Chapter 10 - Poem of My Heart

122 5 0
                                    

Nakaupo si Maine sa harap ng study table niya ngayon habang nag-iisip sa gagawing tula para sa English assignment nila. Bagot na bagot itong nakahalumbaba sa table niya dahil wala siyang maisip kung papaano sisimulan ito.

"Ano ba isusulat ko dito? Wala naman akong lovelife. Wala naman akong boyfriend. Ugh."

Tahimik na naninibugho si Maine habang patuloy na nag-iisip sa gagawin niyang tula. Maya-maya pa ay kumuha na siya ng scratch paper mula sa drawer niya at bumuo ng ilang salita.

I seem to worry tonight
As i stare the stars from above
How could i write about love
For love has not found me.

"Ay grabe. Pano mo to nasulat Maine?" di makapaniwalang tanong ni Maine sa sarili niya. Nakabuo kasi siya ng isang stanza at ngayon ay narealize niyang tungkol sa paghahanap ng pag-ibig ang itatopic niya sa tula.

I am a lonely girl like a lost princess
Waiting for my prince to come
To teach me how to love as how to be happy
To save me from my life's agonies.

For now, i used to believe love as a mutual feeling
Felt by both same hearts destined to meet
For if they will find their ways together
Love will save each others life from sorrows

Love is like a diamond in the rocks
It can not be identified easily
It can not be broken for its hardness
It is rare that should be taken good care.

Someday, i will know the deeper sense of it.
That love is sweet as candies
That love is painful like wounds
That love like wounds too, heal.

Love is like beauty of flowers that blooms in everyone's hearts
Love is like medicine that heals the sickness of our nations.
Love is like like the sun that shines on everyone's darkness.

Nang matapos na ni Maine ang binubuo niyang tula ay nakaramdam na siya ng antok. Sinulat niya ulit ito sa isang malinis na papel at diretsong nang natulog.

---------------

Linggo at nagsimba sina Maine at ang tatlong lola niya sa malapit na simbahan sa kanila. Matapos ay diretso na silang nananghalian sa McDonalds. :)

"Yaya, iha. Iorder mo nalang kami ng Ala King Chicken Fillet ha." utos ni Lola Tidora kay Maine.

"Oo nga apo. Pasensya ka na at pagod na pagod kami." dugtong naman ni Lola Nidora.

"Ganyan na talaga pag mga gurang este matatanda na." dugtong ulit ni Lola Tinidora.

"Sige po, mga Lola. Wala pong problema."

Dali-dali namang pumunta ng counter si Maine para mag-order ng apat na Ala King kasama na ang order din niya. Pagkatapos nilang nananghalian ay nagkwentuhan ang maglola.

"Siya nga pala, Yaya. Bago ko makalimutan may ipapasuyo sana ako sayo." Umpisa ni Lola Nidora kay Maine nang matapos na silang kumain.

"Pwede mo bang puntahan ang condo ni Dr. Tanning ngayon? Kasi nakalimutan ko na ubos na pala ang niresita niyang gamot."

"Ate, sa condo talaga niya? Wala ba siyang opisina?" tanong ni Lola Tidora kay Lola Nidora na nagtataka.

"Linggo kasi ngayon, Tidora. Wala siyang opisina ngayon. Kasalanan ko kasi dapat kahapon ang weekly check-up ko kaya lang nakalimutan ko." malungkot na sabi ni Lola Nidora.

"Alam mo, Ate? Ganyan talaga pag nauulyanin na kaya naiintindihan kita." pabirong sabi naman ni Lola Tinidora kaya napairap si Lola Nidora sa kanya.

Aldub You,  Forever! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon