"Gail, anak, kumusta na ang pag-aaral mo?" tanong ni Tita Fe. Simula ng mamatay ang mga magulang ko, sila lang ng asawa niyang si Tito George ang umaruga sa akin. Kapatid siya ng Tatay ko.
"Okay naman po, Tita. Nakakasabay naman po ako sa klase."
"Eh ang trabaho mo sa coffee shop? Bakit ba naman kasi nagtatrabaho ka pa ay kaya ka naman naming paaralin ng Tito mo?"
"Alam ko naman po yun Tita. Nahihiya na lang po ako sa inyo ni Tito. Baka po kasi nagiging pabigat na ako sa inyo."
"Gail naman, kelan mo ba narinig sa amin ang bagay na yan? Alam mo namang anak na ang turing namin sayo ng Tito mo diba? Kaya bakit ka nagsasalita ng ganyan?"
"Pasensya na po Tita. Pakiramdam ko po kasi nagiging pabigat na ako sa inyo kasi napakatagal na simula nung kinupkop niyo ako ni Tito."
"Gail, ikaw lng ang anak namin ng Tito mo, kaya gagawin namin ang lahat para sa nag-iisa naming anak. Tandaan mo yan."
"Salamat po Tita sa pagmamahal. Mahal na mahal ko po kayo ni Tito."
"Mahal na mahal ka din namin, anak. Oh siya, bago pa tayo magkaiyakan dito, mag-ayos ka na para sa trabaho mo mamaya."
"Hehe, opo Tita. Ay, oo nga pala po Tita, inaaya po ako nina Misty na lumabas mamaya pagkatapos po ng trabaho ko, pwede po ba akong sumama?"
"Oo naman anak, basta wag kayong lalayo at magpapalalim s gabi ng uwi."
"Opo Tita. Thank you. Mwuah"
"Sige na, akyat na at mag-ayos ka na."
"Opo.."Abegail 'Gail' Samonte. Naulila sa mga magulang noong siya ay 11 pa lamang. Namatay ang mga ito dahil sa bagyong tumama sa kanilang lugar. Sa ngayon, siya ay 22 na at isang working student. Aral sa umaga, trabaho sa gabi.
KRING!!KRING!!KRING!!
"Oh sis, napatawag ka." sagot ko sa natawag sa phone.
"Diba, may usapan tayo? Ano, tuloy ba tayo mamaya?" tanong ni Misty.
"Ah, oo naman. Pinayagan ako ni Tita."
"Good, so, daanan ka na lang namin dyan ni Clarisse?"
"Sige, punta na kayo at malapit na din ang out ko."
"Okay, see you.""Bro!! Ano ba, nasaan na ba kayo?! Kanina pa ako dito sa bar, darating pa ba kayo?" tanong ni Zyrus sa kausap sa phone.
"Sorry bro, may trouble lang dito sa daan pero on the way na kami." sagot ni Albert.
"Siguraduhin niyo lang. Alam niyo kung anong ugali ko. Kapag ako'y nainip, aalis na ako."
"Oo bro."Zyrus 'Zy' Monteverde. Young businessman, easy-go-lucky at playboy.
"Sis, sure ka ba na pwede tayo dito?" tanong ni Clarisse.
"Oo naman, pweng-pwede. Marami pang boys dito. Marami tayong pagpipilian." sagot ni Misty.
"Naku, bakla, kung alam ko lang na boys pala ang target mo kaya ka nag-ayang lumabas, sana hindi na ako sumama." asar na sabi ni Gail.
"Naku Gail, tigil-tigilan mo nga ang pagtawag sa akin ng bakla at baka may makarinig." saway ni Misty.
"At bakit ayaw mong may makarinig ay bakla ka naman talaga." singit ni Clarisse.
"Shhh... Alam ko naman yun pero hayaan niyo na, baka kasi walang pumansin sa akin kapag nalaman nilang bakla ako, kaya please lang, girl ako ngayon. Okay?!" pakiusap ni Misty sa dalawang kaibigan.
"Oo na. Pasok na tayo at malamig dito sa labas." sabi ni Gail.
"Okay. Lets go!" pakendeng kendeng pamg sabi ni Misty.TUG!!TUG!!TUG!!
"O.....M.....G...!!" tili ni Misty.
"Oh, anong nangyari sayo? Para kang nakakita ng multo." puna ni Gail.
"Hindi multo ang nakita ko, POGI!!!!"
"Pogi?! Nasaan? Patingin!!" sabi ni Clarisse.
"Hay naku, ang lalandi niyo. Maupo na lang tayo."
"Gwapo nga siya Gail!" tili din ni Clarisse.
"Ay naku, tumigil na nga kayo dyan. Baka marinigpa kayo, nakakhiya doon sa tao." saway ni Gail sa mga kaibigan.
"Haha, may crush ka din siguro kay Pogi, ano?!" pang-aasar ni Misty.
"Naku, tigilan niyo nga ako, wag niyo nga akong itulad sa inyong dalawa. Matino ito, ano?!"
"Wala naman kaming sinabi na hindi ka matino eh. Defensive ka lang masyado. Haha." sabi ni Clarisse.
"Ewan ko sa inyo. Umorder na nga lang tayo." sabi ni Gail.
"Oo na, oorder na." sabi ni Misty."Mukhang ako yata ang pinag-uusapan ng tatlong yon ah." sabi ni Zy.
"Paano niyo naman po nasabi, Sir?" tanong ng waiter sa may counter.
"Lagi kasi silang nakatingin sa akin eh."
"Ay, oo nga po. Natingin nga sila sayo. Siguro, may crush sila sa inyo, Sir." pagbibiro ng waiter.
"Alam ko yon. Haha. Bigyan mo nga sila ng tatlong inumin. Sabihin mo galing sa akin."
"Yes, Sir.""Ladies, here's your drink." sabi ng waiter.
"Ay, hindi po amin yan. Oorder pa lang po kami eh." sagot ni Gail.
"Dito po ito miss, pinabibigay po ni Sir, yung nasa may counter." sabi ng waiter.
"Sa kanya ba?!" tanong ni Misty sabay turo kay Zy.
"Yes Miss."
"Ow!! Oo, dito nga yan, pakisabi, salamat." sabi ni Misty.
"Sige po, enjoy your drinks, ladies." sabi ng waiter at umalis na.
"Hoy bakla!! Bakit mo tinanggap yan? Hindi naman natin kilala yung taong yon?" puna ni Gail.
"Gail naman, diba sabi ko sayo, wag mo kong tawaging bakla. Ang kulit mo naman eh. Tsaka kay pogi naman galing ito, anong masama?" dipensa ni Misty.
"Oo nga naman, Gail, anong masama kung tinanggap natin to?" tanong ni Clarisse.
"Ay naku, ewan ko sa inyo. Inumin niyo yan kung gusto niyo, pero hindi niyo ko mapapainum ng galing sa lalaking yon." sabi ni Gail, sabay turo sa pwesto ni Zy, pero wala na ito sa kinauupuan nito.
"Anong masama sa pagbigay ko ng drinks sa inyo?" tanong ni Zy. Nasa likuran na pala siya ni Gail.
"AY KABAYO!!" napasigaw si Gail sa sobrang gulat.
"Miss, nasaan ang kabayo?" biro ni Zy.
"Wala kang pakialam." pagsusungit ni Gail.
"Uy, pogi, salamat sa drinks." sabi ni Misty. "Maupo ka muna dito sa tabi ko." aya niya.
"Salamat." sagot ni Zy at umupo nga sa tabi ni Misty.
"Ako nga pala si Misty." sabi niya sabay lahad ng kamay.
"Nice to meet you, Misty." sagot ni Zy at inabot ang kamay kay Misty. "Ako naman si Zy. Zyrus Monteverde."
"Nice to meet you, too, Zyrus pogi." kinikilig na sabi ni Misty.
"Hoy, Misty! Baka gusto mo ng bitawan ang kamay ni Sir Zyrus." malakas na sabi ni Clarisse na nakagising kay Misty sa pangangarap.
"Ay! Sorry!"
"No, it's okay." salo ni Zy.
"Ako naman po si Clarisse. Nice to meet you po, Sir Zyrus."
"Napaka pormal mo naman. Zyrus o Zy na lang. Nice to meet you, too, Clarisse."
"Aw!! Nakakakilig pala kapag pogi ang nagsasabi ng pangalan ko." kilig na kilig na sabi ni Clarisse.
"Asus, akala ko pa naman, matino. Kirengkeng din pala. Che!" sabi ni Misty.
"Hahaha!" sagot naman ni Zy. Natatawa siya sa pinag-uusapan ng magkakaibigan ng mapansin niyang tahimik lang ung isa pa nilang kasama.
"Ikaw, miss, anong name ?" tanong niya kay Gail.
"Wala kang pakialm sa pangalan ko." mtaray na sabi ni Gail.
"Hoy, Gail. Wag ka ngang magtaray dyan. Si Zy na nga ang lumapit eh." saway ni Misty.
"Ewan ko sa inyo. Dyan na nga kayo. Sira na ang gabi ko, uuwi na ako at pagod na ako." sabi ni Gail.
"Gail, sandali lang!" sigaw ni Clarisse. "Sir Zy, mauna na po kami. Pasensya na po kay Gail, pagod lang po yun." paalam ni Clarisse.
"Sige, it's okay." sagot naman ni Zy.
"Hoy Misty!! Ano pang inuupo upo mo dyan, halika na." sigaw ni Clarisse.
"Ay, akala ko dito na lang ako sa tabi ni Zy. Hehe." pa-cute na sabi ni Misty.
"Sige na, Misty. Samahan mo na sila. Next time na lang ulit. Ingat pag-uwi." sabi ni Zy.
"Sige, Zy. See you next time." paalam ni Misty at nag-flying kiss pa.
"See you next time, Gail." bulong ni Zyrus sa sarili."Bro!! Sorry, late kami. Traffic eh. sabi ni Albert.
"It's okay, bro." maikling sagot ni Zy.
"Bro, mukha ngang kahit hindi tayo dumating ay okay lang, mukhang may nakita na naman siyang bagong prospect." sabi namn ni Clifford.
"Parang tama ka Cliff." sagot ni Zane.
"Ano bang nangyari sayo, bro?" tanong ni Albert.
"Wala naman. Meron kasi akong na-meet na mga girls na may crush sa akin." nakangiting sagot ni Zy.
"Wala namang bago doon ah," sabi ni Zane.
"Iba ngayon. Kasi yung isa sa kanila ay kakaiba."
"Paanong kakaiba?" tanong ng tatlo.
"She doesn't like mo. Infact, sinungitan nga niya ako." natatawang sagot ni Zane.
"Eh bakit parang masaya ka pa dyan?" tanong ni Cliff.
"Ewan ko, pero i think, i like her."
"Woah bro. Seryoso ka ba dyan sa sinasabi mo? Baka naman nacha-challenge ka lang kaya mo nasasabi yan." tanong ni Albert.
"I don't know bro. But all i know is i want to know her more. I need to see her again."
Naku, tinamaan yata talaga yan." sabi ni Zane.
"Uminom na lang tayo." sabi ni Cliff.
"Mabuti pa nga." sabi ni Albert.Comments/Likes are very much ACCEPTED&NEEDED.
Thank You for reading <3
BINABASA MO ANG
Friendship To Relationship? COMPLETED © TaraiShai
DiversosMaraming naniniwala sa kasabihang, 'Friends can be Lovers, but Lovers cannot be Friends', bakit kaya? Siguro dahil karamihan ng mga umiibig ngayon ay nagsimula sa 'pagkakaibigan' na nauwi sa 'pag-iibigan' na hindi naglaon ay nauwi rin sa masakit na...