Pretensions

66 3 0
                                    

"Bes! Wanna have fun tonight?"

"Alam mong hindi pwede Pau."

"Ang KJ! What about videoke?"

"Mababasag ang salamin ng buong mall."

"Oo nga no? Eh coffee?"

"Coffee? Tirik ang araw oh, 1 pm." Mataray na tinuro ni Maine ang araw sa labas ng bintana habang nag-uusap sila ni Pauleen. Walang teacher kasi ngayon ang first subject nila sa hapon.

"Eh di cold coffee."

"Ayoko pa rin."

"Hoy ang arte mo ha, anong meron?"

"PERIOD KO! ANG INGAY MO, ISA PA!" Napatahimik naman si Pauleen na nagulat sa pagsigaw ni Maine.

"HAHAHAHAHA! Nakabandila ka pala ngayon Maine! HAHAHAHA!"

"Anong nakabandila?"

"Red flag is up, duh!"

"Okay, ito piso ang galing mo."

"Eto naman e. Mag-ice cream nalang tayo para matanggal yang sumanib na bad mood sa katawan mo."

Inaayos ni Maine ang bag nito ng biglang dumating si Alden at ilang mga kaklase nila sa English.

"Oh? 3 p.m. pa yung English ah. Ang aga niyo naman?" tanong ni Pauleen sa kanila.

"Eh gusto namin eh." Sagot naman ng isa.

Naglakad si Maine palabas habang nakatayo si Alden sa may pinto.

"Maine?"

"Ayan na naman siya." sabi naman ni Maine sa isip niya. Pero nilingon niya pa rin ito at nginitian.

"Hi Alden."

"Okay ka lang?"

"Ako? Oo ok naman ako bakit naman hindi."

Tinitigan muna siya ni Alden bago ito nagtanong ulit.

"Parang pagod ka kasi."

"Hindi naman. Ok lang ako." Liningon niya si Pauleen sa may upuan. "Tayo na bes!"

Bago pa man makatayo si Pauleen ay hinawakan na ni Alden ang kamay ni Maine at hinila ito palayo.

"Teka! Anong ginagawa mo?"

"Hinihila ka." Sarkastikong sabi ni Alden.

"Alam kong hinihila mo ako. Para ano?"

"Para makausap ka. Wag na tayong magpanggap Maine. Alam kong masama ang loob mo sakin."

"Ako? Alam mo assuming ka talaga. Porket ba di na ngumingiti, masama na agad ang loob. Alam mo, bitawan mo na ako kasi may pupuntahan kami ni Pau."

Tumigil sa paghila si Alden kay Maine ng nasa may parking lot na sila ng school. Pero hindi pinakawalan ni Alden ang kamay nito.

"No." Galit na sumagot si Alden habang titig na titig kay Maine. "May pupuntahan din tayo."

"Saan?"

Hinila ulit siya ni Alden at dinala sa harap ng kotse nito.

"Pumasok ka na." Binuksan ni Alden ang pinto sa front seat katabi ng driver.

"No." Akmang magpupumiglas si Maine sa pagkakahawak ni Alden sa kamay niya pero mas lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya.

"Get in. Isa."

"Inuutusan mo ba ako?"

"Hindi. Pasok!"

"Ano ba kita ha? Kung ayaw ko, ayaw ko. Hindi kita kapatid o ama o lolo na susunod sa lahat ng gusto mo. Ayoko!"

"Bullshit!"

"Ako bullshit? Bullshit ka rin?"

"Aaaah! Nakakahighblood. Hindi ikaw!"

"Eh sino? May kausap ka bang iba dito bukod sakin? Baliw ka pala eh."

Habang hinihimas ni Alden ang batok nito na parang hirap na hirap kausapin ang kaharap niya ngayon ay napangiti ito ilang sandali lang ang nakalipas.

"Tapos tatawa-tawa ka diyan. Baliw ka nga."

"Oo, baliw na nga siguro ako."

"Ewan ko sayo. Pwede nang umalis?"

"Hindi rin. Pasok ka na sa kotse. Lilinawin ko lang ang lahat."

------------

Ayun at dahil wala na ring nagawa si Maine ay sumakay nalang ito sa kotse ni Alden. Sa totoo lang, wala rin siyang ideya sa gustong linawin raw ni Alden pero kahit papano alam niyang makakatulong sa kanilang dalawa ang pag-uusap nito.

Makalipas ang ilang minuto ay inihinto ni Alden ang kotse niya. Wala silang imikan habang nasa biyahe na siyang dahilan nang pagpikit ni Maine ng mata kaya ginising siya ni Alden.

"Andito na tayo."

Sinilip ni Maine ang paligid sa bintana ng kotse at nagtaka.

"Parking lot?"

"Hindi, garden."

"Psh!" Naniningkit naman ang mata ni Maine sa sagot ni Alden at lumabas ito ng kotse.

"Pikon, as always."

Hindi niya pinansin si Alden at diri-diretso itong naglakad.

"Hoy!"

"Hoy ka rin!"

"Alam mo ba kung saan kapupunta?"

"Oo. Uuwi. Hahanapin ko ang exit."

Bago pa man siya makapagpatuloy ng paglalakad ay hinabol siya ni Alden at hinablot ulit ang kamay nito sabay lakad sa ibang direksiyon.

"Ang hilig mong manghablot ah."

"Wala kang paki."

"Aba! Ako pa tong walang paki ha?! Bitiwan mo ko!"

Huminto nga si Alden sa paglalakad pero hindi nito binitawan ang kamay ni Maine. Napahinto rin si Maine pero laking gulat nito nang biglang lumapit ng napakalapit ni Alden sa kanya.Unti-unti pa nitong nilapit ang mukha mukha niya.

"Tatahimik ka o tatahimik ka?"

"O-oo na. Ok na."

"Good. Akala ko papalag ka pa e."

Aldub You,  Forever! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon