PE 101

17.7K 211 8
                                    

Ten years earlier

"SA DINAMI-DAMI ng pwedeng maging PE, bakit ba folk dance pa ang naisipan kong kunin?" pabulong na tanong ni Melanie sa sarili habang naglalakad patungo sa bandang likod ng classroom. Pinapila kasi sila ng kanilang instructor na si Mrs. Paez according to height. As usual, doon agad siya sa likod dahil matangkad siya.

"'Yung unang sampung pares, pumwesto kayo sa pinakakaliwang bahagi," wika nito. "Sa tabi nila ang susunod na sampung pares."

Pasimpleng sinilip niya ang lalaking nasa tapat niya habang papunta sa pwestong sinabi ng instructor nila. Ito ba ang magiging partner niya sa buong sem?

"Hi," nakangiting bati nito nang makapwesto sila.

"H-hello," sagot ni Melanie sa mahinang tinig.

"I'm Marlon," anito saka inilahad ang isang kamay sa kanya. "And you are?"

"Melanie," muli niyang sagot sa mahinang tinig. Napilitan siyang lumapit ng kaunti dito upang abutin ang kamay nito at sinalubong agad siya ng hindi kanais-nais na amoy. May bad odor ang kapartner niya! Daig pa niya ang sumisid sa malalim na tubig sa pagpipigil na huminga.

Oh crap!

"Ang una nating pag-aaralang sayaw ay ang tinatawag na Kinaransa."

Kina-what?

Nagpatuloy pa si Mrs. Paez sa pagbibigay ng ibang impormasyon tungkol sa sayaw na iyon pero hindi na makapagfocus si Melanie. She was seriously questioning her sanity for choosing folk dance as her PE. Kung bakit naman kasi sobrang late na siyang nag-enroll sa kursong HRM. Hindi naman niya alam na ganoon pala sa UST.

Pagkatapos ng halos kalahating araw na pagpila, pagfill-up ng forms, at pagpapakuha ng ID picture na mukhang haggard ay saka siya pinapunta doon sa building ng Institute of Physical Education and Athletics o IPEA para pumili ng kanyang PE. Halos lahat ng PE na gusto niya ay wala ng slot. Iyon namang mayroong slot ay hindi tugma sa schedule niya. She was left to choose between fitness and folk dance.

Sana nag-fitness na lang ako. At least doon ay hindi kailangan na may kapartner.

"Next meeting na tayo magsisimula sa pagsasayaw. For now, kumuha kayo ng notebook at ballpen at kopyahin ang instructions para sa Kinaransa." Nang makuha ang kanyang notebook at ballpen ay tahimik na bumalik na siya sa pwesto at saka nagsimulang kumopya.

Music Introduction: Partners face each other. Bigla siyang napalingon kay Marlon. Mamaya din ay magpapalista na agad ako sa volleyball tryouts para sa varsity team ng university!


Just Another Cliche Love Story (COMPLETE) - Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon