Chapter 20 - Napahiya

99 3 1
                                    

Nakaupo si Alden sa harap ng tv habang naghihintay kay Basty galing sa school nito. Maaga siyang nakauwi dahil absent daw ang teacher nila sa English dahil nagkasakit. Sumagi sa isip ni Alden ang pagkabangga niya kanina kay Maine na pangatlong beses na. Hindi niya maialis sa isip ang malungkot nitong mukha kanina habang naglalakad ng wala sa sarili at nabangga siya. At alam niyang hindi siya nagkakamali sa nakita niya luha na tumulo sa kaliwang mata nito kanina nang iniangat ni Maine ang mukha niya. Nararamdaman niya ang lungkot nito at may kung ano sa kanya kanina na gusto niyang punasan ang luha nito sa hindi maipaliwanag na dahilan. Nakatulala si Alden ng halos limang minuto sa kakaisip kay Maine at sa malungkot na mukha nito kanina ng dumating sina Basty at ang Yaya nito ng hindi niya namamalayan.

"Yaya, di ba it's Despicable Me Kuya is watching?" tanong ni Basty sa Yaya nito dahil nakita niya ang nakatulalang mukha ni Alden.

"Yes Basty, why?"

"I am just curious why Kuya Alden is so sad watching it while I've watched it a hundred times and i find it so funny."

Napangiti nalang ang Yaya ni Basty ng tiningnan nito si Alden habang nanood ng tv at tama nga naman si Basty. Nilapitan ni Basty si Alden at niyugyog ito ng mahina.

"Kuya?"

"Oh Basty, you're here na pala. You eat your dinner, i already cooked kanina."

"Kuya? Why are you so serious watching those minions?"

Napatigil si Alden sa pag-uunbutton ng polo ni Basty ng tiningnan niya ang pinapanood niyang minions nga. Ang totoo ay di naman talaga siya nakatutok sa pinapanood niya dahil sakop ni Maine ang isip niya kani-kanina lang.

"Uhm, I am studying how ... how... the people behind that movie... make that movie ...so..so funny. Yeah. That's it. I am observing every detail of the movie." pagpapaliwanag niya kay Basty.

"Do you have an assignment about minions?"

"No! I mean yes, but not the minions alone. It's about the whole movie. Ikaw talagang bata ka, napakausisero." makatapos niyang bihisan si Basty ay inalalayan niya ito sa table para kumain na.

****************

Nakaupo ngayon si Maine sa canteen habang hunihintay si Pauleen para maglunch. Ilang minuto pa ay nakaramdam na siya ng gutom at bumili na ng pagkain. Habang nasa kalagitnaan siya ng pagkain ay naramdaman niyang may umupo sa upuang nasa harap niya.

"Hi Maine!" iniangat bigla ni Maine ang mukha niya ng marinig niya ang pamilyar na boses ng tumawag sa kanya. Si Toffer.

"Hi!" matipid niyang sagot na may matipid na ngiti. Hindi pa kasi siya nakamove on sa nangyari sa Seven Eleven.

"Wala kang kasama?" tanong nito ulit.

"Wala. Wala pa si Pauleen eh."

"Ganon ba? Ahm anong paborito mong kanta Maine?" nagtaka naman si Maine sa tinanong ni Toffer sa kanya. Nagkatitigan silang dalawa habang iniisip pa ni Maine ang isasagot niya sa tanong nito.

"Uhm. God gave me you." Yun lang ang tanging nasagot ni Maine dahil alam niyang malakas pa rin ang tama niya kay Toffer lalo na kapag nagkakalapit silang dalawa.

"Wow. Pareho pala tayo. Alam mo may pinrepare akong mic tsaka speaker ngayon dito sa canteen to sing a special song at akalain mo pareho pala tayo ng gusto."

Hindi naman nakaimik si Maine sa sinabi ni Toffer. Naramdaman niya ang kilig ng malaman niyang iisa lang pala sila ng paboritong kanta.

"Pwede mo bang kantahin Maine para sakin?"

Napatulala naman si Maine sa tinanong ni Toffer habang kinukuha na nito ang mic at inayos ang speaker malapit sa kanila. Nang iniabot ni Toffer ang mic sa kanya ay kinuha niya naman ito.

"Guys, please listen. I have prepared something for a very special person in my life. So sana suportahan niyo po kami." sigaw ni Toffer sa buong canteen bilang pagtawag pansin para sa mga kapwa nila estudyante. Pumalakpak naman ng malakas ang mga estudyante habang si Maine naman ay namumula dahil sa sinabi ni Toffer na "a very special person."

Tiningnan siya ni Toffer at ngumiti at nagsihiyawan naman ang buong canteen. Nanginginig naman ang katawan ni Maine sa kaba na may halong kilig at excitement ng magsimula na siyang kumanta.

"For all the times, i felt cheated i complain. You know how i love to complain. For all the wrongs i repeated, though i was to blame. I still curse that rain."

Habang kumakanta si Maine ay may kinuha naman si Toffer sa isang barkada nito. Isang bouquet ng red roses at binitbit niya papunta sa harap ni Maine. Kinuha ni Toffer ang mic at ipinagpatuloy ang kanta ni Maine.

"God gave me you, to show me what's real. There's more to life than just what i feel.

Maine thank you kasi pinagbigyan mo ang favor ko na kantahin to para sa special someone ko. Ngayon gusto kong ibigay ang mga bulaklak na to sa taong nagpapatibok ng puso ko." pagkatapos sinabi yun ni Toffer ay lumapit siya kay Maine para iabot sa inaakala ni Maine ay ang bulaklak kaya naghiyawan ang nga tao. Pero laking gulat niya ng ang mic ang binigay nito sa kanya at lumakad si Toffer papunta sa kinauupuan ni Joyce, ang nakatatandang kapatid ni Jessica.

Napatulala naman si Maine sa nakikita niya at tinitugan saglit ang mic na hawak-hawak. Kahit ang mga kapwa nila estudyante ay di rin makapaniwala na ibang babae pala ang tinutukoy ni Toffer. Halos mapaiyak si Maine sa kahihiyan ng makita niya si Jessica at ang babae nitong kasa-kasama palagi na nagtatawanan sa kabilang mesa na kinauupuan niya.

Sa malapit na pinto ng canteen naman ay nakita niya si Pauleen na nakatayo at parang hindi rin makapaniwala sa mga nangyayari. Tama ba yung nararamdaman niya? Na napahiya siya sa pag-aakalang siya ang tinutukoy ni Toffer? Yung mga bulaklak na akala niya kanya hindi pala. Yung akala niyang gusto rin siya ni Toffer hindi pala.

Dahil sa hindi niya mapigilan ang sakit na nararamdaman niya ay dali-dali niyang kinuha ang bag niya at lumakad ng mabilis. Habang lumalakad siya palabas ng canteen gamit ang isa pang pinto sa likuran ay nakita niya si Alden na papasok kaya nilakihan niya ang hakbang para makalampas agad siya sa pintuan napagsasalubungan nila.

Nakita niya sa peripheral vision na tinitigan siya nito habang naglalakad ng mabilis pero di niya ito pinansin. Ang alam niya lang ngayon ay napahiya siya sa maraming tao. Na babansagan na siyang Ms. Assuming sa buong school nila at lalong pagtatawanan lang siya ng mga estudyanteng nakakita ng nga nangyari kanina.

***************

" Ang tanga mo! Ang tanga-tanga mo!" mahinang sigaw ni Maine sa sarili niya habang nakaupo at umiiyak sa likod ng isang room malayo sa canteen.

"Bakit ganon? Bakit ganon? Bakit hindi ako? Bakit ang sakit-sakit?"

"Kasi hindi siya para sayo at hindi siya ang tadhana mo. Ehem."

Nagulat si Maine sa nagsalitang boses sa likod niya. Hindi niya nilingon ang nagsalita sa akalang baka guni-guni niya lang iyon.

"Walang mangyayari sayo kung magtatago at iiyak kalang dito." sambit ulit ng nagsalita kanina sa likod niya kaya nilingon siya ni Maine at nalaman nito na si Alden pala ang nagsasalita kanina pa.

"A-anong ginagawa mo dito?"

"Pinuntahan ko yung iyakin na uhuging babae dito."

"Sinong uhugin?"

Napalakas ng tawa si Alden ng makita niya ang reaksiyon ni Maine ng pinikon niya ito. Ilang sandali pa ay iniabot niya ang dilaw na panyo kay Maine.

"Oh."

"Aanhin ko yan?"

"Ipunas mo sa paa mo. Madumi e. Malamang pampunas sa luha at sipon mo." pangiti-ngiti nitong sabi kaya inirapan lang siya ni Maine.

"Uhm. Thanks."

"Wala yun. Wag mo masyadong dibdibin ang mga ganyang bagay. Maniwala ka lang na may nakatadhana talaga sayo at hindi siya yun."

"Teka? Bakit ganyan ang mga pinagsasabi mo? Nakitamo mo ba kanina?"

"Correction. Kahapon pa. Ganyan ba kayong mga babae, hahabol at hahabol talaga pag gusto?"

Napayuko nalang si Maine sa tanong ni Alden. Nahihiya kasi siya na nakita nito ang mga nangyari sa kanya simula kahapon.

Aldub You,  Forever! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon