The Legs and the Breasts Talk

5.5K 144 16
                                    

"MELANIE, natutuwa ako at pumayag kang manatili dito sa bahay," nakangiting salubong kay Melanie ng mama ni Gabe na si Regina.

"Tita Gina, lalo ka yatang sumesexy ah," nakangiting iniyakap niya dito ang kamay niyang walang sling.

"Anong ako? Ikaw nga diyan ang lalong sumesexy at gumaganda. Naku, proud na proud ako sa tuwing mapapanood ko ang commercial mo sa TV. Alam mo bang kapag may namimili sa tindahan ko ay palagi kong ipinagmamalaki na parang anak na din kita? At syempre pino-promote ko ang shampoo mo."

Natawa na lang siya sa sinabi nito. Noong una pa man niya itong makilala ay naging mainit na ang pagtanggap nito sa kanya. Palagi na daw kasi siyang naiku-kwento ni Gabe noon kaya pakiramdam nito ay kilalang-kilala na din siya nito. At iyong tindahang tinutukoy nito ay isa nang malaking grocery store ngayon. Gabe's mother was just too humble to call it a grocery store. Pero ang totoo ay may dalawang branch na din ito sa kabilang phase ng village nila.

"Ano ba ang pumasok sa isip ko at naisipan kong dalhin ka dito?" biglang bulong ni Gabe sa kanyang tabi. "My mother is gonna spoil you rotten," naiiling na dugtong nito.

"Ate Mel!" mula sa kung saan ay sigaw ng kapatid nitong si Gwen bago patakbong lumapit sa kanila. Mas bata lang ito sa kanya ng tatlong taon kaya madami silang pinagkakasunduang mga bagay. "Grabe, Ate Mel. Kabadong-kabado kami nung mapanood ka naming bumagsak."

"Eh bakit ni hindi mo man lang ako dinalaw sa ospital?" tanong niya matapos itong bigyan ng halik sa pisngi.

"Pinagbawalan kami ni Kuya Gabe," may pag-aakusang itinuro nito ang kapatid nitong nasa likod na niya.

"Great. Now I'm totally outnumbered," narinig niyang bulong nito.

Lumingon si Melanie upang bigyan sana si Gabe ng masamang tingin. But she was caught off guard when she realized that he was standing so close to her. Muntik pa tuloy siyang mawalan ng balanse.

"Dahil siguradong guguluhin mo lang si Mel sa ospital. Kayong dalawa ni mama," sagot nito na ikinangiti lang ng mama nito. "Kita mo nga, hindi na kami makapasok-pasok sa bahay. Sa pinto pa lang ay nakaharang na agad kayo."

Natatawang nagbigay-daan naman ang mga ito. "Sorry, naman, excited lang kaming makita si Ate Mel. Palagi mo na lang kasi siyang sinosolo."

"Anong sinosolo?" nakakunot-noong tanong ni Melanie nang makapasok sila sa bahay.

"Palagi ka na lang ayaw papuntahin dito ni Kuya Gabe kasi daw ginugulo kita," agad na sumbong ni Gwen.

"Totoo namang palagi mong ginugulo si Mel ah."

"Ano bang panggugulo ang sinasabi mo, anak?"

"Gwen always asks her to go shopping. Tapos pipilitin pa niya akong ipagdrive sila. Okay lang sana kung ihahatid ko lang sila pero hindi. Kailangan ko pang bumuntot sa kanila habang binibisita ang lahat ng tindahan na madaanan sa mall."

"Parang ikaw lang naman yata ang nagrereklamo, anak," natatawang komento ng mama nito sabay turo sa kanya.

"Hindi lang ako, Ma," pagkatapos ay bumaling ito sa kanya. "Come on, Mel. Tell them how you hate doing those stuff."

"What stuff?" pagmamaang-maangan ni Melanie.

"You know," Gabe gestured with his hands.

"Hindi kita maintindihan, Gabe." Tuwang-tuwang ginatungan pa niya ang pang-aasar dito.

"Hindi ka naman mahilig magshopping, 'di ba? Kapag nasa mall tayo, madalas na nasa restaurants at arcade lang tayo o kaya ay sa sinehan."

"Hindi dahil hindi ako nagsha-shopping kapag kasama ka ay ayaw ko nang magshopping."

"You like shopping?" nakakunot na ang noong tanong ni Gabe.

"Well, duh?" muling singit ni Gwen. "She's a girl, you know. Of course, she likes shopping."

"I never knew you liked shopping." Hindi pa rin mabura-bura ang pagkakakunot ng noo ni Gabe.

"So ano'ng ibig sabihin niyan? Hindi mo din alam na babae pala si Ate Mel, ganun?"

"Hay naku, tigilan niyo na nga 'yan," saway sa kanila ng mama ng mga ito. "Mamaya niyo na ituloy ang diskusyon ninyo. Tumuloy na muna tayo sa kusina at magmeryenda."

Melanie was grateful for the interruption. Binigyan niya ng nagpapasalamat na ngiti si Tita Gina bago ito nagpatiunang maglakad kasunod si Gwen. Hindi niya maipaliwanag pero bigla siyang nailang sa tinatakbo ng usapan nila. Muling nanumbalik sa isip niya iyong pang-aasar nina Tracy at Coleen noong nasa ospital pa siya.

She had always known that Gabe treated her like one of the boys. Hindi naman kasi siya iyong pa-girl na tinatawag nila. She was never afraid to get down and dirty, but that was just part of being an ahtlete. Wala kasing mangyayari sa kanyang volleyball career kung mag-i-inarte siya.

Naputol ang pag-iisip niya nang maramdaman ang mainit na palad ni Gabe na umalalay sa kanyang likod habang naglalakad sila. "Nagpaluto ako kay mama ng paborito mong mac and cheese," wika nito.

Pero hindi parin talaga siya matahimik kaya bigla siyang tumigil sa paglalakad. Nang umikot siya upang magkaharap sila ay agad na sinalubong siya ng mabangong amoy ni Gabe. It was familiar yet different at the same time. He gave her a questioning look while holding her uninjured shoulder.

"You really don't see me as a girl?"

Biglang namang kumunot ang noo nito sa tanong niya. "Ano? Of course, I know you're a girl."

Umiling-iling si Melanie. "Hindi ko naman tinatanong kung alam mo bang babae ako. Ang tanong ko ay nakikita mo ba ako bilang babae? I mean—"

"Alam ko na kung ano ang ibig mong sabihin, Mel," putol ni Gabe sa sinasabi niya. "And to answer your question, yes, sa maniwala ka man o sa hindi, kitang-kita ng dalawang mata kong babae ka nga. It's really hard not to notice when your breast is always out there on display whenever you play."

Napanganga siya sa narinig. Did he just insult her breasts? "You have a problem with my breasts?"

"No, hindi 'yan ang ibig kong sabihin, Mel. I'm just saying that you always wear those skimpy uniforms. Kulang na lang ay puro dibdib at legs and ipakita sa TV kapag pinapanood kitang maglaro."

"What's wrong with my breasts and legs?" iniliyad pa niya ang dibdib na parang china-challenge ito na magsalita ng hindi maganda.

"Nothing, they're perfectly fine," pagkasabi niyon ay bumaba pa ang tingin nito sa dibdib niya. Para tuloy gusto na niyang pagsisihan ang pagliyad-liyad pa niya sa harap nito. Nang maglakbay pa pababa ang mga mata nito ay bigla namang nag-init ang kanyang mga pisngi. "Come on, Mel, I'm not insulting your legs or your breasts. And why are we even talking about your legs and breasts anyway?"

"Aba, malay ko. Ikaw diyan ang bigla na lang nagbanggit ng—"

"Oo na, oo na, tara na nga. Nagugutom ako sa pinag-uusapan natin eh, mamaya niyan ikaw na ang kainin ko."

"Ano?" naging kasing laki na yata ng bola ng volleyball ang mga mata ni Melanie nang makuha ang ibig nitong sabihin. Did Gabe really just hit on her?

"Uh," he started to look uncomfortable. "Just forget I said that. Wala naman akong ibang ibig sabihin sa sinabi ko." He tugged on her uninjured arm and she let him pull her towards the kitchen. Para kasing lalo siyang nailang sa kinalabasan ng pag-uusap nila. Paano pa niya ngayon maisusuot ang uniform nila nang hindi naiisip ang mga sinabi ni Gabe? 

Just Another Cliche Love Story (COMPLETE) - Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon