Knock knock knock knock
Sunod sunod na katok ang narinig ko sa pinto ng kwarto. Tinignan ko yung orasan kung anong oras na. Eleven a.m. tanghali na pala, wala naman kaming pasok ngayon okay lang tanghaliin, si mama talaga.
Knock knock knock knock
"Andyan na!" sigaw ko.
Agad akong bumangon para buksan yung pinto, inaantok pa ako eh. Binuksan ko ang pinto at nagulat ako sa niluwa nito. Isang matabang, madaldal na halimaw.
"Anong oras na?! Bakit tulog ka pa?!" bungad niya sakin.
"Ano ba?! Ang aga aga nambubulabog ka! Wala namang pasok ngayon! Sarap sarap matulog eh!" sabi ko sakanya at iniwan siya sa tapat ng pinto at sabay balik sa higaan ko para humiga ulit.
"May nakakalimutan ka ata!" sabi niya pagkapasok niya ng kwarto habang nakapamewang pa.
"Ha?" napabalikwas ako sa sinabi niya, ano ng meron?
"Diba! Diba! Diba!" paulit ulit niyang sabi habang nakapamewang parin.
"Ano?! Ang gulo mo?!" sagot ko sa kanya kasi hindi ko talaga siya maintindihan.
"Ah basta! Maligo ka na! Magbihis ka ng maganda! Magpabango ka din! Mag make up! Basta dapat maganda ka!" utos niya sakin habang hinihila niya ako patayo ng higaan.
"Te-teka! Ano bang meron! Uy!" sigaw ko sakanya habang tinutulak niya ako papasok ng cr.
Ano bang meron? May nakakalimutan ba talaga ako? Birthday ko ba ngayon? Imposible naman matagal pa yun eh. May aatenan ba kaming kasal? Meron ba? Wala naman akong kilalang ikakasal eh. Party? Imposible ang aga aga party.
Matapos akong maligo lumabas na ako ng c.r. naka towel lang ako hindi kasi ako nakakuha ng damit kanina dahil sa pinagtulakan m ako ni bhest pumasok ng c.r.
"Ta-dah!" bungad ni bhest sakin pagkalabas ko. May hawak siyang dress, pink dress, yung dress ko na nakatago pa sa baul. Wala kasi akong paggagamitan kaya ayun tagong tago.
"San mo nakuha yan?!"
"Hay naku! Di mo sinasabi na may ganito ka palang damit ah! Buti nalang meron ka! Akala ko mahihirapan akong pagandahin ka!"
"Wow! Ha! Wow! Ang ganda mo super!" sarcastic kong sabi.
"Thank you! O siya suotin mo na!" sabi niya sabay abot sakin.
"Teka! Ano ba talagang meron!"
"Mamaya na ang mga tanong! Magbihis ka na muna! Dali!!" at pinagtulakan na naman niya ako sa loob ng c.r.
Agad ko ring sinuot yun, simple lang naman siya, sa totoo lang nung una ko tong makita gandang ganda ako promise kaya agad kong binili. Pero ever since nung binili ko to di ko pa to nasusuot. Ano kayang itsura ko? Pagkatapos ko magbihis lumabas na ako.
"Oh my! Ang ganda mo bhest!" bungad niya pagkalabas ko ng c.r.
"Wow! OA lang ah! Ngayon ko nga lang nasuot to eh!" sagot ko sa kanya.
"No joke! Promise bagay talaga siya sayo! Naku lalong maiinlove sayo si Kent pag nakita ka niya!" bigla naman nanlaki yung mata ko nung marinig ko yung sinabi niya.
"Pinagsasasabi mo! Pano naman siya napasok sa usapan!" irita kong tanong habang inaayos yung suot kong damit ang ikli kasi.
"Syempre! Party niya po ang pupuntahan natin!" napatigil ako sa ginagawa ko ng marinig ko yun.
BINABASA MO ANG
Promises
RandomAkala ko okay na... Akala ko magagawa niya... Pero hanggang pangako lang pala.