CHAPTER TWO : Coincedence?

49 6 0
                                    


"Good morning po, Tita." bati ni Misty at Clarisse.
"Oh girls, good morning din naman." sagot ni Tita.
"Nandyan po ba si Gail?" tanong ni Clarisse.
"Oo, gusto niyo tawagan ko o pupunta na lang kayo sa kwarto niya?"
"Pupuntahan na lang po namin."
"Sige, akyat na kayo."
"Sige po Tita, salamat po."
.
TOK!!TOK!!TOK!!
"Sandali lang." sabi ni Gail.
"Gail...." bati ni Misty.
"Oh, ano namang ginagawa niyo dito?"
"Gail naman, galit ka pa rin ba samin? Sorry na."
"Hindi naman ako galit. Ayoko lang mg inasal niyo ni Clarisse kagabi. Mukha kayong pokpok, alam niyo ba yon?"
"Aray naman Gail, pokpok agad, di ba pwedeng flirt lang muna?" tanong ni Clarisse.
"Hay naku. Kung ipipilit niyo pa ring dalawa na walang mali sa inasal niyo kagabi, umuwi na lang kayo at nagpapahinga pa ako. May trabaho pa ako mamaya."
"Sorry na Sis. Promise, hindi na mauulit." sabi ni Misty.
"Talagang hindi na mauulit dahil last ko ng sama sa inyo. Ayoko ng pumunta sa ganoong mga lugar kahit kailan."
"Gail naman," sabi ni Misty.
"Sige na, umuwi na muna kayo. Saka na lang tayo mag-usap kapag matino na ulit kayo. Bye. Ingat pag-uwi." sabi ni Gail at isinarado na ang pinto ng kanyang kwarto.
"Tara na Misty. Saka na lang natin kausapin sa Gail kapag hindi na mainit ang ulo niya." sabi ni Clarisse.
"Sige."
.
"Tita, alis na po kami. Salamat po." paalam nina Clarisse.
"Nagkausap ba kayo nina Gail?"
"Opo Tita. Sige po, alis na kami."
"Sige, mag-iingat kayo."
"Salamat po Tita."
.
"Hay, galit pa rin sa atin si Gail." sabi ni Misty.
"Anong 'sa atin' ka dyan? Sayo lang naman galit yon. Ikaw kasi ang nagdala sa amin sa bar na yon eh." angal ni Clarisse.
"Hoy, dalawa tayong kilig na kilig kay pogi. Kaya pati sayo galit din yon."
"Teka nga pala, bakit ba nagalit sa atin si Gail kagabi? Dahil ba sa bar tayo nagpunta o dahil kay pogi?"
"Oo nga ano? Bakit nga kaya, hindi naman ganoon si Gail eh, diba friendly un?"
"Siguro nayabangan lang kay pogi. Alam mo naman na ayaw nun sa mayabang."
"Pero infairness, ang gwapo talaga ni pogi, mabait pa." sabi ni Misty habang kinikilig pa.
"Tama ka dyan sis." sang-ayon naman ni Clarisse.
.
"Tita, umalis na po ba yung dalawa?" tanong ni Gail.
"Oo anak, bakit?May problema ba kayong tatlo?"
"Wala naman po. Tinatamad lang po akong makipag-chikahan sa kanila ngayon."
"Ganoon ba? Anak, kung anumang namamagitan sa inyong magkakaibigan, wag niyo ng patagalin at baka kung ano pang kahinatnan niyan." payo ni Tita.
"Opo Tita. Salamat po sa payo."
"Basta ikaw anak, siyanga pala, may trabaho ka ba mamaya?"
"Meron po Tita."
"Anong oras ang pasok mo sa trabaho?"
"1pm po. Mas maaga po kapag sabado ang trabaho ko tapos kapag sundays ay day off ko naman po."
"Ganoon ba? Sige, shopping tayo bukas, gusto mo? Isama mo ang mga kaibigan mo."
"Naku Tita, wag na po. Baka mawili ang mga iyon sa pagsa-shopping."
"Hahaha, okay lang yon, minsan lang naman eh."
"Naku, salamat po Tita. Sana hindi niyo pagsisishan ang pagyaya niyo sa amin."
"Hindi naman nga siguro. Siya, kumain ka na, may pagkain na dyan sa mesa."
"Salamat po. Kain na din po kayo."
"Kumain na ako kanina. Kasabay ako ng Tito mo. Kain na."
"Sige po."
.
"Tita, alis na po ako."
"Sige, anak. Mag-iingat ka ha. Uwi agad pagkatapos ng trabaho."
"Opo Tita."
.
"Gail!!" sigaw ng manager ni Gail sa coffee shop na si Miss Tina.
"Yes, Miss Tina?!" sagot niya at agad na lumapit sa manager.
"Magbihis ka agad at maraming customer ngayon."
"Opo Miss Tina." sagot niya at agad na nagpunta sa staff room para magbihis. "Okay na po Miss Tina." sabi niya pagkalabas sa may counter.
"Sige, mag-serve ka na sa mga customers."
"Yes Miss." sabi niya at agad na lumapit sa una niyang customers.
"Miss, ano pong order niyo?"
"Miss, bigyan mo nga ako ng iced coffee at isang slice ng chocolate cake."
"Kayo po Miss?" tanong niya sa isa pa.
"Iced coffee din at isang slice ng caramel cake."
"Iyon lang po ba?" tanong niya.
"Oo Miss." sagot nung dalawang customers.
"Okay po mga Miss. Pakiintay na lang po ng order niyo."
Makalipas ang ilang sandali..
"Here's your order Miss. Enjoy your food po."
"Salamat."
.
Sa sobrang dami ng customers, hindi na napansin ni Gail ang oras. Gabi na pala. Kaya pala nakakaramdam na siya ng pagod.
"Gail?" tawag ni Miss Tina.
"Yes, Miss Tina?!"
"Mag-break ka muna. 6pm na naman. Tsaka wala pa din namang masyadong customers. Sina Shiela na muna ang bahala sa mga darating pang customers."
"Salamat po, Miss. Gutom na nga po ako eh. Kain po tayo." aya niya sa amo.
"Sige, may dala ka bang pagkain dyan?" tanong ni Miss Tina.
"Wala po eh, hindi po ako nakapagdala." -Gail
"Ganoon ba, tamang tama, madami akong dala ngayon, share na tayo." -Miss Tina
"Naku, salamat po, Miss." -Gail
"Wala yon, ano ka ba?!" -Miss Tina
"Sige po, dito po tayo sa may gilid para hindi tayo makaabala sa ibang customers." -Gail
"Sige." -Miss Tina
.
.
"Wecome po, Sir. Tuloy po kayo." sabi ng SG ng coffee shop ng pumasok si Zy.
"Salamat po." sagot niya at dumiretsyo sa counter ng coffee shop.
"Good evening po, Sir. Ano pong order niyo?"
"Bigyan mo nga ako ng isang box ng chocolate cake."
"Take out po, Sir?"
"Yes, please."
"Sige po, sandali lang." Makalipas ang ilamg sandali, " eto na po amg cake niyo, Sir."
"Salamat, eto ang bayad. Keep the change."
"Talaga po, Sir? Salamat po."
"You're welcome, Miss beautiful."
"Ay!" sabi ng cashier at nagblush pa.
.
"Siya nga pala Gail, kumusta ang lakad niyo kagabi ng mga kaibigan mo?" tanong ni Miss Tina habang nakain.
"Okay naman po sana, kaso may dumating lang na mukhang mayamang feeling gwapo."
"Oh, ano naman problema doon?"
"Ang yabang po kasi eh.. Kaya nakakainis."
"Bakit, ano bang ginawa niya sayo?"
"Wala naman masyado. Pakiramdam ko lang ang presko niya masyado."
"Baka naman hindi ka pinapansin kaya ka naiinis?"
"Hala! Hindi po ah, sana nga po hindi na lang niya ako pinansin eh."
"Asus, nagdedeny pa."
"Hindi po talaga, Miss."
"Gail!" Bati ni Zy mula sa likuran ni Miss Tina.
"Anong ginagawa mo dito?" mataray na tanong ni Gail. "At paano mo nalaman ang pangalan ko, aber?"
"Diba coffee shop to? At customer ako dito." sagot ni Zy.
"Oo nga naman Gail, wag mo namang pagtarayan si Sir. Naririnig ka ng ibang customers. Baka sabihin nila, bastos ang mga empliyado dito. Kumalma ka muna, please?" awat ni Miss Tina.
"Pero Miss Tina----"
"Wala ng pero pero. Tutal naman at break time mo pa, pwede kayong mag-usap. Humingi ka ng sorry sa pagtataray mo sa kanya."
"No! Hindi ako hihingi ng sorry sa kanya.!" pagmamatigas ni Gail.
"At kapag hindi ka nag-sorry, irereport kita sa management." patuloy pa ni Miss Tina.
"Miss Tina naman.."
"Sige na, mag-usap na kayo sa labas."
"Grrrrr!!!" inis na inis si Gail dahil sa nangyari. "Bakit ka ba nagpunta dito? Sinusundan mo ba ako?!"
"Hindi kita sinusundan, Gail. Ngayon nga lang kita nakita dito eh."
"Eh bakit ka nga naririto? Kadaming coffee shop, dito mo pa naisipang pumunta?"
Dito talaga ako nagpupunta kapag mag-isa lang ako. Tsaka tama ba ang iniisip ko na nagtatrabaho ka dito?"
"Ano bang pakialam mo sa buhay ko? Wag ka na ngang maraming tanong. Tutal, mukhang nabili mo na ang gusto mong bilhin, makakaalis ka na at may trabaho pa ako." sabi ni Gail sabay pasok ng coffee shop.
"Hintayin ko na ang out mo para ihatid na kita sa inyo." sabi ni Zy na nakasunod kay Gail.
"Ano ba?! Tigilan mo nga ako!" nagulat ang mga customers sa coffee shop sa pagsigaw ni Gail. "Sorry po." sabi ni Gail ng napagtantong nakatingin sa kanya ang lahat ng customers ng coffee shop, at nagtakbosiya sa staff room.
"Sir, ano po bang problema niyo ni Gail?" tanong ni Miss Tina.
"Mis understanding lang po. Pasensya na po sa istorbo."
"Okay lang po yon, Sir. Pasensya na din po kayo kay Gail. Siguro po ay pagod lang yon. Kanina pa po kasi yon nagtatrabaho."
"Ayos lang. Anong oras ba ng out niya sa work?"
"Mamayang 8pm ang out niya."
"Ah, ganoon po ba? Pwede ko po ba siyang sunduin mamaya?"
"Ah, eh, hindi ko alam. Siya tanungin mo."
"Sige po, babalik na lang po ako mamaya. Tutal naman mag aalas 7 pa lang naman."
"Sige, ikaw ang bahala."
.
"Gail, sino yung pogi kanina?" tanong ni Miss Tina.
"Ah, yun ba? Yun po yung kinukwento ko sa inyo kanina na mayamang feeling gwapo.
"Gwapo naman nga ah.?"
"Miss, hindi gwapo yun."
"Siya, sabi mo eh. Manliligaw mo ba yun?"
"Hindi po ah!!"
"Boyfriend?"
"Lalo pong hindi."
"Eh bakit susunduin ka daw mamaya?"
"Naku, Miss Tina. Wag ka pong maniniwala doon, nantitrip lang po yun."
"Ay sige, sabi mo eh. Balik na sa trabaho."
"Opo."
.
.
"Miss Tina, uwi na po ako. Sa monday po ulit."
"Sige, ingat pag-uwi. Pahatid ka na lang kay pogi." biro ni Miss Tina.
"Naku Miss Tina, baka mamuti ang mata ko kung hihintayin ko yun."
"Haha! Babalik daw siya eh."
"Yabang lang yun nun. Ingat po pag-uwi Miss Tina.
"Sige, ikaw din. Ingat. Wag masyadong maghintay ha."
"Naku, hindi ko yun hihintayin noh! Itsura lang niya."
"Sabi mo eh. Bye."
"Bye."
.
PEEP!!PEEP!!PEEP!!
"AY KABAYO!! HOY! HINDI SAYO ANG DAAN!! ISA PA NASA TABI NA AKO!! HINDI MO NA AKO KAILANGANG BUSINAHAN!!" galit na sigaw ni Gail sa driver ng kotse sa harap niya. Lalong nainis si Gail sa nakita ng ibaba ng driver ang bintana ng sasakyan.
"Ikaw na naman?!" nakapamewang na tanong ni Gail. "Sarado na ang coffee shop, ano pang ginagawa mo dito?"
"Hindi ba sinabi ni Miss Tina sayo na susunduin kita?" tanong ni Zy na napakamot pa sa ulo. "Sabi niya, sasabihin niya sayo eh, kaya akala ko hinihintay mo ako."
"Kapal mo naman, bakit naman kita hihintayin? Sino ka ba, ha?!"
"Sorry naman, diba friends na tayo?"
"Sorry din pero wala akong natatandaan na nakipagkaibigan ako sayo." sabi ni Gail na nagsimula ng maglakad.
"Gail, wait!" habol ni Zy.
"Ano?!"
"Ihahatid na kita sa inyo, gabi na."
"Hindi na kailangan, may sundo ako."
"Ganoon ba? Bakit parang wala naman?"
"Wag ka mgang makialam. Nalate lang yon. Tigilan mo nga ang pagsunod mo sa akin. Nakakairita ka na." sinasabayan kasi ng andar ng sasakyan ni Zy ang paglalakad ni Gail.
"Ihahatid na nga kasi kita."
"Ayoko!! Layuan mo ako, please." pakiusap ni Gail, at tuluyan ng lumayo mula sa kotse ni Zy. Hindi na rin sumunod si Zy at tiningnan na lamang si Gail na papalayo.


Comments/Likes/Share are very much NEEDED&ACCEPTED.
Thank you for reading .

Friendship To Relationship? COMPLETED © TaraiShaiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon