Chapter 8

12 1 0
                                    

"A-anong ginagawa niyo dito?" sabi ko pagkakitang pagkakita ko sa kanila.

Bakit sila andito? Anong ginagawa nila dito?

"Haha! Ang liit nga naman ng mundo! Anong ginagawa mo dito Jane?!"

"Dela cruz sinusundan mo ba kami?"

"Nga naman! Miss Jane Demeter Dela Cruz! Hahaha!"

Bungad nilang tatlo pagkakita rin nila sakin! Bryan, Vince at Josh. Classmate namin sila ni Maan.

Pero bakit sila andito?

"H-hindi ah! Mas nauna kaya ako sa inyo dito!" sagot ko.

"Pareng Kent di mo naman sinabing may chicks ka palang imbitado!" sabi ni Josh pagkalapit niya kay Kent.

"Loko! Kaibigan yan ng insan ko!" sagot naman ni Kent.

Kaibigan ng insan ko.

So di niya ako tinuturing na kaibigan? Teka nga ang OA ko ata.

"Hahaha! Binibiro ka lang namin eh! Seryoso ka masyado!" sagot naman ni Josh.

"Hoy Kent! Bakit ang ingay niyo--?! Bakit kayo andito?!" sigaw ni bhest mula sa kusina.

"Awtsu! Baby Maan ayaw mo ba kaming makita!" sabi ni Bryan.

"Ewan ko sayo Bry! Layuan mo nga ako! Baka gusto mo itapon ko sa muka mo tong pansit na dala ko!" sagot naman ni bhest.

"Basta ikaw! Tatanggapin ko lahat!" seryosong sabi ni Bryan.

Hahaha. Yan na naman siya. Ayaw niya talagang tumigil. Balitang balita kasi sa school na may crush yang si Bryan kay bhest. Eh alam naman niyang man hater si bhest. Kaya ewan ko sa kanya kung bakit pinipilit niya parin sarili niya kay bhest.

"Heh! Kadiri ka lumayo ka sakin!" sigaw ni bhest.

"Hahah! Pre wawa ka naman! Basted ka na naman!" pang aasar naman ni Vince.

"Tigilan mo ko Vince ah! Baka di kita matantsa!" sagot ni Bryan.

"Haha! Easy lang kayong dalawa! Walang magaaway!" awat naman ni Josh.

Sa kanilang tatlo. Pansin ko talaga si Josh lang ang may pagkamatino... minsan?

"Hoy! Kent bakit andito tong tatlong baliw na to?!" tanong ni bhest.

"Inimbitahan sila ni tita." sagot ni Kent.

"Ano?! Seryoso! MA!" sigaw naman ni bhest sabay tawag kay tita.

"MA!!" sigaw niya ulit.

"Ano ba Maan! Bakit ba?!" sigaw pabalik ni tita mula sa taas pero mukang pababa narin ata.

"Ma! Totoo ba?! Totoo ba?!" tanong ulit ni bhest.

"Ang alin?!" sagot ni tita pabalik ng makababa na siya.

"Inimbitahan mo sila?!" tanong ni bhest.

"Oo bakit?" sagot ni tita.

Pagkasagot ni tita. Laptrip muka ni bhest. Haha. Gulat na gulat.

Yung tatlo naman nagpipigil ng tawa. Di sila makatawa andito si tita eh.

"Bakit ba ang ingay ingay niyo dito sa baba?" si tito Ben.

"Ah! Tito good evening po!"

"Oh! Bryan, Vince, Josh buti nakarating kayo. Mga binata na talaga kayo."

PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon