Chapter 12 - New Friend

102 5 0
                                    

Papunta ngayon sina Maine at ang lalaking nakasalamin kasama si Manong guard sa Guidance office ng school nila.

"Miss, thank you kanina at pasensya ka na kung nadamay ka." nilingon ni Maine ang lalaking nakasalamin ng magpasalamat ito sa kanya.

"Uhm. Wala yun at ako dapat ang hihingi ng pasensya kung nakigulo ako."

"Thank you pa rin, by the way I'm James." inilahad ng lalaking nakasalamin ang kamay nito kay Maine. Inabot naman yun ni Maine at ngumiti.

"Maine."

"Nice meeting you Maine, thank you for saving my life." Nagulat naman si Maine sa sinabi ni James pero ngumiti din siya kaagad.

"Save your life agad, wala nga akong nagawa kanina eh."

"Meron kaya. Tinakot mo sila, remember?"

Napatawa naman silang dalawa habang papalapit ng guidance office.

-------------------

Habang kinakausap ni Mrs. Guanio ang guard tungkol sa nangyaring kaguluhan ay umupo sina Maine at James sa upuan malapit sa pinto para maghintay.

Nang matapos nang tanungin ng guidance counselor ang guard ay tinawag naman nito silang dalawa.

"Mr. James Reid? Ikaw ba yung lalaking binugbog sabi ng guard?" gulat na tanong guidance counselor kay James na siyang ipinagtaka ni Maine.

Tumango naman si James bago umupo kasama si Maine sa dalawang upuang nasa harap ng mesa ni Mrs. Guanio.

"This is so disappointing and i am really sorry for what happened."

Nagtaka naman si Maine kung bakit parang ang lapit ng loob ng guidance counselor nila kay James eh ngayon niya nga lang ito nakita.

"Anyway, i will call your Dad for this to apologize. Do you remember the faces of those students na nang-away sayo?"

"Yes mam, pero hindi ko po sila kilala."

Ngayon naman any nilingon ni Mrs. Guanio si Maine na halatang nagtataka sa mga nangyayari.

"Ikaw Iha, do you remember the faces of those bad guys?"

"Medyo po."

"Oh. So i think we need to talk again later para maidentify ang mukha ng dalawang lalaking nambugbog kay Mr. James Reid."

"And actually Mam, Maine save me." Biglang sabi ni James na siyang ikinagulat ni Mrs. Guanio.

"Really? You must be lucky, miss? Napakaswerte nang nasave mo."

Tumawa naman si James sa sinabi ni Mrs. Guanio na siyang ipinagtaka ni Maine.

"I think you don't know who is James yet so i will introduce him to you. Mr. James Reid is the son of Mr. Federico Reid, the owner of the school."

Nagulat naman si Maine sa narinig niya at napatingin kay James na parang di makapaniwala. Napangiti naman si James sa reaction niya.

"Don't worry, i am normal."

--------------------------

Lutang pa rin si Maine habang papasok ng English class nila. Diretso siyang umupo sa tabi ni Pauleen at hindi ito kinibo.

"Hoy!"

"Ay, butiki!"

"Maine? Kanina bad trip ka ngayon lutang naman. Yung totoo?"

"Bakit ba?"

"Ano ang problema mo, Maria Leo-..."

Naputol ang sinabi ni Pauleen ng tumingin ito sa harapan na ipinagtaka naman ni Maine.

Aldub You,  Forever! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon