CHAPTER THREE : Start of Friendship

38 6 0
                                    

"Good morning, anak."bati ni Tita Fe.
"Morning,Tita."maikling sagot ni Gail.
"Mukhang hindi ata magnada ang gising mo ah."puna ni Tiya Fe. "Anong oras ka ba umuwi kagabi? Maaga kasi akong nakatulog. Hindi na kita nahintay."
"Umuwi din po ako agad kagabi pagkatapos ng shift ko."
"May nakaaway ka ba kagabi sa coffee shop kagabi?"
Munytik na po. Buti na lang at napigilan ako ni Miss Tina."
"Bakit? Hindi mo naman ugali ang makipag-away ah. Pinalaki ka namin ng Tito mo na pasensyosa."
"Nakita ko po kasi sa coffee shop ung lalaking crush na crush nina Misty na na-meet namin sa bar kagabi. Nakakainis."
"Bakit, binastos ka ba?"
"Hindi naman po, nayayabangan lang po ako. Ewan ko po ba, kapag nakikita ko siya, kumukulo ang dugo ko. Siguro po malaki ang atraso niya sa akin nung kabilang buhay ko kaya ganito na lang ang galit ko sa kanya."
"Baka nga anak. Baka dati kayong mag-nobyo. Tapos iniwan ka niya kaya galit na galit ka sa kanya. Hehe."
"Tita naman, mag-nobyo talaga? Hindi ba pwedeng may utang siya sa akin na hindi niya binayaran kaya galit ako sa kanya, kailangan talaga ay mag-nobyo?"
"Malay mo anak, tama ako. Hahaha."
"Tita naman eh, nang-aasar pa."
"Haha, hindi mita inaasar. Di ba may kasabihan nga na, 'The more you hate, the more you love'."
"Tita naman, wag kang ganyan. Ni hindi ko nga nakikitang magiging magkaibigan kami, mahalin pa kaya siya."
"Gail, wag kang magsalita ng tapos at baka mapasubo ka."
"Ano pong ibig niyong sabihin?"
"Na baka sa kaiiwas mo sa lalaking yon ay maging kayo din, sige ka."
"Naku, Tita. Malayong mangyari yun. Sigurado po ako."
"Siya sige, sabi mo eh. Siya nga pala, nasabihan mo na ba ang mga kaibigan mo tungkol sa pamamasyal natin mamaya after magsimba?"
"Hindi pa po. Nakalimutan ko po eh. Tatawagan ko na lang po sila."
"Sige, mauna na akong maligo. Maligo ka na rin pagkatapos mo silang kausapin."
"Okay po, Tita."

KRING!! KRING!! KRING!!
"Clarisse!! Clarisse!! Gumising ka riyan. Natawag si Gail." yugyog ni Misty kay Clarisse. Room mates kasi sila.
"Haist. Di sagutin mo hindi yung inaabala mo pa ako sa pagtulog." mataray na sagot ni Clarisse.
"Good morning sis, balita?" sagot ni Misty.
"Good morning din. Nag-aaya si Tita ng simba at shopping, ngayon na. Kilos na kayo. Magkita na lang tayo sa church." sagot ni Gail.
"Sige, sige. Gihisingin ko lang tong si Clarissè."
"Sis, gising na. Niyayaya daw tayo ni Tita Fe magsimba." baling ni Misty kay Clarisse na wala pa ring kibo. "Ayaw mo bang sumama?"
"Ayoko, matutulog na lang ako. Ikaw na lang ang sumama."
"Okay, wag kang maiinggit kapag nakita mong madami akong pinamili mula sa pagsa-shopping." sabi ni Misty na akmang papasok na sa banyo.
"Shopping? Hoy, bakla! Tabi riyan at maliligo na ako." sabi ni Clarisse na bumalikwas sa kanilang kama at dumiretsyo na sa banyo.
"Sabi ko na eh, basta shopping, mabilis ka pa sa alas quatro."
"Syempre naman. Ako pa. La-la-la-la.." sagot ni Clarisse na naliligo na at pakanta kanta pa.
"Bilisan mo dyan at maliligo din ako."
"Oo na."

"Anak, nakausap mo ba ang mga kaibigan mo, anong sabi nila?" tanong ni Tita Fe. Nandito na kami sa simbahan at wala pa sina Misty. Lagi na lang late ang mga iyon. Grrrr.
"Sabi ko po, dito na lang sa simbahan tayo magkita."
"Ganoon ba, sige, mauna na ako sa loob at baka nagsisimula na ang misa."
"Sige po. Susunod na lang po kami."
"Sige."

"Buti na lang at wala pang masyadong tao. Makakaupo pa ako." sabi ni Tita Fe sa sarili. "Excuse me, iho. May nakaupo na ba sa tabi mo?"
"Wala pa po, Tita. Upo po kayo." sagot ng lalaki sa may upuan.
"Salamat iho, kanina pa nagsimula ang misa?"
"Hindi po, kasisimula pa lang po."
"Ganoon ba, mabuti naman at masisimulan ko pa."
"Oo nga po."

"Sis, sorry, late kami." sigaw ni Misty.
"Wag ka ngang sumigaw. Nasa simbahan tayo, wala sa bar." saway ni Gail.
"Sorry naman. Kanina pa ba kayo dito?"
"Opo. Kanina pa."
"Eto kasing si Clarisse, katagal gumayak."
"Ako ba ang matagal gumayak o ikaw? Tingnan mo nga ang sarili mo, para kang sasayaw sa club dahil syan sa make-up mo eh." sabi ni Clarisse.
"Hindi naman ah. Light nga lang tong nilagay ko sa mukha ko." depensa ni Misty.
"Hay naku, bago pa kayuo mag-away, pumasok na tayo." sabi ni Gail.
"Mabuti pa nga. Magbabawas muna ng kasalanan bago ulit gumawa." sagot ni Clarisse at tumingin ng masama kay Misty.
"Hala, sis, baka masunog si Clarisse, tingnan mo, sinasapian na yata." sabi ni Misty na may paghawak pa sa braso ni Gail at nagkukunwaring takot kay Clarisse.
"Tumigil na nga kayo. Para kayong mga bata." saway ni Gail.

Friendship To Relationship? COMPLETED © TaraiShaiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon