Makalipas ang 2 taon...
.
"Gail, congrats, graduate ka na. Sa wakas. Akala ko pa naman ay hindi ka makakatapos." pang-aasar ni Zyrus.
"Grabe ka naman. Masipag kaya akong mag-aral. Hindi mo katulad na puro gimik at pambababae lang ang inaatupag." sagot ni Gail.
"Grabe ka din sakin. Oo, ganoon ako noon. Pero hindi na ngayon. Dahil nakilala na kita." nakangiting sabi ni Zyrus.
"Asus, wag mo nga akong dinadamay sa kalokohan mo." sabi ni Gail.
"Aba, hindi kalokohan yun no. Totoo kaya yun. Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagbago." paliwanag ni Zyrus.
"Ay naku, ewan ko sayo, Zyrus. Umuwi na lang tayo." yaya ni Gail.
"Saan, sa bahay ko ba?" biro ni Zyrus.
"Sa bahay ko, syempre. Mag-aano naman ako sa bahay mo?" mataray na tanong ni Gail.
"Haha! Wala po, Madam. Ihahatid na po kita sa bahay niyo. Tayo na po." sabi ni Zyrus na napakamot pa sa batok.
.
.
"Hello po, Tita. Magandang hapon po." bati ni Zyrus kay Fe na pinagbuksan sila ng pinto ng bahay.
"Magandang hapon din naman. Salamat sa paghatid dito kay Gail ha. Tuloy ka muna at makapag-meryenda." sabi ni Fe.
"Naku, Tita, may gagawin pa po si Zyrus, next time na lang po siguro." sabat ni Gail.
"Siyanga ba iho?" tanong ni Fe kay Zyrus.
"O-opo. Next time na lang po, Tita. Salamat din po." sagot ni Zyrus.
"Siya, sige, mag-iingat ka sa pagmamaneho." paalala ni Fe.
"Opo Tita. Salamat po ulit. Mauna na po ako. Gail, text-text na lang." paalam ni Zyrus.
"Sige, ingat." sabi ni Gail.
"Ikaw din. Bye."
"Akyat ka muna at magbihis tapos bumaba ka para mag-meryenda." sabi ni Fe kay Gail.
"Opo, Tita."
.
.
"Anak, magtapat ka nga sa akin, kayo na ba ni Zyrus?" tanong ni Fe habang kumakain si Gail.
"Po? Ano po bang tanong yan?" tanong ni Gail. Muntik na siyang mabulunan sa tanong ng Tita niyang yon.
"Wala naman anak masama sa tanong ko. At wala din namang masama kung nobyo mo na siya. Tapos ka ng mag-aral at isa pa, kilalang kilala ko na yang si Zyrus. Parang anak ko na din yan. At siguro kilalang kilala mo na din siya. Matagal na din kayong magkaibigan di ba?" tanong ni Tita na naupo sa tapat ni Gail.
"Opo, Tita. Pero paano ko naman po iyon magiging nobyo, eh hindi naman nanliligaw." sagot ni Gail habang kumakain pa rin.
"Paano kung manligaw, sasagutin mo ba?"
"Hindi ko po alam."
"Hindi pwede iyang sagot mo. Dalawa lang ang pagpipilian mong sagot. Oo o hindi lang. Gusto mo ba siya?"
"Ewan po. Parang. Naguguluhan pa po ako eh.." sagot ni Gail na napakamot sa ulo.
"Dapat alamin mo kung ano ba talaga ang nararamdaman mo para sa kanya. Para kapag dumating ang araw na manligaw siya, alam mo na ang isasagot mo sa kanya."
"Pwede naman pong pag-isipan ko ang nararamdaman ko para sa kanya habang nanliligaw siya kung sakali, di ba po?"
"Pwede naman nga, pero matagal na kayong magkaibigan, kilala mo na siya. Mas magandang patagalin ang relasyon kesa ligawan."
"Sige po, Tita. Pag-iisipan ko po yan.."
.
.
.
"Gail, congrats. Graduate ka na. Kelan ang celebration?" tanong ni Miss Tina.
"Baka po this saturday. Off ni Tito sa work." sagot ni Gail.
"Ganoon ba? Invited ba kami dyan?"
"Opo naman. Text ko na lang sa inyo ang venue kapag natuloy. Hehe"
"Im sure tuloy yan. Ikaw pa, eh unica iha ka ng mga Tita mo."
"Haha. Ikaw talaga Miss Tina. Palabiro ka."
"Hindi ako nagbibiro ha. Totoo naman yun. Di ba nga ikaw lang ang anak ng mga Tita mo kaya favorite ka ng mga yun."
"Haha, oo na lang po."
" Oh siya, magsarado na tayo."
"Okay po."Saturday.
"Anak, nasabihan mo na ba ang mga kaibigan mo na maysalu-salo tayo ngayon?" tanong ni Tita Fe.
"Opo. Tinext ko na po sila."
"Sabihin mo din na pagkatapos ng salu-salo at pupunta tayo sa beach. Magna-night swimming tayo"
"Wow. Talaga Tita? Salamat po ha. Matagal na rin ang huli Kong punta ng beach. Sigurado po along matutuwa sina Misty into."
"Sige, tawagan mo sila ulit at sabihin mo yun. Iwan ang late kamo."
"Okay po, Tita. Salamat po ulit."
"Siege, mag-aayos lang ako ng pagkain natin dito."
.
.
.
KRING!! KRING!! KRING!!
"Hello sis, nasaan na ba kayo in Clarisse? Kanina ko pa kayo hinihintay."
"Pasensya ka na sis, may ginagawa lang ako. Susunod na lang kami dyan mamaya." sabi ni Misty.
"Kung mamaya pa kayo, wala na kayong aabutan dito sa bahay."
"Bakit, saan ang punts niyo?"
"Pupunta kami sa beach. Night swimming."
"Talaga? Swimming? Sige, pupunta na kami dyan."
"Okay, sige."
Ibababa na sana in Gail ang telepono niya ng may marinig siyang umimik na lalaki. "Hey babe! Where're you going? Dito ka lang, please?" pakiusap ng lalaki.
"Next time na lang ulit babe. Be a good boy. Okay?" sabi ni Misty sa pinakamalambing na boses.
"Daya mo naman babe." sabi ng lalaki.
"Babe, babawi na lang ako sayo next time. I promise. Kiss na lang ki--"
Pinatay na ni Gail ang telepono at nandidiri na siya sa mga naririnig. "Eeewww!!! Kadiri ka talaga Misty. Sabi ko na nga ba at lalaki ang inaatupag mo eh. Kahit kelan ka talaga Misty, basta lalaki malalason." sabi ni Gail na natatawa.
.
.
TOK!! TOK!! TOK!!
"Sandali lang," ni Fe sa nakatok sa pinto.
"Ako na po ang magbubukas ng pinto, Tita." sabi ni Gail.
"Sige anak, salamat."
"Sino yan?" tanong ni Gail.
"Boyfriend mo." sagot ng lalaki sa labas.
Binuksan ni Gail ang pinto, "Yuck! Hindi kita type no." sabi niya pagkakita kay Zyrus.
"Ouch naman. Kaya mo bang panindigan yang sinabi mo, ha, babe?!" nang aasar na tanong ni Zyrus.
"Aba, oo naman, no. Bakit ka nga pala nandito?"
"Di ba celebration ng graduation mo ngayon? Hindi ba ako invited?" tanong ni Zyrus at nag pout pa ng lips.
"Nandito ka na eh, may magagawa pa ba ako?" sagot ni Gail na nag cross arm pa.
"Parang labag sa loob mo ang pagdating ko eh, aalis na lang ako."
"Okay, ingat na lang." sabi ni Gail at tumalikod na.
"Huy," hinagip ni Zyrus ang kamay ni Gail para pigilin siya sa pagpasok sa bahay, "joke lang naman. Pwede na bang pumasok?"tanong ni Zyrus na hawak pa rin ang kamay ni Gail.
"Pwede naman, pwede mo na rin akong bitiwan." sabi ni Gail.
"Hehe, sorry." sabi ni Zyrus at binitiwan na ang kamay ni Gail.
"Zyrus, iho. Mabuti naman at nakarating ka." bati ni Fe at nakipagbeso pa kay Zyrus.
"Of course naman po Tita. Malakas kayo sa akin eh. Lalo na itong si Gail."
"Haha, alam ko yon, iho. Maupo ka muna riyan sa sala. Hintayin lang natin saglit sina Misty at ng sabay-sabay tayong makakain."
"Opo, Tita. Salamat po."
.
.
.
"Sis! We're here." eskandalosang sabi ni Misty.
"Mabuti naman at-- at ano naman yang suot mo, Misty?" tanong ni Gail ng makita si Misty.
"Hindi ba halata, swimsuit ito Gail. SWIMSUIT." sagot ni Misty na namewang pa.
"Alam kong swimsuit yan, ang ibig ko lang sabihin ay kung bakit ganyan na ang suot mo ngayon eh hindi pa naman tayo magsu-swimming." paliwanag ni Gail.
"Hindi pa ba? Sorry naman. Excited lang." sagot ni Misty.
"Halata ko ngang excited ka. Hala, pasok at nakakahiya ka dyan sa labas." sabi ni Gail na binuksan ng malaki ang pinto.
"Buti na nga lang at may sasakyan kami. Kung nagkataon, hindi ako sasabay dyan sa bakla na yan. Nasabi ko na kasing dalhin na lang niya yang swimsuit na ninakaw niya sa drawer ko, kaso hindi nagpapigil at isinuot pa rin." sabat ni Clarisse.
"Hoy Clarisse! Hindi ko to ninakaw sayo ha!" sabi ni Misty.
"Bakit, kanino ba yang suot mo?" tanong ni Gail.
"Sa kanya nga. Pero hiniram ko to, baka hindi niya lang narinig nung hiniram ko." mahinang imik ni Misty.
"Girls, mabuti naman at nandyan na kayo. Kain na tayo." sabi ni Fe. "Wow, Misty, bagay na bagay sayo ang suot mong swimsuit." dagdag pa nito ng makita si Misty.
"Talaga, Tita. Salamat po." sabi ni Misty na may pagyakap pa kay Fe.
"Walang anuman, iha. Tayo nang kumain. Gail, anak, tawagin mo na si Zyrus. Nagpapahangin siguro sa may garden."
"Opo."
"Tita, nandito po si Zyrus? Makapagpalit muna ng damit. Haha." sabi ni Misty sabay takbo sa cr.
"Anong nangyayari sa batang iyon?" tanong ni Fe kay Clarisse.
"Ewan ko nga po sa baklang iyon." sagot ni Clarisse."Maupo na kayo at kumain." sabi ni Fe ng dumating sina Zyrus at Gail.
"Salamat po, Tita." sabi ni Zyrus. "Hello, Clarisse. Kumusta na?" tanong niya kay Clarisse.
"Hello din. Ayos lang naman ako, salamat." sagot naman nito.
"Nasaan naman si Misty?" tanong ni Gail ng mapansing wala ang kaibigan.
"Nagtakbo sa cr ng malamang nandito si Zyrus." kaswal na sabi ni Clarisse.
"Bakit naman kaya?" tanong ni Gail.
"Baka biglang nahiya sa suot niya. Alam mo naman yon." sabi ni Clarisse.
"Nandito na ako. Kain na tayo." sabi ni Misty.
"Oh, nasaan na ang swimsuit mo?" tanong ni Gail.
"Mamaya ko na ilalabas kapag nasa beach na tayo. Kain na tayo at ng makapunta na tayo sa beach." masayang sabi ni Misty at inumpisahan ng kumain.
"Haha, kumain na nga tayo at ng makaalis na tayo."
"Pa, mabuti naman at dumating ka na. Ayos na ba ang sasakyan?" tanong ni Fe sa asawa.
"Ayos na ma, pwede na tayong umalis." sagot nito.
"Mabuti naman kung ganoon. Kumain ka na din muna bago tayo umalis."
"Sige. Phga bata, magsikain na tayo."
"Opo." sagot ng lahat."Yes, nandito na talaga tayo sa beach. Sobrang frrsh ng hangin." sabi ni Misty na naka angkla kay Clarisse.
"Oo nga, sis, malamig ang hangin dito, pero ang sarap sa balat." sagot naman ni Clarisse.
"Okay girls, mamasyal muna kayo at kukuha muna kami ng cottage ng Tito niyo." sabi ni Fe sa magkakaibigan. "Zyrus, iho, samahan mo sila ha. Wag mong hihiwalayan." bilin nito kay Zyrus.
"Opo Tita, ako na po bahala sa kanila." sagot ni Zyrus.
"Salamat, iho. Mauna na muna kami."
"Sige po."---EndOfChapterSeven---
Comments/Likes/Shares are very much NEEDED&ACCEPTED..
Thank you for reading.
BINABASA MO ANG
Friendship To Relationship? COMPLETED © TaraiShai
RandomMaraming naniniwala sa kasabihang, 'Friends can be Lovers, but Lovers cannot be Friends', bakit kaya? Siguro dahil karamihan ng mga umiibig ngayon ay nagsimula sa 'pagkakaibigan' na nauwi sa 'pag-iibigan' na hindi naglaon ay nauwi rin sa masakit na...