Chapter 6 - Acquaintance Party (4)

105 6 0
                                    

"Siya ba yung tinawag?"

"Oo yata. Ang pangit ng pangalan no? Pangmatanda."

"Tama ka gurl. At di naman maganda."

Ang daming nagbulung-bulongan nang inanunsyo ang pangalan ni Maine na representative ng 3rd year at partner sila ni Alden. Magkahalong kaba at gulat ang nararamdaman niya ngayon kaya halos di na niya binigyang pansin ang mga babae sa likod nila.

"What the...Kyaaa. Maaaaaine? Bakit ganon? Ikaw ang napili?"

Lumapit si Pauleen sa kanya at niyugyug ang magkabalikang balikat niya. Pero dahil di pa siya nakakarecover sa mga nangyayari ay di niya nasagot si Pauleen.

Pinulot nito nang mapansin ang cellphone niyang nahulog sa ilalim ng upuan dahil sa pagkagulat niya. Maya-maya pa ay tinitigan siya ni Pauleen ng makahulugan at tinapik-tapik ang pisngi niya.

"Aray ko. Bakit ba?"

"Maine?"

"Bakit? Di ba walang may tumawag sa pangalan ko Pau? Di ba? Di ba?"
tanong niya kay Pauleen habang niyuyugyog din niya ang balikat nito.

"Omg Maine. Teh? Naiisip mo ba ang naiisip ko?"

"Ano yan Pau? Hindi ako manghuhula. Pero ayusin mo yang mga iniisip mong yan ha."

"Kyaa. Nakatadhana ba kayo magkita at mag-usap palagi? Diz iz it Maine. Diz iz really iz it."

Dahil sa mga sinabi ni Pauleen ay binatukan siya ni Maine.

"Ms. Mendoza, come over na po please."

Napatigil ang dalawa sa pagbabangayan nila nang magsalita si Julia sa stage para tawagin si Maine. Tumingin muna si Maine kay Pauleen na parang nagtatanong kung ano ba ang dapat niyang gawin.

"Go teh. This is your moment. Kyaa."

Napailing nalang si Maine sa inaakto ng kaibigan nito at nagbuntung-hininga ng malalim. Dahan-dahan siyang naglalakad paakyat ng stage habang titig na titig ang halos lahat ng estudyante sa kanya.

"Ladies and gentlemen, Ms. Maria Leonora Maine Mendoza from 3rd year with Alden Richards."

Napansin ni Maine na tumatawa ng mahina si Alden sa tabi niya ng binanggit ni Kempee ang buong pangalan niya kaya inirapan niya ito.

Sa 4th year naman ay napili si Toffer at ang kaklase nito na si Joyce. Pangiti-ngiti si Maine kay Toffer nang makaakyat ito ng stage. Napaismid naman si Alden ng mapansin niya ito.

"Alright. So kumpleto na ang ating mga pairs from every level kaya umpisahan na natin."

Maikli lang naman ang oras na ginugol ang search kaya talent at interview portion lang ang ginawa nila. Ang first year pair ay sumayaw ng interpretative dance habang ang mga second year ay nagdrama habang sina Toffer ay nagrap at sina Maine? Nahuli sila dahil sa pagtatalo kung ano ba ang itatalent nila. Gusto ni Alden kasi na kumanta subalit ayaw ni Maine dahil di naman daw siya marunong kumanta. Sinuggest niya nama ang sumayaw pero ayaw ni Alden kasi ayaw niyang sumayaw. Kaya napagkasunduan nilang maggigitara si Maine habang kakanta si Alden.

Natapos na yung talent nila nang maisipan ni Maine na dagdagan ang part na gagawin niya. Sinenyasan niya si Pauleen na pumunta sa gilid ng stage para iconnect ang cellphone niya sa monitor.

"Open mo yung soundclips ko ha."

"Magdadubsmash ka?" gulat na tanong ni Pauleen sa kanya pero ngumiti lang si Maine at nagsalita sa mic.

"Uhm. May konting dagdag lang po sa talent namin. Gusto ko lang po ishare yung isa mga paborito kong gawain pag nabobored po ako."

Napaismid lang si Alden habang nakaupo ito sa may gilid ng stage at nagsibulung-bulongan naman ang mga nanonood sa kanila.

Aldub You,  Forever! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon