CHAPTER TEN: Officially Yours

36 2 0
                                    

"Sis, kumusta na kaya sina Gail doon? Bakit kaya ang tagal nila?"hindi mapakaling tanong ni Clarisse.
"Ano ka ba naman, Sis? Date nga di ba? Malamang sinusulit ng mga yon ang bawat sandali na meron sila."paliwanag ni Misty.
"Ganoon ba yon?"
"Oo, ganoon yon. Palibhasa kasi hindi ka pa nakakaranas ng date, kaya wala kang kaalam alam sa mga ganoong bgay."pang-aasar ni Misty.
"Grabe ka saken, Misty. Nag-aalala lang naman ako eh."maktol ni Clarisse.
"Wag ka na kasing mag-alala, mamaya nandito na ang mga iyon."
"Girls,"tawag ni Fe. "Wala pa ba sina Gail?"tanong nito.
"Wala pa po eh. Nag-aalala na nga po ako. Baka kung ano ng nangyari sa dalawang iyon."sagot ni Clarisse.
"Haha, kalma ka lang diyan, Clarisse. Malalaki na ang dalawang iyon, alam na nila ang ginagawa nila."paliwanag ni Fe.
"Yon nga po ang sabi ko sa babaeng yan eh. Ayaw lang makikinig,"singit ni Misty.
"Hayaan mo, Clarisse at mamaya ay darating din ang mga iyon."sabi ni Fe. "Kapag dumating na sila, sabihin niyo ay maghanda na at ng makapag-swimming na tayo."utos nito.
"Okay po, Tita. Copy."masayang sagot ni Misty.

"Gail, mahal? Tayo na ba?"tanong ni Zyrus kay Gail habang pinapanood nila ang mga bituin sa langit.
"Ay, hindi pa ba? Kanina pa nga mahal ang tawag mo sa akin eh.."sagot ni Gail na medyo natatawa sa tanong ng binata.
"Talaga? Wala ng bawian ha. Girlfriend na kita. Salamat Gail."sabi ni Zyrus sabay yakap sa dalaga.
"Oo, at boyfriend naman kita."sagot ng dalaga at bumitaw sa pagkakayakap sa binata. "At wala ng makakapigil saten."sabi ni Gail sabay labas pa ng dila.
"Haha, ang cute mo mahal magpabebe, isa pa nga."pang-aasar ni Zyrus.
"Ayoko nga. Inuuto mo na ako eh."sabi ni Gail at yumakap ulit sa nobyo.
"Haha! Ang cute mo talaga, mahal."sabi ni Zyrus na kinurot pa ang pisngi ni Gail.
"Aray naman, mahal. Wag mo naman akong kurutin. Masakit eh."saway ni Gail na tinanggal ang kamay ng nobyo sa kanyang pisngi.
"Okay, sorry na."sabi nito sabay halik sa pisngi ng dalaga.
"Hoy! Bakit may paghalik ka pang nalalaman dyan?"mataray na tanong ni Gail.
"Para hindi na masakit ang pisngi mo."seryosong sagot ni Zyrus.
"Asus, chansing ka lang eh."sabi ni Gail.
"Hindi ah, bawal ko bang halikan ang girlfriend ko?"tanong ni Zyrus.
"Hindi naman, pero sana naman magsabi ka muna bago ka manghalik para hindi ako nagugulat."sabi ni Gail na kunyaring nagalit.
"Sorry na, mahal. Hindi na ulit ako hahalik."nagtatampong sagot ni Zyrus.
"Mwuapxx."halik ni Gail. "Wag ka ng magtampo, mahal. I love you."suyo ni Gail at yumakap ulit sa nobyo.
"Okay!"masayang sabi ni Gail. "I love you too."sagot ng binata.

"Misty!!"tawag ni Clarisse sa kaibigan sabay yugyog sa braso nito.
"Bakit ga naman?"iritadong tanong nito.
"Bakit wala pa rin sila Gail hanggang ngayon?"tanong ni Clarisse.
"Aba malay ko. Hayaan mo at darating din ang mga yon. Kalma ka lang dyan."sabi ni Misty na tinatapik pa ang likod ng kaibigan.
"Sunduin na kaya natin sila?"suhestiyon ni Clarisse.
"Tumigil ka nga riyan, darating din ang mga iyon. Mamaya lang ay nariyan na ang mga iyon."saway ni Misty.
"Paano kung hindi sila dumating?"pangungulit ni Clarisse.
"Ay naku Clarisse,"sa sobrang inis ay napakamot na sa ulo si Misty, "kapag hindi ka tumigil diyan sa kaOAyan mo, masasapak na kita. Nahahagard ang beauty ko sa mga pinagsasasabi mo eh."sabi nito at iniwan na ang kaibigan.
"Nag-aalala lang naman ako eh."maktol ni Clarisse.

"Sis!"tawag ni Gail kay Clarisse na nagmumuni muni.
"Gail!"tawag ni Clarisse sa kaibigan at nagtatakbo palapit dito. "Bakit ba ngayon lang kayong dalawa? Nag-alala na kami eh."tanong nito na talagang kita ang pag-aalala sa mata.
"Sis naman, hindi naman kami lumayo ah, nandun lang naman kami,"sagot ni Gail sabay turo sa pinaggalingan.
"Kanina p kaya kayo hinihintay ni Tita Fe."dagdag pa ni Clarisse.
"Nasaan na ba sila? Tara puntahan na natin at may sasabihin kami ni Zyrus."aya ni Gail.
"Sasabihin? Ano yon?"tanong ni Clarisse.
"Mamaya na lang, malalaman mo rin yon."nakangiting sagot ni Gail.
"Ala! Ngayon na, dali. Kinakabahan ako sa sasabihin mo eh."sabi ni Clarisse na nagpapadyak pa na parang bata.
"Haha! Wag kang kabahan. Okay lang tong sasabihin ko."sabi ni Gail.
"Teka pala, nasaan si Zyrus? Bakit ikaw lang mag-isa?"tanong ni Clarisse ng mapansing wala ang binata.
"Tinatawagan lang yung mga kaibigan niya."sagot ni Gail. "Tara na, kina Tita."aya nito at naglakad na.

"Hello, bro?"bungad ni Zyrus sa kausap sa telepono. "Pumunta kayo ngayon dito sa Aqua Resort. May announcement ako."sabi niya.
"Okay, bro. Copy that. Sabihan ko lang sina Zane at Clifford."sagot ni Albert.
"Okay, just text me kapag nakapasok na kayo."utos nito.
"Okay, we'll be there as soon as we can. May dapat ba kaming dalhin?"tanong nito.
"Bring your best swimming trunks. Magpapakasaya tayo tonight."sabi ni Zyrus.
"Okay. Magdadala din kami ng foods at drinks."sabi ni Albert.
"Okay. Much better. See you later. Bye."paalam ni Zyrus sa kausap at pinatay na ang telepono.
.
"Oh, anak!"bungad ni Fe ng makitang pumasok sa cottage si Gail kasama ang kaibigang si Clarisse. "Mabuti naman at nariyan ka na. Kanina pa nag-aalala yang kaibigan mo sayo."sabi nito sabay turo kay Clarisse.
"Halata ko nga po, Tita. Nagsasalitang mag-isa to kanina eh."natatawang sabi ni Gail.
"Sis naman, wag mo naman akong ibuking."nahihiyang sabi ni Clarisse.
"Ano pa ba namang hindi namin alam sa iyo, eh kahit nga amoy ng utot mo, alam na alam na namin eh. Kaya wag ka ng mahiya dyan."singit ni Misty.
"Grabe ka sakin, Bakla! Nakakainis ka."sabi ni Clarisse na inambaan pa si Misty.
"Aba't!"
"Oops, tama na yan."awat ni Fe sa magkakaibigan. "Mga anak, anong gusto niyo, kain muna o swimming muna?"tanong nito sa magkakaibigan.
"Swimming po muna, Tita. Para mawala ang init ng ulo ng dalawang yan."sagot ni Gail sabay turo sa dalawang kaibigan.
"Mabuti pa nga!"sabay na sagot ng dalawa.
"Haha! Ang mga batang ito talaga, kahit kelan parang mga bata. Baka magkatuluyan kayo niyan, sige kayo."tukso nito sa dalawa.
"Yuccccckkkkk!"sabi ni Misty, sabay nasusuka kunyari.
"Yuck ka din. Kahit maubos ang lalaki, hinding hindi kita papatulan, Misty! Nakakadiri!!!"sabi naman ni Clarisse na iiling iling pa.
"Che!!lalong hindi kita papatulan, sa ganda kong to, hindi na uy!!"sagot ni Misty sabay irap.
"Mas maganda ako sayo no!"sagot ni Clarisse.
"Tama na nga yan."saway ni Gail. "Mag-aaway na lang ba kayo o magsu-swimming tayo?"tanong niya.
"Eto na po, lalangoy na!"sagot ni Misty sabay hubad ng tshirt at nagtatakbo na papuntang dagat.
"Hoy, bakla! Hintayin mo ako!"sigaw ni Clarisse at ginaya ang ginawa ng kaibigan.
"Nakakatuwa talaga yang mga kaibigan mo. Hindi na nagbago, parang mga bata." naka-ngiting sabi ni Fe kay Gail.
"Mas gusto ko pong ganyan sila. Nakatanggal ng stress."naka-ngiting sagot ni Gail.
"Teka nga pala, nasaan pala si Zyrus? Akala ko magkasama kayo?"tanong ni Fe ng mapansing wala ang binata.
"Tatawagan lang daw po niya ang mga kaibigan niya. Mamaya po ay nandito na rin ang mga iyon."sagot ng dalaga.
"Ah, ganoon ba? Hindi ka pa ba sasabay sa mga kaibigan mo sa pagsu-swimming?"tanong nito.
"Nilalamig pa po ako eh. Mamaya na lang po."
"Sige, ikaw ang bahala. Dito na muna ako sa loob, sasamahan ko muna ang Tito."paalam ni Fe.
"Sige po, Tita. Hintayin ko muna po sina Zyrus dito sa tabi."sagot niya.

Friendship To Relationship? COMPLETED © TaraiShaiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon