Chapter 29 - Birthday ni Alden

124 2 0
                                    

Sabi daw nila may mga nararamdaman tayong hindi natin naiintindihan. Minsan saya, minsan inis o minsan kaba. Habang naglalakad ngayon si Maine papuntang banyo para maligo ay nababagabag ang pag-iisip niya sa isang bagay na di niya maintindihan. Kinakabahan kasi siya ay hindi mapakali at may kung di siya nararamdaman na may mangyayari ngayong araw na ito. Dahil sa inis na hindi niya maintindihan ang nararamdaman ay ginulo niya ang buhok sabay sigaw ng malakas. Napatakbo naman si Lola Tinidora papunta sa kanya na nagtataka.

"Anong nangyayari sayo, Yaya? Bakit ka sumisigaw?"

"Uhm, wala po Lola. Makati lang po yung ulo ko. Hehe."

"Yan na nga ang sinasabi ko sayo Hija, dalasan ang paligo dahil baka liparin ka niyang mga alaga mo." Pagbibiro ni Lola Tinidora kay Maine na ngayon ay napakunot ng noo.

"Lola naman eh. Dandruff po to, hindi kuto. Naliligo kaya ako araw-araw."

Napatawa naman si Lola Tinidora habang naglalakad pabalik ng kwarto nito at naiwan naman si Maine na nakabusangot. Napapadyak nalang siya sa inis at dumiretso na nang banyo para maligo.

------------------

"Ateng wala daw pasok sa Math, alis muna ako ha. Puntahan ko lang si Mommy sa mall."

Napatango nalang si Mainw bilang sagot kay Pauleen na ngayon ay nagmamadaling nagliligpit ng gamit paalis. Kumaway na ito sa kanya at dali-daling lumabas ng room nila.

Kung kanina ay di mapakali ang mood ni Maine, ngayon naman ay tinatamad ito at inaantok. Dahil wala rim siyang ganang pumunta ng library para mag-aral ay napag-isipan niyang pumunta sa ilalim ng puno malapit sa room nila. Inilatag niya ang isang libro at inupuan ito habang nakaharap sa soccer field ng school. Maya-maya pa ay nakaramdam siya ng antok at napapikit para matulog.

Ilang minuto din ang nakalipas ng may naramdaman si Maine sa may bandang tenga niya. Parang may kung anong nakapasok dito at nagulat siya ng may biglang umihip ng malakas sa tenga niya ulit mismo.

Dali-dali niyang minulat ang mata at iwinasiwas ang kanang kamay niya sa may bandang tenga niya. Nagulat naman si Maine ng maramdaman niyang may tinamaan ng kung ano ang kamay niya at dahil antok nga siya ay di niya nagawang lingunin kung ano yun.

Nang lingunin niya ito ay napatili siya nang may nakita siyang lalaki na nakatakip ang dalawang palad sa mukha nito.

"Aaaaah!"

"Ang ingay! Bwiset!"

"Sino ka ba? Bakit ka nandiyan?"

Nang kinuha ng lalaki ang dalawang palad nito sa mukha ay nagulat si Maine na si Alden pala yun. Mas ikinagulat niya nang makita ang isa nitong mata na naluluha.

"Uy, anong ginagawa mo dito? Bakit ka umiiyak?"

"Di ako umiiyak."

"Eh bakit ka naluluha?"

"Masakit kasi yung hampas mo, tumama lang naman sa mata ko."

Napatigil naman saglit si Maine sa pangungusisa kay Alden ng maalaala niya ang mga pangyayari kanina. Tiningnan niya ito ng maalaalang iwinasiwas niya kanina ang kanang kamay sa tenga niya.

"Ikaw ba yung...-"

"Oo. Hinihipan ko lang naman tenga mo para magising ka. Nanapak ka kaagad."

"Eh bakit kasi ginawa mo yun? Alam mong natutulog yung tao."

Dali-dali namang tumayo si Alden at lumakad palayo sa kanya at ang tanging narinig ni Maine na sagot nito sa kanya ay "tsss".

-------------------

Aldub You,  Forever! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon