"A-ano... wala akong ibang ibig sabihin dun. A-ano lang kasi... ano... ahm..." nauutal utal ko pang sabi.
Nakakahiya.
Nakakahiya.
"Aminin mo na kasi bhest! Nacu-cute-an ka sa pinsan ko! ayiee!" pang aasar niya pa.
Baliw ka talaga! Nang aano ka pa eh!
Hiyang hiya na nga ako dito!
Kung pwede nga lang tumakbo, magtago o magpalamon sa lupa ginawa ko na!
Kaso hindi! Mas lalong nakakahiya pag ginawa ko yun!
Argh! Nakakainis!
"Heh! Tumigil ka nga! Kasalanan mo to eh!" sisi ko sa kanya.
Siya naman kasi may kasalanan eh! Kung hindi niya inumpisahan edi sana...! Nahawa lang naman ako sa kanya eh!
"Bakit ako?! Wala naman akong ginagawa ah!" sagot ni bhest.
Anong wala?!
"Basta! Ikaw may kasalanan! Aalis na nga ako!" sabi ko.
"San ka pupunta?!" tanong ni bhest.
"Babalik na ako sa room!" padabog kong sagot.
"Wala pang bell!" pagkasi nun ni bhest parang automatic na nag nagbell.
Kring..... kring.....
"Oh ayan nag bell na!"
Nakakainis naman kasi eh. Wala naman talaga akong ibig sabihin dun. Ano lang yun... ano lang... nacute-tan lang talaga ako sa kanya. Nakakahiya. Anu ba yan! Bakit ko ba kasi nasabi yun! Baka kung anong isipin niya!
Nakalayo layo na ako sa cafeteria kasi nakikita ko na yung mga rooms ng may biglang tumawag sakin.
"Jane." di ko pinapansin.
"Jane." Baka si bhest lang yun. Hayaan mo siya.
"Jane!"
"Ahhh!" napasigaw ako kasi biglang may humablot sakin.
"S-sorry! Pasensiya na. Nagulat ba kita?"
"K-kent?!"
Nanlaki bigla yung mata ko nung makita ko kung sinong humablot sakin. Yung pinsan ni bhest! Teka sinundan niya ba ako? Anlayo ko na sa cafeteria ah!
"B-bakit? Ano yun?" tanong ko.
"Pagpasensiyahan mo na yung pinsan ko. Ganun lang talaga yun."
"Hindi. Okay lang. Sanay na rin naman ako sa kanya. Ano lang kasi..."
BINABASA MO ANG
Promises
RandomAkala ko okay na... Akala ko magagawa niya... Pero hanggang pangako lang pala.