"Okay girls, saan ang punta natin ngayon?" tanong ni Zyrus sa mga kasama.
"Tara muna sa dagat, magtampisaw tayo." aya ni Clarisse.
"Sige, tara tara." excited na sabi ni Misty.
"Tara Gail, sama tayo sa kanila?" tanong ni Zyrus kay Gail.
"Kayo na lang. Pupunta na lang ako doon sa may puno at masama ang pakiramdam ko." sagot ni Gail.
"Ganoon ba?" sagot ni Zyrus. "Girls, pwede bang kayo na lang muna ang magtampisaw? Samahan ko muna si Gail dito sa tabi, medyo masama daw pakiramdam niya eh. Okay lang ba?" tanong niya sa dalawang kaibigan.
"Ay naku, kj mo naman Gail, sumama ka na kasi. Para kasama din si Zyrus." maktol ni Misty.
"Pwede niyo namang isama yang si Zyrus hindi naman ako nagpapasama sayo dito eh. Mas gusto ko pang mag-isa dito sa tabi kesa may makasamang pang asar dito." sagot ni Gail at naupo sa isang nakatumbang punong nagsilbing upuan.
"Yon, ayos lang naman pala siya dyang mag-isa eh, sama ka na lang sa amin, Zyrus."sabi ni Clarisse.
"Sure ka ba Gail na okay lang na sumama ako sa kanila?"tanong ni Zyrus kay Gail.
"Wala naman akong pakialam kung sumama ka sa kanila, mas maganda pa nga kung wala ka eh, tahimik ang mundo ko." sagot ni Gail.
"Grabe ka naman sa akin."sagot ni Zyrus.
"Hayaan mo na nga yang babaeng yan, kj lang kasi yan."sagot ni Clarisse.
"Tara na, pabayaan na natin yan."sabi ni Misty na hinila na si Zyrus.
"Che!! Ewan ko sa inyo. Magsama-sama kayo."sabi ni Gail ng makaalis ang magkaibigan.
.
.
.
"Nag-away ba kayo ni Gail?"tanong ni Clarisse ng makalayo sila mula sa kinatatayuan ni Gail.
"Hindi ah, wala naman akong ginagawa sa kanya. Lagi ko naman siyang sinusuyo. Siya nga ang laging nang-aaway sa akin eh."paliwanag ni Zyrus.
"Ano kayang problema niyang si Gail, hindi naman ganyan yang babae na yan eh."sabi ni Misty.
"Wala ba siyang nasasabi sa inyo? Di ba lagi kayong magkakasama, dapat may alam kayo."-ZYRUS
"Wala nga eh. Naging malihim yan simula ng makilala ka. Kayo na ba? Baka may LQ lang kayo."-Clarisse.
"Hindi pa nga eh, hindi kasi ako mahanap ng tamang tiyempo para magtapat sa kanya. Lagi kasing galit kapag nakikita ako. Hindi ko na nga alam ang gagawin. Naging mabait na nga yan sakin, nagbago na naman."-Zyrus
"Alam ko na kung bakit nagkakaganyan yang babae na yan."-Clarisse.
"Bakit?"sabay na tanong ni Zyrus at Misty.
"Ano pa ba, ang hina mo naman Zyrus eh. Nagkakaganyan yan kasi antagal nyo ng magkaibigan pero hindi mo pa rin nililigawan. Naiinip yan kaya laging nagsusungit."-Clarisse.
"Tama!! Yun na nga ang sagot sa tanong natin. Ang galing mo talaga, Clarisse."-Misty.
"Syempre, ako pa ba?"-Clarisse.
"Sa palagay niyo, yun nga ba ang dahilan? Baka naman hindi niya ako gusto at mapahiya lang ako kapag nagtapat ako sa kanya."-Zyrus.
"Gusto mo ba si Gail?"tanong ni Clarisse
"Oo naman. Kahit hindi ko nasasabi, mahal ko yun. Natatakot lang akong magtapat kasi baka iwasan niya lalo ako."sagot ni Zyrus na medyo nahihiya pa.
"Kami ang bahala sayo, Zyrus. Tutulungan ka namin na magsabi sa kanya mg nararamdaman mo."sabi ni Misty na medyo kinikilig pa.
"Oo nga, kami bahala sayo. Alam namin kung anong mga gusto ni Gail kaya siguradong magugustuhan niya ang ihahanda namin."sabi naman ni Clarisse.
"Talaga bang tutulungan niyo ako, girls?"-Zyrus.
"Oo naman. Para din naman to kay Gail. Kani na bahala. Gusto mo ba mamaya na namin iset up ang date niyong dalawa?"-Misty.
"Kayo ang bahala."-Zyrus.
"Sige, sabihan ka na lang namin kapag okay na lahat. Basta gawin mo ang best mo kapag magkaharap na kayo, ha?"bilin ni Clarisse.
"Oo, salamat sa inyo ha. Kapag sinagot ako ni Gail, hinding hindi ko siya sasaktan."sabi ni Zyrus.
"Kay Gail mo sabihin ang mga bagay na yan kapag sinagot ka na niya."sabi ni Clarisse.
"Oo, gagawin ko yun. Salamat talaga."-Zyrus.
"Wala yun, basta para kay Gail, kahit ano, gagawin namin."-Misty.
.
.
"Nakakaasar kayo! Talagang iniwan niyo ako dito?!"sabi ni Gail sa sarili. "At ikaw naman, Zyrus, talagang sumama ka pa sa dalawang yan at iniwan mo talaga ako dito kahit nga sinabi ko ng masama ang pakiramdam ko?"sabi ni Gail na ibinubuhos ang galit sa buhangin. "Bakit ba kasi nag-assume pa ako at naniwala sa mga pasaring mo na gusto mo ako, di sana hindi ako nagkakaganito ngayon! Paasa ka kasi! Paasa! Paasa!"sabi ni Gail na para mong batang nagsisisipa sa buhangin.
"Anak?!"tawag ni Fe kay Gail na nagmamaktol. "Sinong kaaway mo diyan? Tsaka nasaan sina Misty bakit mag-isa ka?"tanong nito na nagpalinga linga pa.
"Ayun po sila oh,"sabi ni Gail sabay turo sa tatlong masayang nagtatampisaw sa dagat.
"Oh, bakit hindi ka sumama sa kanila? Mukha pa namang ang saya nila oh."sabi ni Fe.
"Okay lang po ako dito, tsaka mukha namang masaya sila kahit wala ako, di ba. Ayoko naman makaistorbo."sagot ni Gail.
"Anak, mga kaibigan mo sila, kaya nakakasigurado akong mas masaya kung kasama ka nila."sabi ni Fe.
"Dito na lang po ako, Tita."sabi ni Gail.
"Anak, magsabi ka nga ng totoo, nagseselos ka ba sa kanila?"tabong ni Fe na naupo sa tabi ni Gail.
"Hindi po ah. Bakit naman ako magseselos sa kanila,"sagot ni Gail.
"Yung totoo, anak? Alam mong hindi makakatulong sayo ang hindi pagsasabi ng nararamdaman. Tayong dalawa lang naman ang nandito."-Fe.
"Nakakainis po kasi Tita eh. Hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ang nararamdaman ni Zyrus para sa akin. Hindi ko tuloy alam kung saan ko ilulugar ang sarili ko."-Gail.
"Bakit? Hindi pa ba siya nanliligaw sayo?"-Fe.
"Hindi po. Kaya nga nakakainis eh. Puro lang naman siya pasaring pero hanggang ngayon wala naman siyang sinasabi. Mas okay pa nga sana kung nagsabi siya at ng alam ko kung ano na ba kami, hindi yung nangangapa pa rin ako hanggang ngayon."-Gail.
"Wag ka lang mainip anak, magsasabi din yun sayo. Hintayin mo na lang. Malay mo, mamaya na pala."sabi ni Fe na nakangiti.
"Tita naman eh, pinaaasa mo na din ako. Nakakainis kayo."sabi ni Gail.
"Haha, hindi ah. Malay mo, magkatotoo."-Fe.
"Paano po kung hindi? Di nganga na naman ako."-Gail.
"Think positive ka lang, anak. Its your day today, dapat masaya lang. Smile ka na, ha?'-Fe.
"Sige na nga po,"-Gail.
"Tara na sa cottage at magpahinga ka muna. Gisingin na lang kita mamaya."-Fe.
"Sige po, tara na."-Gail.
.
.
.
"Nasaan po si Gail."tanong ni Zyrus ng mapansing wala si Gail.
"Pinagpahinga ko muna doon sa loob. Gusto niyo na bang kumain?"tanong ni Fe.
"Mamaya na lang po, Tita. Sabay na po kami ni Gail."sagot ni Zyrus.
"Iho, may itatanong ako sayo, sana magsabi ka ng totoo, ha?"sabi ni Fe.
"Okay po, Tita, ano po yon?"tanong ni Zyrus.
"Gusto mo ba si Gail?"tanong ni Fe.
"Ah, eh, opo, Tita. Matagal na po. Natatakot lang po ako na magtapat sa kanya kasi baka lalo po siyang umiwas sa akin."paliwanag ni Zyrus.
"Haha, kayo talaga. Nakakatawa kayong dalawa ni Gail. Naghihintayan kayo kung sino ang unang magtatapat ng nararamdaman niyo. Walang mangyayari kung walang kikilos sa inyo."natataqang sabi ni Fe.
"Ano pong ibig niyong sabihin, Tita?"naguguluhang tanong ni Zyrus.
"Ang mabuti pa, magtapat ka na kay Gail. At ng maging malinaw ang lahat para sa inyo."utos ni Fe.
"Sa palagay niyo po, may pag-asa kaya ako kay Gail?"tanong ni Zyrus.
"Sa kanya mo itanong. Siya lang ang nakakaalam ng sagot sa tanong mo na yan."sabi ni Fe.
"Sige po, Tita. Salamat po."
.
.
.
"Hmm... Ang gaan na ng pakiramdam ko."sabi ni Gail sa sarili pagmulat ng mga mata habang nag-iinat. "Anong oras na kaya? Gutom na ako. Makalabas na nga at ng makakain."sabi ni Gail at bumangon na ng kama at lumabas na ng kwarto. "Hala! Madilim na pala."sabi ni Gail sa sarili ng makalabas ng kwarto. "Saan kaya ang kainan dito at ng makakain na."
.
.
TOOT!! TOOT!!
1message receive.
"Good evening. Nakikita mo ba yung lightened candles? Follow them and you'll see something you like."
From:09*******11
.
"Hala, sino namab kaya to? Gutom na ako eh. May ek-ek pang ganito."sabi ni Gail sa sarili at sinunod na din ang sabi ng nagtext. "Wow! Ang sweet naman. Para kanino kaya to?"tanong ni Gail sa sarili ng makarating sa dalampasigan, may naja set up na isang romantic table for two na napapaligiran ng flowers at candles. Lumapit siya sa mesa at binasa ang nakasulat sa card na nakapatong doon.
"Hey there, beautiful. Take a sit and enjoy the night."
Love, ZM
.
"Hala, kanino ba ito? Makaalis na nga at baka hindi naman para sa akin to."sabi ni Gail at tumalikod na sa mesa. Bago pa siya makalayo ay may napansin siyang tao na may dala dalang pla-card.
.
Boy1: "Gail" nakasulat sa placard at binigyan siya ng 3 pink roses.
Boy2: "will you be" binigyan din siya ng 3 blue roses
Boy3: "My GIRL?" binigyan naman siya ng 3 red roses.
.
"HALA! Sino yan? Bakit may ganyan?"naiiyak na tanong ni Gail sa mga lalaking lumapit sa kanya.
"Nagustuhan mo ba ang inihanda namin para sayo?"tanong ng isang lalaking nasa di kalayuan.
.
.
.
---EndOfChapterEight---Comments/Likes/Shares are very much NEEDED&ACCEPTED.
Thank you for reading.
BINABASA MO ANG
Friendship To Relationship? COMPLETED © TaraiShai
RandomMaraming naniniwala sa kasabihang, 'Friends can be Lovers, but Lovers cannot be Friends', bakit kaya? Siguro dahil karamihan ng mga umiibig ngayon ay nagsimula sa 'pagkakaibigan' na nauwi sa 'pag-iibigan' na hindi naglaon ay nauwi rin sa masakit na...