Andito na kami sa cosmetics store, nagiikot ikot, naghahanap ng essential oil na yun.
Sa totoo lang kanina pa ako nagpipigil ng tawa. Kasi naman.....hahaha!
Flashback
"Ay! Ma'am! Sir! Wanna try po yung newest liquid foundation namin!"
Dire-diretso lang si Kent, hindi niya pinapansin yung mga saleslady, ako naman sumusunod lang sa kanya.
"Ma'am! New arrival po ang matte lipstick namin! Wanna try po!" sabi nung saleslady sabay harang sakin. Ano to teh ambush?!
"Ah! No! No sorry!"
"Sige na po ma'am! Bagay na bagay po sa inyo to! Ito po ma'am! Itry niyo!"
"Hindi! Huwag na! Sorry kelangan ko nang sundan yung kasama ko. Next time na lang miss!"
"Sige na po ma'am! Libre lang naman po ito! Ita try lang naman po natin sige na po ma'am!" pagpupumilit nung saleslady. Gusto ata nito away eh! Sabi ng ayaw!
"Jane! Ano bang ginagawa mo jan? Bigla kang nawala! Kanina pa kita hinahanap!"
Kent! Help meh!!!
"Ma'am! Sige na po! Try lang! Isa lang po! Sige na po ma'am!"
"Hindi na nga miss! Andyan na yung kasama ko! Pasensiya ka na!" sabi ko dun sa saleslady, pinipilit niya kasi talaga eh. Hawak na nga niya yung lipstick dinuduro na sakin! Sapilitan talaga!
"Isa lang ma'am!"
"Jane! Ano bang ginagawa mo dyan!" sigaw niya habang palapit ng palapit samin.
"Kent! Ano kasi--! Oww!"
Sabay kaming napahinto nung saleslady dahil nangyari. Napatulala kaming dalawa kay Kent.
"Sorry sir! Sorry po! Di ko po sinasadya! Sorry po! Sorry sir!" sabi nung saleslady nung nakabawi na siya sa pagkagulat.
End of Flashback
Napatakip na lang ako ng bibig kanina hahah! Hindi ko kasi mapigilan tumawa haha!
Kasi hahahaha! Yung hawak na lipstick nung saleslady napahid niya sa muka ni Kent hahahah!
Nung papalapit na kasi si Kent sakin bigla ba namang idiin nung babae yung lipstick sakin pero syempre dahil sa reflexes agad kong tinabig yung salelady at yun nga si Kent ang nalagyan niya ng lipstick sa pisngi.
Sorry nang sorry yung saleslady. Sinubukan nung saleslady na punasan na lang yung lipstick gamit yung hawak na tissue pero agad na hinablot ni Kent yung tissue tsaka madiin na pinunasan yung lipstick.
At infairness, isang pahid lang tanggal na, halatang gigil at inis na inis si Kent. Nagsorry na lang nang nagsorry yung saleslady. Hanggang sa umalis nalang kami sa section na yun. Buti na lang at hindi nagsumbong si Kent, naaawa din naman ako dun sa saleslady noh. Baka matanggal pa siya.
"Hindi ka ba titigil sa pagtawa?"
"H-ha? Hindi ako tumatawa ah! Di ako yun! "
"Nakita ko na yung essential oil. Kaw na lang mamili para kay tita."
"Ha? Di ako marunong mamili! Kaw na lang!"
"Mas lalong di ako marunong! Basta mamili ka nalang ng kung anong magustuhan mong amoy. Okay na yun!"
"Sure ka? Baka magalit naman si tita. Di ko alam mga hilig ni tita!"
"Oh! Ito itry mo. Vanilla."
![](https://img.wattpad.com/cover/34748582-288-k782023.jpg)
BINABASA MO ANG
Promises
RandomAkala ko okay na... Akala ko magagawa niya... Pero hanggang pangako lang pala.