The Maine's Way

37 2 1
                                    

Three p.m. ng hapon at nasa Mall mag-isa si Maine na naglalakad. Nagskip siya sa last subject nila at minabuti niyang maglakad muna papuntang mall para mag-unwind. Iniisip niya pa rin si Alden at ang usapan nila kahapon. Nang makarating ito sa mall napailing nalang ito kasi hindi niya napansin ang oras pati kung pano siya nakarating agad-agad dito.

"Ang labo." Sabay sabi habang pumapasok sa entrance nga mall.
Halos naikot niya ang tatlong palapag ng mall para mapagaan lang ang nararamdaman. Masyado siyang nalulungkot dahil sa malabong dahilan. Pagkalipas ng isang oras napagdesisyunan niyang bumaba at pumunta sa tabing dagat malapit lang naman sa mall.

Umupo si Maine sa bakanteng upuan at napatingin sa magandang sunset. Pumatak ang luha niya at nagbuntung-hininga.

"Ang lungkot-lungkot... pero simula bukas hindi na." Bulong niya sa sarili. Ilang minuto lang ay napasigaw siya sa dalampasigan kahit maraming tao pa doon.

"Maine's way, Haring Araw! Maine's way ko simula bukas di na ko masasaktan!" Sabay iyak ng malakas.
——————————————————-

Kinabukasan...

"Hi Pau! Good morning!" Bati ni Maine sa bestfriend nito pagkapasok at pagkapasok nito sa room nila.

Tiningnan lang siya ni Pau ng malungkot at hindi sumagot.

"Huy! Bat ka ganyan ngayon?" Tanong niya dito.

"Huy ka rin! Nasan yung cellphone mo. Kahapon pa ko alalang-alala sayo kasi bigla ka nalang nawala nung magdismiss si Ma'am Ruby." Sabay iyak ni Pauleen.

Nabigla naman si Maine sa reaksyon ng kaibigan. Alam niyang alalang-alala ito sa kanya at nakokonsensya siya kasi hindi niya pinansin ang mga texts nito simula pa kahapon. Ayaw niyang mag explain kasi pagod siya. Pero ngayon babawi siya sa kaibigan kahit hindi pa siya handang mag open up sa kanya.

"Sorry ha. Ang sakit kasi ng tiyan ko kahapon. Hindi ko kayang ilabas sa school eh kaya umuwi nalang ako." Paliwanag niya kay Pau at kunwaring umiiyak. Natawa naman si Pau sa paliwanag nito at binatukan siya.

"Aray ko! Para saan yon?"

"Hahahaha! Leche ka talaga beshy. Nawala agad lungkot ko eh. Miss na kita."

Naging okay na sila ni Pau at nagsiupo na sila sa upuan.

Nung lunchbreak ay nahagip ng mga mata niya si Alden kasama si Jodie. Nilayo niya muna ang tingin sa kanila habang kumakain sila ni Pau. Nung dumating sina Alden malapit sa kanila ay kumaway siya dito at napairap naman si Jodie.

"Hello! Kumusta? Kumain na ba kayo?"

"Thank you, girl. Pero sa labas kami kakain. Di ba babe?" Sagot ni Jodie sabay tingin kay Alden. Si Alden naman ay bakas sa mukha ang pagkataka sa inasal ni Maine. Napansin naman ito ni Maine at di nagpatinag sa titig ni Alden.

"Ganon ba? Sige ingat kayo. Bagay na bagay kayo tingnan."

Napangisi naman si Jodie at lumapit sa kaniya. Natuwa ito sa compliment niya.

"Girl! Thank you ha. Sige kain na kayo kasi magdidate pa kami eh." Sabay besp kay Maine at hinila si Alden na hindi pa rin umiimik.

Pagkaalis ni Alden ay tinitigan siya ni Pau.

"Parang may iba. Hmm."

"Ano na naman?"

"Bakit bigla ka yatang nakipag good diyan sa malditang Jodie na yan?" Tanong ni Pau.

"Pakikisama yun Pau para walang issue. Gusto ko nang tahimik na buhay."
————-———————————————

Habang nasa klase sila hindi niya maiwasang tumingin sa gawi ni Alden. Titig na titig ito sa harapan at kalmadong nakikinig sa guro nila. Ilang sandali pa ay nahuli siya ni Alden at nakatingin na rin ito sa kanya ngayon. Pero ang titig niya ay malungkot at nalungkot din siya. Alam niyang tama yung ginagawa niya kaya hindi siya nagpaapekto sa titig nito. Binaling niya ang tingin sa guro nila at nakinig na rin. Binura niya lahat ng pag-aalinlangan niya sa isip at kalungkutan. Inisip niya nalang na marami pang mangyayari at magiging okay din ang lahat. Makakalimutan niya din ang lahat.

Aldub You,  Forever! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon