Chapter 3 - Acquaintance Party (1)

151 8 0
                                    

"Madam! Dumating na po ang gown na pinagawa niyo."

Si Rihanna yun at bitbit ang malaking box na kulay puti papunta kina Lola Nidora na nag-aalmusal ngayon kasama si Lola Tidora. Si Maine naman ay tulog pa dahil sa pagod ng tatlong oras nila sa pagpapractice ng sayaw. Miyerkules ngayon at plano niyang makakatulog siya hanggang hapon. :)

"O em gee... Ito na ate!!! Buksan na natin ang mahiwang gaaawn ni Yaya. Sigurado ako sa magiging kulay ng gown na ito. Ahaha." Patiling sigaw ni Lola Tidora kay Lola Nidora.

Binuksan naman ni Lola Nidora ang box ng dahan-dahan. Habang si Rihanna naman ay kumikinang-kinang ang mata habang inaabangan ang pagbukas ng box ni Lola Nidora. Pagkabukas ng box ay agad napasinghap sina Lola Tidora at Rihanna sa nakita nilang lila na telang nakatupi at kumikinang.

"Ang ganda, Ate. Jeskelerd, perfect sa beauty ng ateng prinsesa. Di ba Rihanna?"

Tumingin ang dalawang matanda sa nakangangang si Rihanna. Kaya nang mapansin ni Rihanna na nakatingin sa kanya ang dalawang matanda ay tinikom niya agad ang bibig niya at ngumiti ng wagas.

"Yah yah yah, Madam Tids! Siguradong magmumukhang prinsesa si Yaya este Maine niyan sa debut niya. Eeeeh. Excited na po ako."

Napangiti naman si Lola Nidora sa reaksiyon ng dalawa.

"Di ko alam Ate may taste ka rin pala sa fashion, huh?" Tiningnan naman siya ni Nidora.

"Tidora??!"

"Joke lang, ate. Eto naman masyadong madibdibin. Wooh!"

Nang may narinig silang yabag mula sa hagdan ay dali-daling tinago ni Lola Nidora ang gown sa box at nilagay sa likod niya.

"Naku itago mo nang maiigi, ate. Sopresa natin yan." bulong ni Tidora kay Nidora habang papalapit si Maine sa kanila na naghihikab.

"Bakit mukhang ang sasaya po ninyo dito? Ano pong meron?" tanong niya sa tatlong nababagabag ngayon sa sala.

"Ah eh. Wala Yaya, pinag uusapan lang namin ang love life ni Lola Tids." biglang sagot ni Rihanna kay Maine.

"Anong love life, Rihanna?" napasigaw si Lola Nidora dahil sa sagot ni Riri kaya sinipa siya ni Tidora.

"Ano ka ba Ate? Makisakay ka nalang." bulong ni Tidora sa kanya.

Mukhang nakuha naman ni Nidora ang ibig niyang sabihin kaya tumango-tango na rin siya.

"Ah. Oo Yaya, pinag-uusapan ang mga dating manliligaw ni Tidora."

"Tama! Alam mo kasi Yaya makasaysayan ang aking love life. Alam mo bang nanligaw sakin sina Lapu-lapu, Heneral Luna, Graciano Lopez-Jaena at...at...etcetera?"

"Totoo po? Paano nangyari yun Lola Tids?" tanong naman ni Yaya na nagtataka kaya nangapa si Lola Tids kunf anong isasagot niya dahil gawa-gawa niya lang naman ang mga sinabi niya kanina.

"Ah...eh...-"

"Tama na yan Tidora. Masyado pang bata si Yaya tungkol sa mga love life na yan. At tsaka nga pala Yaya, bakit andito ka pa? Wala ka bang pasok?"

"Ah, kasi po wala rin pong klase ngayon kasi naghahanda po kami sa acquaintance namin."

"Acquaintance? So may party kayo?" tanong ni Tidora kay Maine.

"Opo. Kailangan po naming magcasual kasi formal daw po yung party tulad nung dati."

Nagtinginan naman sina Lola Nidora at Lola Tidora.

"May damit ka na ba?" tanong ni Tidora sa kanya kaya napasimangot si Maine bigla.

"Wala po."

"Bakit yung dati mong sinuot, Yaya? Marami ka namang damit sa cabinet mo ah." pangungusisa ni Lola Nidora.

"Ibang kulay na naman po kasi yung susuotin daw po namin sabi ng adviser namin. Eh nung first year po ako, yellow po yung sinuot ko. Nung 2nd year po Red. Ngayon po...ano...ahm..pink daw."

"Ang arte naman ng school niyo." sabat ni Lola Nidora na nakapamaypay na ngayon.

"Ganon talaga ate, ano ka ba? Wag kang mag-alala Yaya. Ako ang bahal sa Casual dress mo."

"Talaga po Lola Tids? Thank you po?" tuwang-tuwa si Yaya kaya napayakap siya kay Lola Tidora."

---------
Nasa kwarto ni Yaya ang dalawang matanda at si Riri para ipakita ni Lola Tidora ang mga damit na ipapasuot niya rito.

"Siguraduhin mo Tidora na papasa sa taste ko ang isusuot ni Yaya, huh." Hindi mapakali si Nidora sa upuan nito habang tinitignan ang mga bitbit na damit ni Tidora.

"Naku Ate ako may taste sa fashion. Ewan ko lang ikaw kaya good luck sakin."

"Anong ibig mong sabihin Tidora?"

"Wala. Alam mo Ate just watch and see. Wooh."

Sinimulan nang isinuot ni Yaya ang mga damit sa fitting room nito isa-isa at lumabas para makita ng dalawang matanda ang damit.

"Okay Yaya, dress number 1!" sigaw ni Tidora sabay labas ni Yaya sa fitting room.

"Aaah! Ano yan?"

"Bakit Ate?"

"Acquaintance ang pupuntahan ng bata hindi club Tidora."

"Ate, yan ang uso ngayon. Labas ang balat."

"Tumigil ka Tidora. Backless na C-Thru pa. Ano yan? Wow. Ibubugaw mo yata ang apo natin. Magpalit ka Yaya."

Napasimangot si Tidora sa sinabi ni Nidora pero di ito nawalan ng pag-asa kaya pinatry niya ulit kay Yaya ang mga naiwang damit.

"Dress Number 2!" sabay labas ulit ni Yaya.

"Napasobrahan naman yata ang pagiging simple nyan Tidora.Nagmukhang pulubing gusgusin niyan si Yaya."

"Hay naku! Sige Yaya, next!! Dress number 3."

Nabigla si Tidora sa katahimikan ni Nidora. Hindi ito umimik ng lumabas si Yaya sa fitting room.

"Bakit Ate, ayaw mo pa rin?"

"Naiiyak ako Tidora, nakikita ko kasi ang sarili ko kay Yaya. Maganda na itong ikatlong damit. Conservative."

"Paano ate, eh ang layo naman ng mukha niyong dalawa?"

"Che, Tidora. Okay na yan Yaya. Palabhan mo nalang ulit kay Rihanna para masuot mo na yan bukas."

Natuwa si Yaya sa napiling damit ni Lola Nidora. Bukod kasi sa long sleeve ay may kwelyo ito na paborito niya. Floral dress na pink at black ang combination nito.

Ibinigay na rin ni Lola Tidora ang mga isusuot niyang alahas katerno ng susuotin niyang damit. Nagvolunteer na rin si Riri na mayordoma niya as well bestfriend na mag-aayos sa buhok at make-up niya.

Habang nasa kwarto si Yaya ay naalala niya si Toffer na crush nito. Paano? Dahil sa avid fan siya ay may dalawang poster lang naman siyang nito na tinatago-tago at hiningi niya pa sa kaklaseng basketbolista rin. Kaya bago siya matulog ay madalas niya itong pinagpapantasyahan. :D

Kinapa niya yung cellphone niya at nagpatunog ng music. Hanggang sa umabot na ng chorus ay may biglang sumagi sa isip niya.

God gave me you.
To show me what's real.
There's more to life
than just how i feel.

Agad niyang naalala ang lalaking kinaiinisan niya. Ang lalaking pinagtawanan lang naman siya sa canteen kanina.

"Argggh! Bakit ikaw ang iniisip ko? Ulupong ka! Si Toffer ang only one ko. Wag kang ano..."

Napasubsob siya sa unan habang inis na binubura sa isipan nito si Alden. Dahil sa nababagabag ang isipan ni Maine ay nagbilang nalang siya ng kambing sa picture na nasa malaking kalendaryong nakasabit sa kwarto niya. Hanggang sa nakatulog si Maine at natapos na rin ang kantang pinapapatugtog niya.

---------

Kumusta guys? Thanks sa mga nag-add ng story ko sa reading list ninyo ha. Maraming salamat po. Alam ko Aldub Nation kayo at ako rin. Sana po ishare ninyo para spread the good vibes at love love love...:D

Feel free to comment po at suggestions for a better plot ng story. Aldub You All!! ♥♥♥

Love,

Hippy

Aldub You,  Forever! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon