Chapter 4

7 1 0
                                    

"Halika ka na sakay na tayo." sabi ni bhest pagkahinto nung jeep sa tapat namin.

"Ah-eh! Te-teka! Bhest! Wa-wait!" pautal utal ko pang sabi habang hinihila niya ako paakyat.

Teka! Huhuhu!

"Bilisan mo kumilos! Ano ba! Maiiwan tayo nung jeep!" sabi ni bhest habang paakyat na kami sa jeep.

Huhuhu! Wala na talaga akong takas nito! Naman eh! Agad umupo si bhest pagkaakyat niya. Tatabi sana ako sa kaya kaso wala napala space. Nakita ko namang may tinuturo siya kaya tumingin ako.

Nanlaki bigla yung mata ko nung makita ko kung anong tinuturo niya. Si Kent at sa tabi niya may bakanteng upuan. Sabay balik naman ng tingin ko kay bhest at this time may nakakaloko na siyang ngiti.

Naman! Wala na bang ibang upuan?! Nagtingin tingin ako. Wala na nga! Tss. No choice. Malas. Malas. Malas. Agad akong napaupo sa tabi ni Kent kasi biglang umandar yung jeep.

"Sorry! Sorry!" sabi ko kay Kent kasi pagkaupo ko nasiko ko pala siya.

"Hindi! Okay lang. Ikaw okay kalang?" tanong niya sakin.

"Ah oo! Okay lang ako." sagot ko.

Out of reflexes napatingin ako kay bhest. At tama nga ang kutob ko. Nandiyan parin yung nakakaloko niyang ngiti at mas lumawak pa!

Naku! Naku! Kung wala lang kami dito sa jeep nasigawan ko na to si bhest! Kasi naman eh! Di na siya tumigil sa kakangiti niyang yan!

Buong biyahe tahimik lang kaming tatlo pero kita ko at feel na feel ko na pinagmamasdan kami ni bhest!

Lalo na pag nahinto yung jeep! Kasi ba naman, every hihinto yung jeep napapadikit ako kay Kent.

Hindi siya big deal pero kasi naman eh! Nakaka conscious yung reaction ni bhest! Bigla bigla nalang siya natawa mag isa, pero yung mahinang tawa lang naman. Pero kahit mahina lang may napapatingin parin sa kanya. Parang ako tuloy yung nahihiya para sa kanya.

"Aaahhh!!!" sabay sabay na sigaw ng mga pasahero ng jeep. Bigla kasi huminto si kuya, kaya napasigaw halos lahat sa gulat.

Dahil din sa paghinto ni kuya napasubsob tuloy ako, hindi kasi ako nakahawak. At UNFORTUNATELY, dahil si Kent nga ang katabi ko, sa kanya ako napasubsob.

AT huwag niyo na po alamin kung san specifically ako napasubsob. Di ko kaya sabihin!

AARRGGHH!!!

Ooppss! Teka walang green ah! Wholesome to!

"Kuya! Ano ba dahan dahan lang sa paghinto!" sigaw nung isang pasahero.

"Pasensiya na ho! May bigla po kasing tumawid. Iniiwasan ko lang po!" sagot ni kuya.

At sunod sunod na yung mga nagreklamo pa kay kuya.

"O-okay ka lang?" biglang tanong ni Kent sakin.

"A-ah! O-oo! Okay lang ako. I-ikaw? Sensiya ha!" sabi ko.

"Okay lang din ako. Medyo nagulat lang ako." sagot niya.

"Haha. O-oo nga eh! Nakakagulat yung biglang paghinto ni kuya." sabi ko.

"Hindi yun." mahina niyang sabi pero rinig ko.

"Ha? Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

Hindi siya agad sumagot, nakatingin lang siya sa labas.

O-kay? Hindi niya sinagot yung tanong ko.

Tumingin nalang ako kay bhest na busy magreklamo at nakikisabay dun sa ibang pasahero magsalita.

PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon