S-siya ang nag abot?
Akala ko si bhest. Nakakahiya.
Hinablot ko kasi agad yung baso nung mahawakan ko.
Kaya medyo may natapong tubig.
Hinayaan ko lang kasi akala ko naman si bhest kaso hindi pala.
Nakakahiya anu ba yan.
"I-ikaw pala nag abot. Thank you ha. Pasensiya din natapunan kita ng kunti nung kinuha ko yung tubig. Pasensiya na."
"Okay lang yun." sabi niya sabay ngiti.
Hindi ko alam kung bakit pero feeling ko namumula ako. Dahil ba to sa hiya o kinikilig ako? Teka nga erase erase!
"Kumain na tayo baka mag time na hindi pa tayo nakakain." sabi ni bhest.
Nagsimula na kaming kumain.
Kumagat ako dun sa heavenly sandwich at di ako nabigo!
Sobrang sarap parin! huhuhu! Maiiyak ata ako sa sarap!
Kumagat pa ako uli.
Waaaah! Ang sarap talaga!
Kumagat pa ako ng kumagat. Hanggang mapuno ang bibig ko.
"Bhest yung totoo. Ilang araw kang di kumain?"
"Asddfghjklllassd!"
"Lunukin mo nga muna yan! Di ka namin maintindihan! Ang baboy mo!"
Aray naman! Baboy agad!
Nginuya ko muna lahat ng nasa bibig ko at nilunok.
"Grabe ka! Ansakit mo magsalita!"
"Grabe ka naman kasi kumain! Papatayin mo ata sarili mo sa suffocation. Pinupuno mo ng pagkain yung bibig mo! Sunod sunod ka kung kumagat!"
"Eh bakit ba! Alam mo namang paborito ko to! Tapos ilang araw tayong di nakakain nito kasi laging nauubos agad! Kaya di mo ako masisisi noh! Kumain ka nalang kasi jan!"
"Ewan ko sayo! Mahiya ka sa pinaggagawa mo! Okay lang kung tayong dalawa nakain eh! Kaso may kasama tayo! Baka nakakalimutan mo." sabay tingin niya ulit sa pinsan niya.
Nahiya naman ako bigla.
"S-sorry."
"Okay lang. Ang cute nga eh." sagot nung pinsan niya.
BINABASA MO ANG
Promises
RandomAkala ko okay na... Akala ko magagawa niya... Pero hanggang pangako lang pala.