Chapter 21 - Lolas' Girl

101 5 1
                                    

Umuwi si Maine na nakasimangot pero pinilit niyang ngumiti ng madatnan ang tatlo niyang Lola sa sala na naglalaro ng chess.

"Talo ka na Ate Tinidora, ang daya mo talaga. Kinain na ng kabayo ko ang reyna mo."

"Namamalik-mata ka lang Tidora. Nasa ibang direksiyon ang kabayo mo. Ikaw talaga mangagawa ng kwento o naduduling ka lang?"

Nagkasagutan sina Lola Tidora at Lola Tinidora habang naglalaro ng chess habang si Lola Nidora naman ay nanonood lang sa kanilang dalawa.

"Ang iingay niyong dalawa, kung magsagutan kayo kala mo may debate. Ikaw naman Tinidora, sadyang madaya ka lang talaga." sabay batok ng mahina kay Lola Tinidora na ngayon ay pakamot-kamot ng ulo.

"Oo na. Ako na. Ako nalang palagi ang madaya. Ako palagi ang masama. Ako palagi ang nananalo sa chess na nandadaya. Ako na. Ako. Ako. Ako...." mangiyak-ngiyak na sabi ni Lola Tinidora kaya napatawa naman si Tidora sa mukha nito. Maya-maya pa ay lumapit na si Maine sa kanila at nagmano.

"Magandang hapon po mga Lola."

"Oh Yaya, andito ka na pala. Mukhang pagod ka yata."

"Ah. Ano Lola Tids, wala po to. Exam na po kasi next week kaya nagpupuyat ako."

"Oy hija. Wag kang masyadong magpuyat at baka maging kamukha mo na ako sa sobrang istris ha." singit naman nj Lola Tinidora sa usapan. Si Lola Nidora naman ay nakatingin lang kay Maine dahil may napapansin ito sa ginagalaw niya.

"Totoo bang pagod ka lang hija?" tanong nito kay Maine.

"O-opo Lola. Bukas wala na po to. Pahinga lang po. Mauna na po ako sa kwarto." sabay talikod ni Maine sa tatlong matatanda at umakyat na sa kwarto nito.

***************

"Yaya? Tapatin mo nga kami. Alam kong nagsisinungaling ka." tanong ni Lola Nidora ng umakyat silang tatlo sa kwarto ni Maine at nakita nilang nasa may bintana ito at nagpapahangin mag-isa.

"Oo nga Yaya, nararamdaman naming may dinaramdam ka." dugtong naman ni Lola Tidora na tumabi kay Maine habang nakatayo sa may bintana.

"Uhm. Mga Lola... ano po kasi.." hindi maipagpatuloy ni Maine ang sasabihin niya dahil sa bigat ng dinaramdam nito.

"Kaya mo yan Hija. Magtiwala ka sa amin. Wag mong sarilinin ang problema mo." sabi naman ni Lola Tinidora habang hinahagod ang likod ni Maine. Hindi nagtagal ay di napigilan ni Maine ang mapaiyak at niyakap si Lola Nidora sabay niyakap din siya ng tatlong matanda.

"Mga Lola sorry po. Lola Nidora, sorry po talaga. Sana po pinakinggan ko po kayo. Sana po hindi ko po to nararamdaman ngayon. Kasi dapat po pinakinggan ko po kayo."

"Ssssh. Tama na yan, hija. Wag mong dibdibin ang mga pangyayari. Ang mabuti pa ay ikuwento mo sa amin."

Nang gumaan na ang pakiramdam ni Maine ay umupo silang apat sa kama nito at nagsimula na siyang magkwento.

"May hinahangaan po kasi ako sa school. Matagal na po pero hindi ko po yun binanggit sa inyo kasi natatakot po akong magalit kayo. Simula noong first year high school po siya na po yung lalaking palagi kong tinitigan pag dumadaan po sa room namin. Basketball player at tsaka dancer. Hindi niya po ako napapansin dati pero nitong mga nakaraag araw nagpahiwatig po siya simula noong kinausap niya po ako at nung nanood po kami ng laro nila. Ang saya ko po kasi pinapansin na po ako ng natatangi at nag-iisa kong crush at nagkaroon po ako agad ng akala na baka may paghanga din po siya sa akin ng minsang niyaya niya po akong kumain. Pero noong kumain po kami nun, pakiramdam ko po pinaglalaruan niya lang po ang damdamin ko kasi may kasama po siyang ibang babae nang kumakain kami. Feeling ko po ang liit-liit ko, ang kawawa ko po." sabay hangos ni Maine sa towel na hawak niya. "Pero hindi po ako bumigay. Hindi po ako nagalit sa kanya. Kasi nga po, naniniwala po ako sa tunay na pag-ibig na nagsisimula sa mga pagsubok kahit crush ko palang naman po siya. Kinausap niya po ako ulit at umasa po ako na sa pagkakataong yun baka hindi na ulit mangyayari yung nangyari nakaraang araw. Pero mas matindi pa po pala kasi pinamukha niya po sakin na ibang babae po ang gusto niya kasi iba po yung binigyan niya ng bulaklak kahit na ako po yung niyaya niyang kumanta ng paborito niyang kanta. Umasa po kasi ako na baka ganon din yung nararamdaman niya pero mali po pala ako. Napahiya po ako at higit sa lahat nasaktan po ako. Ang corny ko po pero totoo pong nasasaktan po ako mga lola." sabay yakap ulit ni Maine sa tatlo nitong lola habang humahagulgol sa iyak.

"Apo, walang masama sa humahanga sa isang tao. Kailanman ay hindi mali iyon kaya lang wag kang masyadong umasa na sa hinahangaan mong tao ay ganoon din ang nararamdaman niya sa iyo." Pasimula ni Lola Tinidora na sabi kay Maine habang umiiyak ito sa kanila.

"Tama Yaya, at tsaka kung nasaktan ka man ay dahil pinahalagahan mo ang paghangang iyon sa kanya ngunit hindi lang pareho ang nararamdaman niyo sa isa't isa. Pero wag kang mawalan ng pag-asa Yaya, dahil ang lalaking itinadhana sayo ay darating sa tamang panahon." dugtong naman ni LolaTidora.

"Ang pag-ibig Yaya, ay hindi minamadali. Hindi pinipilit na mahalin ka pabalik o mahahanap mo kaagad sa taong akala mo ay siya na. Minsan nagkakamali tayo ng akala sapagkat ang nakakaalam lamang ng ating tadhana ay ang ating Panginoong Maykapal. Pahalagahan mo ang iyong sarili na maging matatag ka sa ano mang pagsubok ng buhay sa iyo. Huwag kang magpapaapekto sa mga maling taong nakaksalubong mo sa iyong buhay. Datapwa't gawin mong aral ang mga natutunan mo mula sa kanila." at niyakap ni Lola Nidora si Maine ng mahigpit pagkatapos nitong sabihin ang mga pangaral niya.

"At tsaka apo, crush lang yon. Wala yun, mas matindi pa ang pagdadaanan mo sa lalaking manliligaw sayo sa tamang panahon." sambit naman ni Lola Tinidora.

"Anong ligaw-ligaw na naman yan Tinidora? Di pa nga nakamove on itong apo natin, tinuturuan mo na naman."

"Oo nga Ate Tinidora. Ikaw talaga. Hay naku, Yaya. Kalimutan mo na siya dahil hindi siya ang Prince Charming mo. Darating ang tamang panahon at magmamahal ka rin ng tamang lalaki para sayo." masayang sabi naman ni Lola Tidora kay Maine.

Napangiti naman si Maine sa mga sinabi ng mga Lola nito. Gumaan ang loob niya sa piling ng kanyang mga Lola dahil naisabi niya ang nararamdaman niyang lungkot sa mga nakaraang araw na pinagdaanan niya.

Aldub You,  Forever! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon