Chapter 19 - Epic Fail

77 4 0
                                    

"Ano pare? Itutuloy mo pa ba ang plano mo?"

"Oo naman pare. Wag kang mag-alala, masaya to."

"Sinasabi ko sayo pare, yang mga paasa moves mo hinay-hinay lang."

Maya-maya pa ay dumaan si Alden sa likod ng dalawang lalaking nagtatawanan habang nag-uusap. Narinig niya ang usapan at tawanan ng dalawang lalaki pero di niya ito pinansin. Hinahanap niya kasi si Sef sa open field at nagkataon na ang dalawang lalaki ay nasa bench malapit doon.

"Coach naman, urgent po kasi yon. Nawala po yung cellphone ko kaya di po ako nakapagpaalam." rinig ni Alden si Sef na nakikipag-usap sa coach nito sa football. Pinaalis kasi si Sef sa team ng minsang hindi siya sumipot sa isang game nila laban sa New Kings University.

Nakita niya umiiling-iling ang coach bago tinalikuran si Sef kaya nilapitan niya ito.

"Dude, ano? Ayaw pa rin ba niya?"

"Ayaw dude e. Nanalo naman yung team kahit wala ko pero ang KJ niya pa rin."

"Hayaan mo, titingnan ko kung may magagawa ako para maibalik ka sa team."

"Thanks dude, urgent naman talaga yung pagkaconfine ni Mom sa hospital e." malungkot na sabi ni Sef kay Alden kaya inakbayan siya ng kaibigan para mapakalma.

"Wag mo munang alalahanin masyado yan dude. Kaya mo yan, paniwalaan mo lang na varsity player ka at hindi ka basta-basta dapat alisin sa team."

*****************

Naglalakad si Maine papuntang 7 Eleven para puntahan si Toffer. Dito kasi ang sabi niyang kakainan nila ng tinanong siya ni Pauleen sa room nila. Di nagtagal ay nakita niya ito sa loob at nakaupo sa bandang dulo na mesa.

"Hi!" masiglang bati niya dito nang makalapit siya sa mesa. Agad-agad naman na tinago ni Toffer ang cellphone nito nang mapansin si Maine sa harap niya.

"Uh Hello, Maine. Ikaw pala. Sige upo ka muna."

"Thanks."

"So anong gusto mong kainin?"

"Ah. Siopao nalang siguro."

Kumuha naman si Toffer ng pera sa wallet niya at iniabot kay Maine. Biglang nagtaka si Maine saglit nang iniabot ni Toffer ang pera nito pero kinuha niya nalang malIpas ang ilang segundo.

"Ah... Ako ba ang bibili?"

"Ayaw mo ba?"

"De okay lang. A-ano sayo?"

"Kung anong bibilhin mo, ganon din sakin."

Napatango nalang si Maine na nagtataka pa rin sa mga kinikilos ni Toffer. Gusto niya sanang isipin na napaka-ungentlemen nito pero kinalimutan niya rin agad dahil gusto niyang isipin na first date nila ito.

Pagkabili at pagkabili niya ay bumalik agad siya sa table nila ni Toffer. Pero mas lalong nagulat si Maine nang makita niya may nakaupo na sa tabi ni Toffer na babae. Nag-uusap sila ng babaeng sa pagkadescribe ni Maine ay nakasuot ng maiksing skirt at makapal na make-up.

"Uh excuse me, Toffer. Ito na pala yung pimabili mo."

"Girlfriend mo?" tanong ng babaeng katabi ni Toffer.

"Ah... Thank you, Maine. No Jas, friend ko lang si Maine." napatulala si Maine sa nakikita niya ngayon pero pinipigilan niya ang sarili na maging malungkot.

"Sige Maine, thank you ulit." kinuha naman ni Toffer ang dalawang siopao na binili ni Maine at ibinigay ang isa sa babaeng katabi nito.

"Here. Eat this."

"Wala bang panulak?" tanong ng babae kay Toffer. Kaya lumingon naman siya kay Maine.

"Maine? Pwede bang humingi ng favor ulit?"

Napatingin lang si Maine kay Toffer na nagtataka pa rin. Naramdaman nito ang hindi magandang feelings sa mga nangyayari dahil parang ginagawa lang siya nitong utusan.

"Ano yun?" mahinahong sagot niya.

"Pwede bang magpabili ulit ng softdrinks, dalawa. Thank you."

Gusto mang itapon ni Maine ang pera sa mukha ni Toffer pero di niya magawa. Siguro dahil sobra-sobra ang paghanga niya dito.

"Sige." Inabot niya naman ang pera at bumalik ulit sa may counter at kumuha ng dalawang softdrinks.

Ang ending ay bumili nalang siya ulit ng siopao at sumama kina Toffer para kumain nagbabasakali na baka napadaan lang naman ang babae. Pero nagkamali siya dahil buong isang oras silang nag-uusap at nagtatawanan habang siya naman ay nakikinig lang.

Nauna siyang umalis nang mapansin niya mag-aalastres na pala at mag-uumpisa na ang last subject nila sa English.

"Uhm Toffer, mauna na ko. Thank you pala sa pag-imbita."

"Sure. Thanks din." tanging sagot ni Toffer sa kanya.

"Bye girl." pagpapaalam naman ng babaeng katabi nito. "Hope you've had a good time."

Ngumiti nalang si Maine at tumalikod na sa kanilang dalawa. Hindi pa siya nakakalabas ng pinto ng 7 Eleven ay narinig niya ang malalakas na tawa ng dalawa. Gusto niyang magalit pero alam niyang wala naman siyang karapatan. Gusto niyang umiyak pero pinigilan niya ang sarili dahil pinipilit niya pa ring isipin na baka nakalimutan lang ni Toffer ang pag-imbita nito sa kaniya.

Ngunit dahil hindi niya mapigilan ang sakit na nararamdaman ay tumulo ang luha niya habang naglalakad pabalik ng school nila. Magpupunas na sana siya ng mata ng may nabangga siyang tao sa harap niya.

"Are you blind?" parang kilala niya ang boses na yun pero di niyang maalala dahil sa nararamdaman niya ngayon.

"Ngayon pipi ka naman. Di ka man lang marunong magsorry." sabi ulit nito kaya iniangat niya ang paningin sa lalaking nabangga niya at nalamang si Alden pala iyon. Nakita naman niya ang pagkayamot sa mukha nito.

"Sorry." Yun lang tanging nasabi niya at nagpatuloy ulit sa paglalakad pero hinawakan siya nito sa braso ng mahina para magkaharap sila.

"Wait lang. Umiiyak ka ba?" tanong nito sa kanya na nagpaangat uli sa mukha niya para matitigan ito. Ang kaninang nayayamot na mukha ay napalitan ng mukhang nagtataka at nag-aalala pero di niya pinansin iyon.

"Hindi. Sorry ulit." Yun lang ang sinagot niya dito at tumalikod ulit kay Alden.

***************
"Oh? Bakit ganyan ang mukha mo?" tanong ni Pauleen sa kanya pagkabalik at pagkabalik niya sa class room nila.

"Bakit? Di ba ako masaya?"

"Masaya ka ba?"

"Oo naman."

"May masaya bang nakasimangot? Ikaw magsabi ka ng totoo ha. Di ba nagdate kayo?"

"Oo."

"Eh anong nangyayari?"

"Kailangan ko pa bang ikuwento?"

"As far as i know. Oo. Kasi bestfriend mo ako."

"Fine. Kumain lang naman kami."

"Tapos?"

"Tapos?"

"Tapos anong nangyari? Kainis ka talaga." napatawa naman ng mahina si Maine sa reaksiyon ng kaibigan nito.

"Ayun, epic fail? Triple date pala."

"Ano? Ibig sabihin may kasama siyang kateam niya o kabarkada?"

"Di ako sure kung friend niya yun e."

"Kahit na. Ang boring naman nun wala man lang kayong privacy sa pag-uusap niyo."

"Di naman kami nag-usap e. Sila lang."

"Ang gulo mo. Bakit sila lang?"

"Malay ko. Tanong mo dun sa babaeng maiksi ang palda at makapal ang make-up na kasama niya."

Aldub You,  Forever! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon