Kabanata 2

19 0 0
                                        

(Clyde Justine Statfield)

Clyde's POV:

Apat na taon.

Apat na taon na ang lumipas.

Apat na taon sumila nang magbago na ang takbo ng buhay ko.

"Sir Justine?" Nakuha ang atensyon ko nang pumasok ang isa sa mga foreman ko.

"Ano po yun?" Nirolyo ko muli ang blueprint at pinatong sa desk ko.

"May problema po dun sa electrical wiring sa rooftop. Tatanong po namin kung titigil muna yung nag fifinishing doon,di pa po kasi dumadating yung electrician" nakahinga ako nang maluwag. Akala ko kung anong problema na. Buti at yun lang pala.

"Sige po, maaga naman nating natapos yung project, tatawagin ko na lang yung electrician, siguro sa Martes na lang din kayo bumalik para pag dating ng byernes maibigay yung sweldo sa inyo" tumango ang foreman at lumabas na ng tent. Naramdaman ko ang vibration ng phone ko sa back pocket ng aking pantalon kaya kinuha ko agad at tiningnan ang Caller Id.

Nawala agad ang pagod sa sistema ko nang makita kung sino ito.

"Daddy! Daddy!" Napangiti lamang ako nang marinig ang pamilyar na boses ng dalawang batang nagpabago ng buhay ko.

"Hey, kamusta kayo?" Narinig ko naman na parang nag aagawan yung dalawa kaya magsasalita na sana ako nang may panibagong boses akong narinig.

"Justine? Nako! Pasensya na ha? Itong mga batang ito kinuha na naman yung cellphone"

"Wala yun,Den. Kamusta na kayo dyan?"

"Okay lang kami dito, kailan uwi mo?" Tiningnan ko ang relo ko.

"Baka mga 10 na ko makadating dyan"

"Sige, ipagluluto na lang kita ng makakain mo" aayaw na sana ako dahil ayoko naman na mapagod sya pero binaba na nya agad ang tawag.

Same old Den, maalaga pa din.

Ano nga ba ang nangyari nitong nakaraang mga taon. It wasn't lucky. Napaka hirap. Sa kasagsagan ng pagkahina ni Den ay pinili kong tulungan si Syd. At ang mahirap doon ay Syd passed away. Car accident. Di ko alam kung anong gagawin ko sa pangyayaring iyon lalo na at nagpapagaling pa si Den. Di naman tumagal ang pagsubok na yun nang mabalitaan ito ni Den. Halos di ko kinayang makita syang hinang hina at nadagdagan pa ng sakit na nararamdaman-emotionally.

At ngayon, pinilit ko syang tumira sa akin. Dahil nga sa walang makakatulong sa kanya kundi ako. Inako ko ang responsibilidad na iniwan ni Syd. Ako ang tumayong ama sa dalawa nilang anak.

Sa halos apat na taon na iyon. Di ko pa rin maiwasan na di isipin ang mga nangyaru bago pa dumating ang punto na ito. Gusto kong humingi ng tawad kay Leny. That sick game i played is not yet done. Di pa iyon natatapos dahil wala pang tumitira sa kabilang manlalaro.

Leny is not yet making her turn in the game. At kapag dumating na ang oras na iyon.

I hope handa ako.

_________

Leny's POV:

Nagising ako sa tabi ng isang matipunong lalaki. Di ko maiwasan na mapangiti sa kanya.

"Good morning" nakangiti kong sabi. Ngumiti din sya at hinawakan ang likod ng ulo ko at pinatong sa dibdib nya kasabay nun ang pagdampi ng labi nya sa tuktok ng aking ulo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 22, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tamang Landi LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon