"Ano bang meron? Para sa akin ba talaga ang lahat ng ito?"naiiyak na tanong ni Gail.
"Oo, para sayo talaga ang lahat ng ito."sabi ng lalaking papalapit sa kanya na may dalang isang bouquet ng bulalak.
"Zyrus? Ikaw ba yan?"tanong niya sa lalaking papalapit sa kanya. Hindi niya kasi masyadong maaninag ang mukha nito dahil madilim sa kinatatayuan ng lalaki.
"Gusto mo bang maging ako si Zyrus?"tanong ng lalaki na tumugil sa paglakad.
"Ha?! Ah? Eh? Sino ka ba talaga?"naguguluhan niyang tanong, pero sa puso ni Gail, dinarasal niya na sana si Zyrus na nga ang lalaking papalapit sa kanya.
"Haha, ako na nga ito Gail. Ako lang at wala ng iba."sagot ng lalaki at kasabay ng paglinaw ng imahe ng mukha ng lalaki ay ang pagtugtog ng isang musika.
.
**For all the times I felt cheated, I complained
You know how I love to complain
For all the wrongs I repeated,
Though I was to blame i still cursed that rain
I didn't have a prayer, didn't have a clue
Then out of the blue
[Chorus]God gave me you to show me what's real
There's more to life and just how I feel
And all that I'm worth is right before my eyes
And all that I live for though I didn't know whyNow I do, 'cause God gave me you.**
"Hala! Ikaw nga yan Zyrus."sabi ni Gail ng tuluyan ng makalapit si Zyrus sa kanya.
"Ako nga, bakit, may inaasahan ka pa bang iba?"tanong ni Zyrus.
"Wala naman, hindi ko lang kasi inexpect na gagawin mo to."sagot ni Gail habang nakatingin lang sa binata.
"Para sayo nga pala."sabi ni Zyrus sabay abot kay Gail ng mga bulaklak.
"Salamat."sagot ni Gail at kinuha ang mga bulaklak.
"Walang anuman, basta para sayo kahit gaano pa kadami ibibigay ko, mapangiti ka lang palagi."sagot ni Zyrus. "Pwede ba kitang maisayaw?"tanong ni Zyrus at inilahad ang kamay kay Gail.
"Gusto ko sana, kaso hindi ako marunong magsayaw."nahihiyang sabi ni Gail na napatungo pa,
"Ako ang bahala sayo, magtiwala ka lang."
"Sige, sabi mo yan, ha?!"sabi ni Gail at iniabot ang kanyang kamay kay Zyrus.
**For all the times I wore my self pity like a favorite shirt
All wrapped up in that hurt
For every glass I saw, I saw half empty
Now it overflows like a river through my soul
From every doubt I had, I'm finally free And I truly believe[Chorus]
God gave me you to show me what's real
There's more to life and just how I feelAnd all that I'm worth is right before my eyes
And all that I live for though I didn't know wh
Now I do, 'cause God gave me you**
"Gail, may gusto sana akong aminin sayo, sana wag mo akong iwasan matapos kong sabihin sayo."sabi ni Zyrus habang nagsasayaw silang dalawa.
"Sige, ano ba yun? Pinapakaba mo naman ako eh."sagot ni Gail na halatang hindi alam kung anong magiging reaksyon sa sinasabi ni Zyrus.
"Matagal na kitang mahal, Gail. Natatakot lang akong umamin dahil baka umiwas ka. Ngayon lang talaga ako nagkaroon ng lakas ng loob na magtapat sayo."panimula ni Zyrus.
"Ha? Ser-yoso ka ba diyan Zyrus sa sinasabi mo? Wag mo akong pagtripan, ha!"
"Seryoso ako Gail. Totoong mahal kita. Mahal na mahal kita. Matagal na. Ikaw ang dahilan kung bakit mas pinili kong magpakatino. Kung bakit inayos ko ang buhay ko. Dahil gusto ko, balang araw na maipagmamalaki mo ako."seryosong sabi ni Zyrus na hinawakan pa ang mga kamay ni Gail. Tumigil na sila sa pagsayaw. Nakatingin na lamang sila sa mata ng isat-isa.
"Talaga bang mahal mo ako?"paninigurado ni Gail.
"Oo, Gail. Mahal kita, mahal na mahal kita."sagot ni Zyrus na hinaplos pa ang pisngi ng Gail. Dahil sa ginawang iyon ni Zyrus ay hindi na napigilan ni Gail ang pagpatak ng kanyang mga luha. "Gail? Bakit ka umiiyak? May nasabi ba akong hindi mo nagustuhan, ha?"nag-aalalang tanong ni Zyrus na mapansing umiiyak ang dalaga.
"Wala, ayos lang ako. Wag mo akong intindihin."sagot ni Gail habang nagpupunas ng mga luha.
"Pwede ba namang ayos ka lang,"sabi ni Zyrus habang pinupunasan ang mga luha ni Gail, "eh umiiyak ka oh. Pasensya ka na sa mga nasabi ko. Kung hindi mo tanggap ang nararamdaman ko para sayo, okay lang sa akin. Kahit manatili na lamang tayong magkaibigan, tatanggapin ko."malungkot na sabi ni Zyrus.
"Pwede bang mamaya na ulit ang drama?"natatawang tanong ni Gail. "Tapusin muna natin tong kanta. Ang ganda kasi eh."
"Oo naman, pero sana, kasabay ng pagtatapos ng kanta ay hindi katapusan ng nararamdaman ko para sayo."sabi ni Zyrus at nagsimula na ulit isayaw si Gail.
**In your arms I'm someone new
With ever tender kiss from you
Oh must confess I've been blessed[Chorus]
God gave me you to show me what's realThere's more to life and just how I feel
And all that I'm worth is right before my eyes
And all that I live for though I didn't know why (didn't know why)
Now I do (I finally do), 'cause God gave me you (God gave me You)
God gave me you**
"Ngayong tapos na ang kanta, tapos na din ba ang sandaling ito?"malungkot na tanong ni Zyrus. Hawak-hawak pa rin niya ang kamay ni Gail. "Gail, bigyan mo lang ako ng chance na patunayan sayo kung gaano kita kamahal, pangako, gagawin ko ang lahat para lang mapasaya ka."
"Sorry, Zyrus, pero...."sagot ni Gail.
"Alam ko na Gail, kahit masakit tatanggapin ko. Kung pagkakaibigan lang ang kaya mong ibigay sa akin, ayos lang. Ang mahalaga, masaya ka. Mahal na mahal kita, Gail. Lagi mong tatandaan yan."sabi ni Zyrus at hinalikan ang kamay ni Gail at tumalikod na.
"Zyrus, sorry pero,"sabi ni Gail habang naglalakad papalayo si Zyrus. "Sorry pero, mahal din kita."sabi ni Gail na sapat na para lumingon si Zyrus.
"Anong sabi mo, Gail?"tanong ni Zyrus na kitang kita ang kislap sa mga mata?
"Sabi ko, mahal din kita!"sigaw ni Gail.
Sa sobrang tuwa ay napatakbo si Zyrus pabalik sa harap ni Gail. "Ulitin mo nga ang sinabi mo?"utos ni Zyrus na ngayon ay hawak ng muli ang mga kamay ni Gail.
"Mahal kita! Mahal kita! Mahal kita!"paulit ulit na sigaw ni Gail.
"Yes! Yes! YES!!!"sigaw ni Zyrus na sa labis na tuwa ay binuhat pa si Gail.
"Ano ba, Zyrus. Ibaba mo nga ako. Nahihilo na ako sa ginagawa mo eh."angal ni Gail.
"Sorry,"sabi ni Zyrus at ibinaba si Gail. "Sobrang saya ko lang dahil mahal mo din ako."sagot ni Zyrus.
"Masaya din ako, Zyrus."
"Mahal na mahal kita, Gail."sabi ni Zyrus na niyakap si Gail.
"Mahal na mahal din kita, Zyrus."sagot ni Gail at gumanti din ng yakap kay Zyrus. "Ahm, Zyrus, may request sana ako."sabi ni Gail na bumitiw na sa pagkakayakap kay Zyrus.
"Ano yun, kahit ano, basta para sayo."seryosong tanong ni Zyrus.
"Ahm, ano kasi, ahm..."
"Ano nga, nambibitin ka pa eh. Sabihin mo na."
"Pwede bang kainin na natin ang inihanda mong pagkain? Gutom na gutom na ako eh."natatawang sabi ni Gail.
"Sus maryosep, yun lang pala,"napakamot pa sa ulo si Zyrus,"akala ko naman kung ano na, oo ba. Para sayo naman talaga yan eh."sagot nito at inalalayan sa pag upo si Gail.
"Hehe, pasensya ka na. Talaga lang gutom na gutom na ako."sabi ni Gail at inupakan agad ang nakahaing seafood.
"Ayos lang yon, ano ka ba? Kain lang ng kain."sabi ni Zyrus na pinagmamasdan ang bawat kilos ni Gail.
"Hoy! Ano yang ginagawa mo? Bakit mo ako tinititigan?"puna ni Gail ng makitang nakatitig lang sa kanya si Zyrus.
"Haha! Pasensya ka na, ang sarap mo kasing pagmasdan habang kumakain."sagot nito.
"Ngek! Kumain ka na lang din diyan. Mabubusog ka pa."
"Makita lang kitang busog, busog na din ako."sagot ni Zyrus.
"Asus, magtigil. Kumain ka na din diyan kung ayaw mong layasan kita."banta ni Gail.
"Opo, kakain na nga po."
"Okay. Good!"
"Hahaha!"napuno ng tawanan ang paligid ng bagong magkasintahan. Sayang matagal ng naghihintay.
Masayang pinagsaluhan ng dalawa ang inihandang pagkain nina Misty kahit medyo malamig na. Habang kumakain sila ay masaya silang nagkukwentuhan tungkol sa mga bagay na nangyari sa kanila sa mga nakalipas na taon.
"Siyanga pala, Mahal, tinulungan nga pala ako nina Misty at Clarisse sa pagse-set up nitong lugar. Ganito daw kasi ang gusto mo kaya ganito ang ginawa namin."pag amin ni Zyrus.
"Hay naku, yung baklang yon talaga, kahit kelan nakakainis. Pinaiyak pa niya ako dahil sa mga ginawa niyo eh."sabi ni Gail na katatapos lang kumain.
"Pasensya ka na ulit, hayaan mo, hindi ko na uulitin ito kung ayaw mo pala ng ganito."sabi ni Zyrus na biglang nalungkot.
"Hala! Mahal, hindi yun ang ibig kong sabihin, gustong gusto ko nga itong ginawa niyong effort. Masaya lang ako kaya ako naiyak kanina."paliwanag ni Gail.
"Talaga ba?"tanong ni Zyrus.
"Oo nga,"sagot ni Gail at lumapit kay Zyrus. "Naguatuhan ko talaga itong ginawa mo para sa akin. Salamat, Mahal."sabi ni Gail na hinawakan pa ang kamay ni Zyrus.
"Para sayo, mahal. Kahit ano gagawin ko."sabi naman ni Zyrus na tinanggap ang kamay ng kasintahan at tumayo para yakapin ito. "Maraming salamat, Gail sa pagtitiwala mo sa akin. Hinding hindi ka magsisisi sa desisyon mo. Pangako yan."
"Salamat din. Mahal na mahal kita, Zyrus."sabi ni Gail na ngayon ay nakatitig na sa mga mata ni Zyrus.
"Mahal na mahal din kita, Gail."sagot ni Zyrus at unti unting inilapit ang mukha sa mukha ni Gail. Binigyan niya ng isang malambing na halik ang kasintahan. Halik na may kasamang paggalang. Sa noo.
---EndOfChapterNine---
Comments/Likes/Shares are very much NEEDED&ACCEPTED.
Thank you for reading.
BINABASA MO ANG
Friendship To Relationship? COMPLETED © TaraiShai
RandomMaraming naniniwala sa kasabihang, 'Friends can be Lovers, but Lovers cannot be Friends', bakit kaya? Siguro dahil karamihan ng mga umiibig ngayon ay nagsimula sa 'pagkakaibigan' na nauwi sa 'pag-iibigan' na hindi naglaon ay nauwi rin sa masakit na...