MO ANG
Tamang Landi Lang
RomantizmNaranasan nyo na lumandi,umamin na kayo,im a proud malande. oo, ayaw ko magmahal eh,ayoko masaktan,ayokong lokohin ulit.. kaya mas okay nabg lumandi. Kasi di naman kayo eh,nilandi mo lang,pak buddies lang kayo, bo strings attached. Pero paano kapag...