Sa mall...
"Pumili ka na dress na sa palagay mo ay pinaka-maganda para sayo." sabi ni Zyrus kay Gail. Kasalukuyan silang nasa tindahan ng mga damit sa mall.
"Bakit para sa akin?" nagtatakang tanong ni Gail.
"Alangan namang para sa akin, parang wala namang babagay." pang-aasar ni Zyrus.
"Ha! Ha! Ha! Ang funny mo!!" sabi ni Gail sabay irap.
"Hala sige pili. Wag ng madaming sinasabi." utos ni Zyrus.
"Yes bos." wala sa loob na sagot ni Gail."Ano, nakapili ka na ba?" tanong ni Zyrus.
"Opo, bos. Eto, tingnan mo po." sagot ni Gail.
"Isukat mo ng malaman natin kung bagay. Bilis."
"Yes bos..." sagot ni Gail at pumasok na sa fitting room. Saglit lang au lumabas na siya. "Ano bos, bagay ba?" tanong niya. Ang suot niya ay dress na kulay pink na backless.
"Ikot ka." utps ni Zyrus. "Ayoko niyan, masyadong kita ang likod. Baka sipunin ka. Iba naman." seryosong sabi nito.
"Opo bos." pagkarami- raming ipinasukat kay Gail na damit ngunit isa lang ang talagang nagustihan ni Zyrus.
"Okay, that's it. Babayaran ko na yan, wag mo ng hubarin." sabi ni Zyrus sabay tayo.
"Bakit ito? Pulang pula naman." tanong ni Gail. Ang suot kasi niya ay pulang dress na may sleeves, above knee ang haba, medyo backless mg konti pero may pagka-conservative kahit papaano.
"Yan kasi ang bagay sayo. Yun lang." maikling sagot ni Zyrus.
"Hmp, okay. Sabi mo eh. Bos!!"
"Okay, punta naman tayo sa stall ng sapatos." sabi ni Zyrus.
"Mag-aano naman tayo dun?"
"Ano pa, di bibili ng sapatos na babagay dyan sa damit mo. Hindi kasi bagay yang rubber shoes mo dyan sa suot mo."
"Saan mo ba ako dadalhin at kailangan ko pang magbihis ng ganito?" nagtatakang tanong ni Gail.
"Malalaman mo din, wag kang mainip."
"Okay......"Matapos ang mahaba-habang pagsa-shopping, nakalabas na din sila ng mall. At sa isang mamahaling resto sila nagpunta.
"Katanghaliang tapat, magdi-date tayo?" natatawang tanong ni Gail.
"Gusto mo ba na tayo lang dalawa ang kumain?" nanunuksong tanong ni Zyrus.
"Sira! Nagtatanong lang ako, ano!"
"Ako din naman, nagtatanong lang. So, mas gusto mo bang tayo lang dalawa, huh?!"
"Hindi noh, wag ka ngang assuming dyan."
"Okay sige, kung ganoon, tawagan mo ang mga kaibigan mo at papuntahin mo sila dito. My treat."
"Talaga ba? Baka nakakahiya na."
"Hindi ah. Sige na, tawagan mo na sila. Group date ito. Tatawagin ko din ang mga friends ko."
Okay." naka-ngiting sabi ni Gail at agad na tinawagan ang mga kaibigan."Sis!!" tawag nina Misty kay Gail pagkakita nila dito.
"Sis, dito tayo." sabi ni Gail.
"Wow sis, ang ganda mo ngayon ah.. Blooming ka. Dahil ba yan kay Zyrus pogi? Kayo na ba?" sunud-sunod na tanong ni Misty.
"Hala ka, hindi ah. Itigil mo nga yang bunganga mo." tangi ni Gail.
"Ano ba kayo, wag na kayong mag-away. Okay lang yon, alam ko naman na pogi ako kaya okay lang kung blooming ka dahil ako ang kasama mo." natatawang sabi ni Zyrus.
"Tama ka naman dyan sa sinabi mo Zyrus. Kahit ako naman, kung ikaw ang makaka-date, magpapaganda talaga ako. Hihi." singgit naman ni Clarisse.
"Tama!!" sang-ayon ni Misty.
"Ay naku, ewan ko sa inyo, sinabi ko na kasing wag niyong inumin ung binigay niya at baka may gayuma un eh. Yan tuloy at nagayuma na nga kayo." sabi ni Gail.
"Haha, kung may gagayumahin man ako, isa lang yon. Ikaw lang." sabi ni Zyrus.
"Ayieeee.... May something na sa kanila.!!" sabay na tili nina Misty at Clarisse.
"Ewan ko sa inyo. Magsama-sama kayo!" sabi ni Gáil na aalis na sana pero napigil ni Zyrus.
"Uy, saan ka pupunta? Hindi pa tayo nakain oh." tanong ni Zyrus.
"Uuwi na ako. Kayo na lang magsama tutal magkakasundo naman kayo." sagot ni Gail.
"Asus naman, nagselos agad eh. Aalis na nga kami at ng magkasolohan kayo." sabi ni Misty.
"Sige guys, dyan kayo sa kabilang table, dadating na yung mga friends ko, intayin niyo na lang." sabi ni Zyrus.
"Talaga ba? Gwapo din ba katulad mo?" tanong ni Misty.
"Oo naman." natatawang sagot ni Zyrus.
"Wow!! Nakaka-excite naman, di ba Clarisse?" tanong ni Misty kay Clarisse.
"Oo naman. Dito na lang tayo sa kabilang table." sabi ni Clarisse sabay lipat sa kabilang table.
"Hay naku!! Ewan ko sa inyo." inis na sabi ni Gail sa mga kaibigan.
"Relax ka lang Gail. Kakain lang tayo tapos ihahatid na kita sa inyo." sabi ni Zyrus.
"Okay!! Fine!!"
BINABASA MO ANG
Friendship To Relationship? COMPLETED © TaraiShai
RandomMaraming naniniwala sa kasabihang, 'Friends can be Lovers, but Lovers cannot be Friends', bakit kaya? Siguro dahil karamihan ng mga umiibig ngayon ay nagsimula sa 'pagkakaibigan' na nauwi sa 'pag-iibigan' na hindi naglaon ay nauwi rin sa masakit na...