"Nilibre mo siya?!" nakakagulat na sabi ni bhest.
Nagtaka naman ako syempre. Bakit ang OA bigla ni bhest. Para namang first time manlibre ni Kent.
"O-oo." paalinlangan pang sagot ni Kent.
O-kay? Don't tell me.....
"Di nga?! Di nga?!" pangungulit pa ni bhest.
Imbis na sumagot si Kent, umiwas lang siya ng tingin.
"OMG! Kent! Binata ka na!"
Ha? Bigla kong sabi sarili ko. San naman nakuha ni bhest yun?
"Shh. Tumahimik ka nga!" naiinis na sabi ni Kent.
"Ayiee! Binata na si Kent! Ayiee! Ayiee! Hahaha!" patuloy lang sa pangaasar si bhest.
At ako wala parin akong naiintindihan sa nangyayari.
"Huwag mo siyang pansinin. Sige kain ka na." sabi sakin ni Kent kaya kinuha ko na yung chips na binili ko. Ay teka hindi pala, binili niya pala.
"Ooppss! Teka bago mo kainin yan! May ikukwento muna ako! Ito ay kwento ng isang lalaking nagbibinata na." sabi niya na may nakakalokong ngiti at nakatingin pa kay Kent.
Obvious naman kung sinong tinutukoy niya kaya napatingin na lang din ako kay Kent. At kitang kita sa muka niya ang inis at..... hiya?
Well. Sino bang hindi mahihiya sa pinaggagagawa sa kanya ng pinsan niya.
"Ganito yan. Once a upon a time there was a BOY who never treat anyone before..." paguumpisa ni bhest na kala mo nagkukwento ng fairytale story at inemphasize niya pa talaga ang word na boy. Hahaha.
"Everyone doesn't know why he never treat people. Even his own family and of course his beautiful beloved pinsan doesn't know why, either...." putol ni bhest sa sinasabi niya.
Nagtaka naman ako syempre. Bakit hindi siya nanlilibre? Anong meron?
"UNTIL he met this girl..." this time sakin naman nakatingin si bhest.
Hindi ko alam kung bakit pero bigla ata akong kinabahan. Siguro dahil alam kong ako yung tinutukoy niya.
"He broke his own record of not treating anyone. First in the history na may nilibre siya! At ikaw yun bhest! Congratulation Jane! Sana maging masaya kayo!" sabi niya habang nakahawak sa mga kamay namin ni Kent.
Sa totoo lang hindi ko alam ag irereact ko. Ano ba dapat kong maramdaman? Matuwa? Mahiya? O Mainis? Ang gulo!
"Hindi ka ba masaya?!" tanong ni bhest sakin.
"Ha?" taka kong tanong.
"I congratulated you. You should be happy." sabi niya.
"Ahehehe!" pilit kong tawa.
Should I really be happy? Wala nga akong naiintidihan eh. Maliban lang sa fact na ako ang unang nilibre ni Kent in his whole life? Siguro nga dapat ko ikasaya yun. Pero para i-congtatulate? Bakit?
"Bhest alam mo panira ka!" bigla niyang sabi sakin.
Syempre naguluhan at nagulat naman ako sa sinabi niya. Paano naman ako naging panira?
"Dapat masaya ka! Dapat nagtatatalon ka sa tuwa! Dapat kinikilig ka na! Dapat namumula ka!"
"Ano?!" sagot ko kasi nagulat ako sa mga pinagsasasabi niya. San naman nakuha yun ni bhest.
"Ako na ngang gumagawa ng paraan para sa inyo ayaw niyo pa!" sabi niya na kala mo batang nagmamaktol.
Nung una di ko na gets pero unti unti narealize ko kung anong ibig niyang sabihin.
BINABASA MO ANG
Promises
RandomAkala ko okay na... Akala ko magagawa niya... Pero hanggang pangako lang pala.