Chapter 27 - Kilig Moments

104 2 0
                                    

Guys, before kayo kiligin gusto ko lang ipromote yung dalawa ko pang story. Ang title po ay REMEMBRANCE at MS. NOBODY HERE.

Sana po mabasa niyo, winowork out ko na po each chapter. Pakivisit nalang po ng profile ko then pahanap nalang po sa works by Hippy22. Aasahan ko po ang mga pagbisita at pagbabasa niyo. Maraming-maraming salamat po. Sana po mabasa niyo at lalo pa po kayong kikiligin. Mwah! Love and kisses.

♥♥ Hippy22 ♥♥

=========== :) ;) :* =============

"Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay lalapit
Ang mundo ko'y tumitigil...."♪♬

"Masaya ka Ateng?"

"Ay! Ano ba yan, Pau? Nakakagulat ka naman."

"Ikaw Maine ngayon lang kumakanta ha. Dati nahihiya kang kumanta kahit ikaw lang mag-isa, alam mo yan di ba?"

"Wag ka nga. Eh gusto ko eh."

"Sus. Ayaw pa aminin."

"Ang alin?"

"Luh. Si Alden oh."

"Saan?" sabay tulak ni Maine kay Pauleen nang itinuro nito ang direksiyon kung nasaan si Alden.

"HAHAHAHA! Alam na. This."

Sumimangot naman si Maine nang nakuha nitong pinagloloko lang pala siya ni Pauleen. Tawang-tawa ito nang makita ang reaksiyon niya. Hawak-hawak pa ni Pauleen ang tiyan habang malakas na tumatawa sa harapan ni Maine.

*************

Nakaupo si Maine sa isa sa mga mesang nakahilera sa canteen habang nagbabasa ng libro. Wala naman masyadong mga estudyante kaya payapa siyang nakapag-aral. Di nagtagal ay nakaramdam siya ng antok at napahikab.

"Itulog mo na yan." napatakip naman ng bibig si Maine nang marinig niya ang nagsalita. Nilingon niya kung sino ito at nalamang si Alden. Nakangiti itong nakatitig sa kanya habang may bitbit na isang tray ng maraming pagkain.

"Ikaw pala yan."

"Hindi. Baka picture ko lang to. Busy ka ba?"

"Hindi naman. May nirireview lang sa Math."

"Okay. Eto kain ka muna mukhang gutom ka na e."

"Oy hindi a. Mukha lang akong pagod pero di ako gutom."

"Sinabi ko bang mukhang pagod ka? Hindi kaya. Alam mo kumain ka na."

"Sige po, Manong."

"Manong ka diyan."

"Peace."

Habang kumakain si Maine ay tinitigan siya ni Alden ng masinsinan. Naasiwa naman siya ng mapansing tutok na tutok itong nakatitig sa kanya.

"Hoy! Hindi ka ba kakain?"

"Okay lang ako. Busog na ako pag nakikita ka."

"Huh?"

"Kakain na po, Manang." pag-iiba naman ng sagot ni Alden kay Maine ng kumuha ito ng burger at sinabay sinubo. Kumuha naman si Maine ng isang pirasong fries at mahinang itinapon ito sa mukha ni Alden.

"Manang ka diyan."

"Ah ganunan pala ha." Binuksan naman ni Alden ang isang lagayan ng ketchup at kumuha ng kunti gamit ang daliri niya sabay pahid sa ilong ni Maine na siyang ikinagulat ng dalaga.

"HAHAHAHA!"

"Nakakainis ka. Ang dugyot mo!" pinahiran naman ni Maine ang ilong niya at akmang kukunin sana ang lagayan ng ketchup pero mabilis itong hinablot ni Alden sabay labas-dila sa kanya na parang bata.

"Bleeh!"

"Aaaaah. Makaalis na nga." Dahil sa pagkapikon ni Maine ay nagdesisyon siyang umalis ng canteen pero bago pa siya makatayo ay hinawakan ni Alden ang isang kamay niya.

"Joke lang. Nagalit ba kita?"

"Hindi ah. Tuwang-tuwa nga ako oh! Tingnan mo, masaya ako di ba?" sabay turo ni Maine sa mukha niya nang magfake smile siya sa harap ni Alden. Kinuha niya naman ang kamay niya na hinahawakan ni Alden. Padabog niyang kinuha ang mga gamit niya sa mesa at bag. Bago pa siya makalabas ng canteen ay hinabol siya ni Alden.

"Maine!" hinawakan ni Alden ang kanang braso at dahan-dahan siyang pinaharap sa kanya. "Sorry na. Di ko naman sinasadya na maasar ka sakin e. Please?"

Mukhang nagulat naman si Maine sa mga narinig niya kay Alden. Hindi niya kasi lubos akalain na nagsosorry ito sa harap niya ngayon. Bigla tuloy namula ang pisngi niya nang mapansing nakatingin ang iilang estudyanteng nakatambay din sa canteen ngayon. Hindi siya nakaimik agad habang nililibot ang paningin mula sa kamay ni Alden sa braso niya, sa mukha nito at sa mga taong nakatitig sa kanila ngayon.

"Okay. I know naging cold ako noong unang pagkikita natin. Hindi kita tinuring na friend at napakasungit ko sayo always. Hindi ko pa to nagagawa sa buong buhay ko at di ko rin alam kung bakit gagawin ko to. Isa lang alam ko ngayon, ayaw kitang makitang galit at malungkot. Kaya" sabay luhod ni Alden sa harap ni Maine "I'm sorry, please? Hindi ko na uulitin, promise."

Napanganga naman si Maine sa ginawa ni Alden sa harap niya ngayon. Kung kanina hinabol lang siya nito palabas ng canteen ngayon ay lumuhod ito at humihingi ng sorry sa kanya ng bongga. Nang bumalik ang ulirat ni Maine ay nahimasmasan siyang lalo sa mga nangyayari. Sa ngayon ang mga kaninang nakatitig lang sa kanilang estudyante ay kinukuhaan na sila ng picture. Akala siguro ng mga ito ay magjowa silang dalawa. Agad-agad namang hinawakan ni Maine ang dalawang kamay ni Alden at iniangat naman ng binata ang malungkot na mukha nito na kanina ay nakayuko habang nakaluhod.

"Ano ka ba? Ano sa tingin mo yang ginagawa mo? Tumayo ka nga diyan."

"No! I will not get up unless you will say you forgive me."

"Oo na. Hindi naman ako galit e."

"Then why did you acted like that? Ayokong nakikita kang nakasimangot e."

"Alam mo tumayo ka na diyan. You are forgiven at wala kang kasalanan. Baliwang to!"

Tumayo naman si Alden na nakasimangot pa rin. Hinawakan siya ni Maine at hinatak pabalik sa table nila kanina kung saan nandoon pa rin ang mga pagkain na binili niya. Umupo na si Maine pero nanatiling nakatayo si Alden at nakatingin sa ibang direksiyon.

"Huy, upo ka na." Pero di siya pinansin ni Alden at yumuko lang ito habang nakasimangot.

"Psst. Anong problema mo? Parang kang ewan diyan." Pero tinitigan lang siya ni Alden na parang nagtatampo. Tumayo ulit si Maine at nilapitan si Alden. Inalalayan niya itong umupo pero hindi gumalaw ang binata at tinitigan lang siya.

"Alden? Anong nangyayari sayo?"

"Ikaw kasi e." sagot ni Alden habang nakapout sa kanya.

"Hahaha! Para kang bata. Umupo ka na nga."

"Ayoko."

"Anong gusto mong gawin ko para di ka na magtampo?" tanong ni Maine kay Alden ng makita niyang ayaw pa rin umupo ng binata at napansing ang dahan-dahang pagngiti nito.

"Gusto ko? Hmm."

"Ayusin mo ha. Ayoko niyang ngiti mo."

"Hmm. Gusto ko sumayaw ka ngayon sa harap ko." pangiti-ngiting sabi ni Alden kaya nagulat naman si Maine.

"Anong sumayaw? Ayoko nga!" bigla naman siyang niyakap ni Alden kaya napaestatwa naman si Maine sa kinatatayuan nila ngayon.

"Joke lang. Ikaw talaga pikon."

Nang bitawan na siya ni Alden aa yakap nito ay nanatiling gulat pa rin ang mukha ni Maine. Inilapit naman ni Alden ang mukha nito sa kanya na siya nagpakabang lalo kay Maine. Maya-maya pa ay pinunasan nito ang ilong niya sabay pisil dito.

"May natira pang ketchup. Ang cute mo talaga. Tara! Kain na tayo." Naestatwa pa rin si Maine sa kinatatayuan nito ng umupo na si Alden kaya tinulak siya nito dahan-dahan at inalalayan umupo sa upuan niya.

"Maine?"

"Hmm?"

"Thank you."

Aldub You,  Forever! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon