CHAPTER FOUR: Bonding Moment

20 3 0
                                    

  "Yum! Yum! yum! Ansarap talagang kumain, lalo na kapag libre." sabi ni Gail.
"Halata naman sayo eh, kinain mo na nga pati ung extra rice na inorder ko eh." natatawang sagot ni Zy.
"Grabe ka naman sa akin. Eh sa nagutom ako, anong magagawa ko." paliwanag ni Gail.
"Hahaha, wag ka ng magpaliwanag. Sapat na ang nakita ko." -Zy.
"Sobra ka naman magsalita, para naman akong kriminal dahil dyan sa dialog mo na yan." -Gail.
"Haha, wala akong sinabing ganyan." -Zy.
"Tigilan mo na nga ang katatwa dyan, hindi naman ako nagpapatawa eh." -Gail.
"Sorry, hindi naman kita tinatawanan eh." -Zy.
"Eh anong ginagawa mo ngayon, di ba natawa ka?" -Gail.
"Masaya ka kasing kasama kaya napapatawa mo ako." -Zy.
"Asus, pinagtatawanan mo ako kasi akala mo ata ay clown ako." -Gail.
"Hindi ah, sa ganda mong yan, walang mag-aakala na clown ka." -Zy.
"Naku, maka-alis na nga at baka mamaya ay singilin mo na ako sa mga sinasabi mo na hindi ko maintindihan kung papuri ba o panlalait. Salamat na lang sa libreng kain." sabi ni Gail sabay alis.
"Gail, wait." tawag ni Zy kay Gail.
"Sir, bill niyo po." habol sa kanya ng waiter ng resto. Hindi pa nga pala siya nakakapagbayad.
"Ay, eto oh. Pasensya na, nagmamadali lang ako. Keep the change na lang." sabi ni Zy sa waiter.
"Salamat po, sir." pahabol ng waiter kay Zy.


"Saan naman kaya nagpunta ang babaeng yon? Ang bilis naman niyang maglakad." sabi ni Zy sa sarili.
KRING!! KRING!! KRING!!
"Hello, bro? Nasaan ka?" tanong ni Zane.
"Bakit? May emergency ba?" tanong naman ni Zy.
"Wala naman, roadtrip tayo?"
"Hindi ako pwede, bro. Next time na lang. Bye." sabi ni Zy sabay patay ng phone.
"Si Zyrus ba yun? Ang wierd niya ngayon, hindi naman siya dating ganoon. Bakit kaya?" nagtatakang tanong ni Zane sa sarili.


"Gail, nasaan ka ba? Bakit ba nilayasan mo ako?" kinakausap pa rin ni Zy ang sarili habang sakay ng kanyang kotse at umaasang makikita si Gail na naglalakad. "Nakakainis naman. Bakit ba kasi hindi ko naisip na kunin ang cellphone number niya, di sana madali kong malalaman kung nasaan siya."
KRING!! KRING!! KRING!!
"Ano ba?! Sabi ng busy ako eh!!" sigaw ni Zyrus sa tumawag sa kanya.
"Bro, relax. Ano bang problema?" si Albert pala yung natawag.
"Wala, may hinahanap lang ako, so please, wag niyo muna akong kulitin, pwede?!" paki-usap ni Zy.
"Sure bro. Sorry sa istorbo. Bye."
"Okay, bye." sabi ni Zy at pinatay na ang phone niya ng wala ng makatawag sa kanya.
"See bro, i told you. Kakaiba siya ngayon." sabi ni Zane. Magkakasama silang tatlo ngayon. Pinag-uusapan nila kung ano kaya ang pinagkakaabalahan ni Zyrus at nakakalimutan na sila.
"Pabayaan na lang muna natin siya. Kapag nagsawa na yan sa ginagawa niya, maaalala na ulit niya tayo." sabi ni Albert.
"Yeah right. I'm sure of that." sang-ayon ni Clifford.

Si Zyrus kasi yung tipo na lalaki na kapag may nagustuhan, kailangan niyang makuha at hanggat hindi niya nakukuha ay hindi siya titigil, makuha lang ito. Ultimo sa pag-ibig. Wala siyang nagustuhan na hindi niya nakuha. Kapag sawa na siya ay basta na lang niya iyong iiwan o di naman kaya ay siya na mismo ang gagawa ng paraan para iwanan siya.


"Hello sis, nasaan na kayo?" tanong ni Gail sa kaibigang si Misty. Nasa bus station siya ngayon. Hindi niya alam kung paano siya umabot doon, ang tanging alam lang niya ay lumakad lang siya ng lumakad para makalayo sa nang-aasar na si Zyrus.
"Nandito sa inyo, bakit? Nasaan na si papi Zyrus? tanong nito.
"Aba malay ko. Kanina ko pa siya hindi kasama." sagot ni Gail.
"Hala, bakit?"
"Inaasar kasi ako, layasan ko nga."
"Eh nasaan ka ngayon?"
"Hindi ko nga alam. Ang alam ko lang, malayo itong narating ko kalalakad."
"Yan kasi. Minsan kasi wag pairalin ang pride. Nawawala ka tuloy ngayon."
"Huhuhu, hindi ko na nga alam ng gagawin ko eh. Sana may makita akong bus pauwi."
"Sige, at ipagdadasal ko naman na sana makita ka ni Zyrus sa kung saan ka man naroroon ngayon at ng makuwi ka na."
"Huhuhu, sana nga."
"Sige, wag kang aalis dyan sa lugar mo. Hahanapin ka namin ni Clarisse."
"Sige sis, pakibilisan lang. Ayokong gabihin dito."
"Oo.. Sasabihin ko ba kay Tita na nawawala ka?"
"Wag na at mag-aalala lang yun."
"Sige, papunta na kami."
"Sige, bye." paalam ni Gail at pinatay na ang phone. "Lord, sana po makita na nila ako." dasal ni Gail.

PEEP!! PEEP!! PEEP!!
"AY KABAYO!!" gulat na sabi ni Gail.
"Gail! Kanina pa kita hinahanap. Nandito ka lang pala." sabi ni Zyrus. "Bakit mo ba ako nilayasan?"
"Nakakainis ka kasi eh. Kung anu-anong sinasabi mo." sagot ni Gail.
"Sorry na, okay? Tara na." sabi ni Zy sabay abot ng kamay kay Gail.
"Okay, salamat. Ihatid mo na ako sa amin, pwede?" aya ni Gail.
"Pwede bang mamaya na, babawi muna ako sayo." sagot ni Zy.
"Paano ka naman babawi, aber?"
"Basta, makikita mo. Magre-relax muna tayo."
"Hay naku. Sige na nga. Basta kapag hindi ako narelax, iuuwi mo na ako."
"Okay. Deal."


"Park? Bakit dito? Akala ko ba magre-relax?" tanong ni Gail ng ihinto ni Zy ang kanyang kotse sa isang park.
"Saan mo ba gusto, sa massage parlor?" tanong ni Zy.
"Mas maganda pa nga yata kung doon mo ako dinala para makapag-relax talaga ako." sagot ni Gail.
"Ikaw naman, bigyan mo naman ako ng chance na ipakita sayong nakaka-relax dito sa park." sabi ni Zy.
"Okay, sige. Kapag hindi ako na-relax talagang uuwi na ako." sabi ni Gail.
"Oo. Kapag hindi ka nag-enjoy ihahatid na kita." .

"Gail oh, kain ka muna." inabot ni Zyrus ang isang cup ng ice cream kay Gail.
"Salamat." sabi ni Gail sabay kuha ng ibinibigay nito. "Uy, ice cream. Favorite ko to." sabi pa niya na may ngiti sa labi.
"Talaga ba? Favorite ko din ang chocolate flavor eh." sagot naman ni Zyrus.
"Ganoon ba? Salamat ulit dito." sabi ni Gail.
"Wala yun, basta ikaw." sagot ni Zyrus. "Gusto mo bang sumakay sa swing?" tanong nito.
"Ayoko, takot akó dyan. Nahulog na akong minsan sa ganyan nung bata ako. Kaya ayoko ng sumakay sa ganyan." sagot ni Gail na may kasama pang pag-iling.
"Wag ka matakot ako bahala sayo. Sasaluhin kita kapag nahulog ka."
"Ayoko nga, takot nga ako." tanggi ni Gail.
"Sasamahan naman kita eh. Please? Kahit ngayon lang." pagmamakaawa ni Zyrus na may pagluhod pa sa harap ni Gail.
"Hoy, ano ka ba, tumayo ka nga riyan. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao oh." sabi ni Gail habang pinipilit itayo si Zyrus.
"Hindi ako tatayo dito hanngat hindi ka napayag sa gusto ko. Wala ka bang tiwala sa akín?" sabi pa ni Zyrus.
"Wala nga." natatawang sagot ni Gail.
"Wala pala ha, sige." sabi ni Zyrus at akmang hihiga na sa dámuhan pero napigil siya ni Gail.
"Oo na, sasakay na. Tumayo ka na riyan. Para kang bata, alam mo ba yon?" tanong ni Gail.
"Hindi. Nagyon ko lang din nalaman na may ganito pala akong side sa pagkatao ko. At lumabas lang ito because of you." sagot ni Zyrus.
"Ha? May sinasabi ka ba riyan?" tanong ni Gail kay Zyrus.
"Wala naman. Sabihi ko dumali ka riyan at baka maunahan tayo ng maga bata." palusot ni Zyrus.
"Ah, akala ko may ibinubulong ka eh.." sabi ni Gail.
"Wala ah, bilisan mo na kasi." pagsisinungaling ni Zyrus.
"Eto na nga, masyado ka namang nagmamadali." sabi ni Gail na malalaki ang hakbang dahil hinihila ni Zyrus. "Makahila ka naman wagas, baka madapa ako." reklamo ni Gail.
"Wag kang mag-alala, sasaluhin kita." sabi ni Zyrus.
"Andami mo namang sinasabi, lumakad na lang---- AY KABAYO!!" yan na nga, nadapa na nga si Gail.
"Gail! Gail! Ayos ka lang ba?" narinig niyang tanong ni Zyrus. Kasalukuyan siyang pikit na pikit dahil sa sobrang gulat. Pinapakiramdaman pa niya kung may masakit ba sa kanya. At mukhang wala naman.
"A-a-ayos lang a-a-ako." sagot niya habang nakapikit pa rin at hindi pa rin siya kumikilos.
"Mabuti naman kúng ganoon. Pwede kang dumilat." natatawang sabi ni Zyrus.
"Bakit ka na naman tumatawa ha?!" tanong ni Gail sabay dilat. Natahimik siya sa nakita.
"Oh, bakit ganyan ang itsura mo ngayon?" naka-ngiting tanong ni Zyrus.
"Gwapo ka pala sa malapitan." wala sa loob na sabi ni Gail.
"Haha, anong sabi mo? Gwapo ako sa malapitan? Kahit naman sa malayo ay gwapo ako ahh." sagot ni Zyrus.
"Ha?! Wala akong sinasabing ganyan ha!!" pagpapalusot ni Gail. Tumayo ka na nga riyan." utos nito.
"Paano kaya ako makakatayo ay nakadagan ka sa akin." sagot ni Zyrus. Biglang namula si Gail ng mapagtanto ang ítsura nilang dalawa ni Zyrus. "Akala ko kápag natatakot ay namumutla, pero bakit ikaw ay namumula?" pang-aasar pa nito.
"Che!!! Kasalanan mo ito eh. Kundi mo ko pinagmamadali di sana hindi akó nadapa." sabi ni Gail pagkatayo. "Nadumihan pa tuloy ang damit ko." dagdag pa nito habang pinapagpagan ang nadumihan daw na damit.
"Nadumihan ka pa ng lagay na yan ha. Samantalang ako naman itong napahiga sa lupa." natatawang sabi ni Zyrus.
"Hindi ko na kasalanan yun, bakit ba naman kasi sinalo mo pa ako at hindi mo na lang ako hinayaang matumba?" tanong ni Gail.
"Di ba, sabi ko naman kasi sayo, ako ang bahala sayo. Na hindi kita hahayaang mahulog. Dapat magpasalamat ka na lang sa halip na kinukwestyon mo pa ang ginawa ko." sagot ni Zyrus.
"Oo na, salamat."pairap na sabi ni Gail.
"Good." nakangiting sagot ni Zyrus. "Paano ba yan, nadumuhan ang damit ko dahil sayo kaya ililibre mo ako ng shopping." dagdag pa nito.
"Shopping ka riyan, wala nga akong pambayad sa kinain ko kanina, pang-shopping pa naman." sagot ni Gail.
"Basta, samahan mo akong mag-shopping. May pera ka man o wala." utos ní Zyrus.
"Sige, bos."
"Hahaha, empliyado na pala kíta. Ayos yun. Tara na sa kotse at ng makapag-shopping na tayo."
"Okay."

Sa kotse...
"Hoy! Anong ginagawa mo? Bakit ka naghuhubad? Hindi mo ititigil yan, sisigaw ako." pagbabanta ni Gail.
"Alam mo, andumi ng isip mo. Magpapalit lang ako ng damit, alangan namang ganito ang itsura kong pupunta sa mall. Nakakhiya naman sa kagwapuhan ko." natawang sabi ni Zyrus.
"Nahiya naman ako sa face mong makapal." sagot ni Gail.
"Pero gwapo, aminin.." nanunuksong sabi ni Zyrus.
"Hala, oo na, kung yun ang paniniwala mo eh. Matigil ka lang." sang-ayon ni Gail.
"Okay, tapos na, lets go." sabi ni Zyrus at pinaandar na ang kanyang sasakyan."




---EndOfChapterFour---

Comments/Likes are very much NEEDED&ACCEPTED.
Thank you for reading..  



Friendship To Relationship? COMPLETED © TaraiShaiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon