Chapter 7

5 1 0
                                    

"Ano na naman ba--! J-jane?!"

Gulat na sabi ni Kent ng bumukas ang pinto at makita ako. Kahit ako nagulat din! Bigla ba naman buksan ni bhest yung pinto ng walang pasabi!

"Like my surprise Kent?!" sabi ni bhest sa pinsan niya.

Hindi parin nakakabawi ng gulat si Kent dahil nakatulala parin siya akin. Na-conscious naman ako bigla dahil sa pagtitig niya.

"Hello?! Kent? Are you there! Gising! Huy!" sabi ni bhest ng lumapit na siya rito at nagwave pa ng kamay sa muka ni Kent.

Biglang napapikit naman si Kent sa ginawa nung pinsan niya mukang nakabawi na siya.

"Ano?! Nga-nga ka na lang ba dyan?! Hindi mo ba siya kakausapin?!" sabi ni bhest kay Kent pero kahit na nawala na yung gulat niya kita parin ang sa muka niya ang pagtataka. Iniisip siguro nito kung bakit ako andito at nasa loob pa ng C.R. nila.

"Hello?" ako na ang unang nagsalita kahit nakakailang, nakakahiya naman kasi noh. Di pa rin siya nagsasalita.

"Anong ginagawa mo dito? Hindi! Ano! Ibig kong sabihin-! bakit andito ka na? Mamaya pa yung..." taka niyang tanong.

Pasensiya ka na Kent hindi ko masasagot yan! Hindi ko rin alam kung bakit eh.

"Bakit?! Ayaw mo! Sus! Wag ka na magkaila! Rinig na rinig namin yung sagot mong oo noh! Hahaha! Diba Jane!" sabi ni bhest habang ako naman nahiya bigla. Nu ba yan!

"Narinig mo?" tanong sakin ni Kent.

"O-oo." pag aalinlanga ko pang sagot. Nakakahiya.

"Tss." sabi niya sabay alis.

"Hoy! San ka pupunta! Hoy!" sigaw ni bhest.

Sinundan ko na lang ng tingin si Kent hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

"Tignan mo yung lalaking yun! Sabi niya gusto ka na daw makita! Ngayong nasa harapan ka na niya biglang nag walk out! Kaya ayaw ko sa mga lalaki eh! Ang gulo!" sabi ni bhest sakin habang hila hila ako paupo ng sofa.

Sino ba namang di magwa-walk out sa nangyayari. Pati nga ako parang gusto ko narin mag walk out. Nakakahiya kaya. Tapos yung sinabi niya pa kanina. Nakakainis. Feeling ko namumula ako.

"Hoy! Tahimik mo?!" tanong ni bhest sakin.

"Wala! Kelan ba maguumpisa party? Anong oras na oh! Mag 5 pm na!" sabi ko sabay turo sa wristwatch ko.

"Easy ka lang jan! Tulungan mo muna kaya akong mag ayos! Dali tayo na jan!" sabi ni bhest pagkalapit niya sa mga supot na puti.

Agad din naman akong lumapit at nakita kong mga decoration pala yun. Teka? Kami maglalagay? Sa suot kong to? Sa itsura kong to?

"Teka! Teka! Bhest! Anu to?" tanong ko kay bhest.

"Duh! Syempre! Decoration! Jane naman! Tama ng mga tanong! Tulungan mo nalang kaya ako!" sabi ni bhest sabay abot sakin nung isang decoration na sinasabit sa dingding.

Kinuha ko nalang din yung inabot niya sakin. Ano pa bang magagawa ko. Mukang wala naman akong choice dahil andito narin naman ako. Haist. Si bhest talaga. Kainis talaga yung babaeng yun.

Sinabit sabit ko na yung mga decoration na binigay sakin ni bhest. Pinaglalagay ko na lang dun kung saan may makita akong pako. Bahala siya.

Matapos namin maisabit lahat ng decorations umabot din kami ng 30 minutes kakakabit nung mga decorations. Sumakit tuloy likod ko kakaabot dun sa mga pako. Haist!

PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon