CHAPTER SIX : Taguan ng Feelings

21 2 0
                                    

  "Hay naku, Zyrus. Ano naman kaya ang gagawin ko sa binigay mong mga bulaklak?" sabi ni Gail habang nakatingin sa mga dalang bulaklak.


KRING!! KRING!! KRING!!
"Hello, bro?! Balita na sayo dyan sa Tagaytay?" sabi ni Albert.
"Eto, puro meeting. Nabo-bored na nga ako dito eh." sagot ni Zyrus.
"Hanggang kelan ka pa ba dyan?"
"Matatagalan pa ako dito, marami pa akong ginagawa eh. May ipapagawa ako sayo."
"Ano ba yon?"


"Hello? Sino to?" sabi ni Gail sa tumawag sa kanya. Not registered kasi ang # na nag-appeare sa screen niya.
"Guess who." sabi ng lalaki sa kabilang linya na medyo natatawa.
"Kung sino ka man, wala akong panahong makipaglokohan sayo. Iba na lang ang istorbohin mo. May trabaho pa ako." sagot niya at agad na ibinaba ang kanyang phone.
"Ako to, si---- TOOT! TOOT! TOOT! Aba't binabaan ako!" sabi ni Zyrus na nainis sa ginawa ni Gail.
"Miss Tina, pahabilin nga po muna nitong cp ko dyan sa counter." sabi ni Gail sabay abot ng kanyang cellphone kay Tina.
"Sige, itatago ko dito sa kaha. Kunin mo na lang kapag gagamitin mo."
"Sige po. Balik na muna ako sa trabaho."
"Sige."
KRING! KRING! KRING!
"Gail, may natawa. Sagutin mo muna at baka importante." sabi ni Tina.
"Sino po ba natawag?"
"Hindi ko alm, # lang eh."
"Hala, hayaan niyo na po, baka nanti-trip lang yan. Paki-silent na lang po at ng hindi maingay."
"Okay."


"Grabe naman itong babaeng ito. Sa dinami-dami kong missed call sa kanya, ni isa, wala man lang sinagot. Nakakainis na ha!" sabi ni Zyrus sa sarili. "Graciella!!" tawag ni Zyrus sa secretary niya.
"Yes, Sir?" sagot ng secretary.
"Cleared my schedule from this moment hanggang bukas. Uuwi muna ako, the day after tomorrow ang balik ko."
"Copy that, Sir." sagot ni Gabriella.
"Okay, you may go now."
"Thank you, Sir."


"Bro! Gabing-gabi na ah.. Nandito ka na? Akala ko ba matatagalan ka pa sa Tagaytay?" sabi ni Albert. Pinuntahan siya ni Zyrus sa condo niya.
"Nakakainis kasi si Gail, hindi nasagot sa mga tawag ko." sagot ni Zyrus
"Asus, akala ko naman kung bakit na. Si Gail lang pala ang dahilan. In-love ka na ba sa kanya?"
"I don't know, bro. Basta ang gusto ko lang makausap siya."
"Haha, puntahan mo na lang siya sa coffee shop at baka abutan mo pa." sabi ni Zyrus.
"Sige, try ko din at baka nga abutan ko pa."
"Sige, ingat ka. Magdala ka ng bulaklak." pahabol ni Albert.
"Haha, sige."


PEEP!!PEEP!!PEEP!!
"AY KABAYO!!" napasigaw si Gail sa gulat dahil sa pagbusina ng sasakyan sa tapat ng coffee shop. Kakapag sarado lang nila. Marami kasing customers kanina. "HOY!! SIRA ULO KA AH! NASA TABI NA NGA AKO NABUSINA KA PA DYAN. DUMAAN KA NA LANG KUNG DADAAN KA!!" bulyaw niya sa dríver.
"Kahit kelan talaga, masungit ka." sabi ni Zyrus na bumaba ng sasakyan.
"Ikaw?!" tanong niya na medyo nawala ang galit sa mukha na napalitan ng itinatagong ngiti.
"Oo, ako nga. Na-miss mo ba ako?" tanong ni Zyrus na tumabi pa kay Gail.
"Kapal mo ha, bakit naman kita mami-miss, aber?" sagot ni Gail na nagpamewang pa.
"Kasi, L-O-V-E mo ako." naka-ngiting sagot ni Zyrus.
"What?! Nagbibiro ka ba? Hindi nakakatawa. Ako?!" sabay turo sa sarili. "Maiinlove sayo? Parang hindi naman." sabi niya na nagtaas pa ng kilay.
"Asus, maiin-love ka din sakin. That's for sure." saad ni Zyrus.
"Wow ha, hawak mo ba ang puso ko kaya mo nasasabi yan?"
"Yes! Hawak ko na ang puso mo."
"Che!! Ewan ko sayo. Dyan ka na nga." sabi ni Gail at nagsimula ng maglakad."
"Hey, hey! At saan ka pupunta? Alam mo bang nag-cancel ako ng mga meeting ko para lang umuwi dito at makasama ka, tapos lalayasan mo ako? Hindi pwede yan." sabi ni Zyrus habang hawak-hawak sa braso si Gail.
"Bakit, sinabi ko ba sayo na umuwi ka? Na mag-cancel ka ng meeting mo para saken? Hindi naman di ba? So anong sinasabi mo dyan?" mataray na sagot ni Gail.
"Umuwi ako dahil gusto kitang makita at makasama, hindi mo ba nakikita yun?" tanong ni Zyrus.
"Wala akong pakialam sa mga sinasabi mo. Gabi na, uuwi na ako. Dyan ka na. At wag mo na akong susundan." sagot ni Gail.
"Ihahatid na kita."
"Hindi na. Baka maabala ka pa." sabi ni Gail at lumakad na ulit. "Hoy!! Ibaba mo nga ako. Saan mo ba ako dadalhin?!" sigaw ni Gail. Binuhat kasi siya ni Zyrus.
"Tahimik! Ihahatid na kita." sabi ni Zyrus at binuksan ang pinto ng passenger seat at ibinaba si Gail.
.
Wala ng nagawa pa si Gail. Nanatili na lamang siyang nakaupo at hinayaan na lamang niya si Zyrus na ihatid siya. Katahimikan ang namayani sa pagitan nila sa buong biyahe nila patungo sa bahay ni Gail.
"We're here." sabi ni Zyrus. Bumaba ng sasakyan at pinagbuksan ng pinto si Gail.
"Salamat. Salamat sa paghatid." sabi ni Gail na nagbigay ng matamis na ngiti.
"Walang anuman. Pwede ba akong tumuloy muna?" tanong ni Gail.
"Gustuhin ko man ay hindi na pwede. Gabing gabi na at maaga pa ako bukas at may pasok pa ako. Kaya sa ibang araw na lang siguro." sagot ni Gail.
"Ganoon ba? Sige, salamat. Mauna na ako."
"Sige, salamat din. Maig-iingat ka pag-uwi."
"Sige. Good night." at humalik si Zyrus sa pisngi ni Gail.
Kahit na nagulat dahil sa ginawa ng binata, nagawa pa ring sumagot ni Gail. "Go-od night dn."


TOK!! TOK!! TOK!!
"Nandyan na po, Tita." sabi ni Gail at binuksan ang pinto ng kanyang kwarto.
"Bumaba ka na at kumain. Baka ma-late ka sa eskwelahan." sabi ni Tita Fe.
"Opo, Tita. Susunod na po ako. Kukunin ko lang po ang gamit ko." sabi ni Gail at sumunod na sa kanyang Tita.

"Kumusta naman kagabi? Late ka na atang umuwi?" tanong ni Tita Fe.
"Oo nga po eh. Madami po kasing customers kagabi kaya late na nakapagsarado sa coffe shop." sagot ni Gail habang kumakain.
"Ganoon ba? Hindi ka ba nahihirapan, anak? Kailangan mong gumising maaga sa araw dahil papasok ka sa eskwelahan, tapos madalas, malalim na sa gabi kung matulig ka dahil sa trabaho mo. Baka naman anak magkasakit ka na niyan." nag-aalalang sabi ni Tita Fe.
"Ayos lang naman po ako, Tita. Kaya ko po. Tsaka sanay na po ako sa ganitong sitwasyon. Wag niyo na po akong alalahanin." sagot niya.
"Talaga ba? Alam mo namang anak ka na namin, kaya sana wag kang mahihiyang magsabi sa amin ng Tito mo, ha?"
"Opo Tita. At nagpapasalamat po ako dahil doon."
"Oh siya, kain ng kain at ng may lakas ka sa pag-aaral."
"Opo"


KRING!! KRING !! KRING!!
"Hello bro, what's up? Nakabalik ka na ba sa Tagaytay?" tanong ni Albert sa kabilang linya.
"Hindi pa bro, bukas pa balik ko doon. Why?" sagot ni Zyrus.
"May plano kami nina Zane. Hang out. Sama ka?"
"Nope. May importante akong gagawin today."
"Ganoon ba? Okay. Just text me kung gusto mong sumunod."
"Okay. Ingat kayo."
"Salamat bro. Ikaw din. Bye."
"Thanks." sagot ni Zyrus at ibinaba na ang phone.


"Alis na po ako, Tita." paalam ni Gail at humalik muna sa kanyang Tita bago lumabas ng gate.
"Mag-iingat ka anak, ha?" paalala nito.
"Opo, Tita. Kayo din po dito. Tuloy na po ako."
"Sige."

PEEP!! PEEP!! PEEP!!
"AY KABAYO!!" napasigaw ai Gail dahil may bumusina sa likuran niya. Papatawid pa naman sana siya. "Parang kilala ko tong sasakyan na to ah!!" sabi niya sa sarili. " HOY!!" tawag pansin niya sa driver ng kotse habang pinapalo ang harapan nito. "Parang kilala kita ah!! Bumaba ka nga diyan!!" utos niya.
Bumukas ang bintana ng kotse. "Good morning!!" bati ni Zyrus na may kasamang matamis na ngiti.
"Kanina good ang morning ko. Ngayon, hindi na." mataray na sabi ni Gail.
"Bakit na naman?" nagtatakang tanong ni Zyrus.
"Ikaw ba naman ang laging gulatin, matutuwa ka ba? Di ba hindi din. Kaya wag ka ng magtanong pa." sagot ni Gail.
"Sorry na. Malay ko bang magugulatin ka pala."
"Ewan ko sayo. Dyan ka na at may pasok pa ako."
"Ihahatid na kita, please?"
"Okay! Makalibre man lang sa pamasahe." sagot niya at binuksan ang pinto ng passenger seat. "May date ka yata, bakit dumaan ka pa díto? Baka ma-late ka pa." sabi niya ng wálang emosyon.
"Ah, yan bang bulaklak? Para sayo yan." sagot ni Zyrus.
"Hindi nga? Ayoko nga niyan. Baka para sa iba yan eh."
"Hindi nga, sayo nga yan. Promise."
"Okay, salamat." sagot ni Gail na may ngiti sa mga labi.
"Okay, tayo na."
"Okay."

Dumaan ang mga araw na palaging ganoon ang set up nilang dalawa. Hatid-sundo sa eskwelahan at trabaho. Dahil doon, mas lumalim ang pagkakaibigan sa pagitan ng dalawa.



---EndOfChaptSix---


Comments/Likes/Share are very much NEEDED&ACCEPTED!!
Thank you for reading..  


Friendship To Relationship? COMPLETED © TaraiShaiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon