"Salamat sa paghatid. Di ka ba papasok? " tanong ko kay Kent nang nasa tapat na kami ng gate namin.
"Hindi. Madilim na ihahatid ko na to kila tita. " sagot niya sabay pag angat kaunti ng dala niyang supot.
"Anak ikaw na ba yan? Oh may kasama ka pala. Bakit di kayo pumapasok?" sabi ni mama pagkabukas niya ng pinto at pagkakita niya sa amin.
"Di na daw ma. Alis na rin daw siya eh. Si Kent nga pala ma yung pinsan ni Maan. " pakilala ko kay mama.
"Ah! Oo naalala ko tong batang to. Yung iyak ng iyak dahil pinagbakasyon siya nang mama niya dito. " kwento ni mama habang may inaalala.
"Ma! Shh. Tignan mo oh! Nahiya tuloy! " pigil ko kay mama dahil napapansin kong medyo nahihiya na si Kent.
"Hindi ka ba talaga papasok iho! Nang makapagpahinga ka man lang saglit. Sigurado ako napagod kayo kakaikot sa mall sa paghahanap nung inutos ni kumare. " pagpupumilit ni mama.
"Pano mo nalaman ma? " gulat kong tanong.
"Tinawagan ako kanina nang tita mo. Inutusan niya raw kayo kaya ayun gagabihin nga daw kayo nang uwi. Yung tita mo talaga. O siya di ka ba talaga papasok iho? " pagpapaliwanag ni mama.
"Hindi na po. Didiretso na po ako nang uwi. " sagot ni Kent.
"Ganun ba o sige mag ingat ka nalang. Madilim na. Maraming walang magawang tambay ngayon. O siya sige. Ingat na lang. Ikamusta mo na lang ako kay kumare ha! " pasabi ni mama.
"Sige po. Mauna na po ako. " sagot ni Kent at medyo yumuko ng unti.
"Bye Kent! " paalam ko habang kumakaway at nakangiti.
"Bye. " sagot niya.
At tuluyan na ngang umalis si Kent. Hindi ko na hinintay si Kent makalayo dahil nakaabang na si mama sa pinto.
"Kamusta anak? " tanong ni mama habang papasok kami sa bahay.
"Okay lang ma. Kapagod. Sakit sa paa. " sagot ko.
"Sige akyat ka muna magbihis ka ambaho mo. " pangaasar sakin ni mama habang may paunting tawa.
"Grabe ka ma! Hindi ah! Sila ate nga pala? " sabi ko.
"Nasa sala kumakain kaya bilisan mo na kumilos at ng makakain ka na rin. " sagot ni mama.
"Ano ulam? " tanong ko.
"Menudo. " sagot ni mama habang papunta na nang kusina.
"Ayus! Sarap! " sagot ko bago pa tuluyang umakyat sa hagdan namin.
"Sige na magbihis ka na! " pasigaw na utos ni mama mula sa kusina.
"Opo! " sagot ko habang paakyat na nang hagdan.
Sa kwarto, agad akong nagbihis para makababa at makakain na nang biglang tumunog cellphone ko.
Calling Maan....
Ano kayang kelangan nitong babaeng to!
"Hello! " sagot ko.
(Kamusta ang date?) bungad ni Maan.
"Anong date pinasasasabi mo! " sagot ko.
(Asus! Deny ka pa bhest! Sure ako kilig to the bones ka na naman!) sabi niya.
"Grabe ka! To the bones talaga! Di ba pwedeng naihi muna! " sabi ko.
(I knew it bhest! Hahaha! Crush mo talaga ang pinsan ko!) sabi niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/34748582-288-k782023.jpg)
BINABASA MO ANG
Promises
RandomAkala ko okay na... Akala ko magagawa niya... Pero hanggang pangako lang pala.