HINDI na maipinta ang mukha ni Gabe nang magsimula sila sa pangalawang sayaw na itinuturo ni Mrs. Paez. Noong una ay Kinaransa tapos ngayon naman ay Kuratsa. Katatapos lang nitong ipakopya sa kanila ang instructions para sa steps ng Kuratsa nang bigla nitong patugtugin ang music para sa sayaw na iyon. Parang nagsitaasan yata ang lahat ng balahibo niya sa kamay dahil sa pangingilabot nang marinig ang baritonong boses na bumibigkas sa title ng sayaw bago niya narinig iyong mismong music.
Shit! Ano ba 'tong napasok ko?
Bigla siyang napa-compute sa isip. Kung ida-drop niya ang PE niya ngayon ay mayroon na lang siyang tatlong sem para mag-PE. Pero ang balita niya ay pwede naman daw yatang mag-PE kapag summer. He would have to inquire about that after this class. Hindi na talaga niya matatagalan pa ang mga sayaw na tinatawag na Kinaransa at Kuratsa. Who knows kung anu-ano pang ibang sayaw ang ipapasayaw sa kanila bago matapos ang sem?
Gabe was still plotting his escape when he saw Melanie enter the classroom. Nakatungangang sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makalapit ito kay Mrs. Paez. Ilang sandaling nag-usap ang mga ito. Maya-maya pa ay nakangiti nang nagpalinga-linga ito sa paligid hanggang sa magtama ang kanilang mga mata.
I think ipagpapaliban ko na muna ang pagpunta sa IPEA office.
Lumapit ito sa kanya. "May bago ka nang partner?" nakakunot noong tanong nito.
Napatingin siya sa kaklase nilang nasa tabi niya. Absent daw ang kapartner nito kaya ito na muna ang ginawa niyang partner kanina.
"Ah kayo ba ang magkapartner?" tanong nito sa kanya.
But it was Melanie who answered. "Oo," and then she gave him one of those female looks. 'Yun bang klase ng tingin na bigla na lang magpapakaba sa'yo kasi pakiramdam mo ay may ginawa kang mabigat na kasalanan kahit wala naman talaga.
Tumikhim siya. "Ah, oo, si Melanie nga ang kapartner ko." Hindi talaga niya maintindihan kung bakit bigla na lang siyang nakaramdam ng guilt.
Nakauunawang lumayo naman iyong kaklase nila kaya pumuwesto na si Melanie sa tabi niya.
"Sorry," hindi niya napigilang sabihin sa mahinang tinig.
Tila gulat na napalingon sa kanya si Melanie. "Bakit ka nagsosorry?"
Gabe could only laugh nervously. "Hindi ko alam. Basta pakiramdam ko ay kailangan kong magsorry." Ngunit kumunot lang ang noo nito sa kanyang sagot. "'Yan," itinuro niya ang mukha nito. "Dahil diyan. You look kind of scary... and sad."
"Yeah, well, sabihin na lang natin na hindi nangyari ang ine-expect kong mangyari."
Gusto pa sana niyang magtanong ngunit bigla nanaman niyang narinig iyong nakakakilabot na baritonong boses na iyon na sinasabi ang salitang "kuratsa" bago magsimula ang tugtog.
"Lunch tayo after ng PE," yaya na lamang niya kay Melanie.
DOON sa isang karinderya sa likod ng UST nakarating sina Gabe at Melanie. "O bakit ganyan ang itsura mo?" agad na usisa ni Gabe nang makapwesto sila.
Wala sa sariling nangalumbaba si Melanie. "Hindi lang ako natutuwa sa kinalabasan ng pagpasok ko sa volleyball team."
"Bakit?" tanong nito habang inaayos ang mga pagkaing inorder nito doon sa mesa.
"Eh kasi freshman pa lang ako kaya doon muna ako sa team B," sagot niya saka itinaas ang isa pa niyang kamay upang sapuhin naman ang kabila niyang pisngi. Nagulat pa siya nang bigla iyong tapikin ni Gabe.
"Alisin mo nga 'yan. Masama ang nangangalumbaba sa harap ng pagkain."
Pinaikot lang niya ang mga mata. "Ganito pala sa team B. Ang boring."
"Paanong boring? Saka ano ba 'yang team B na 'yan?"
"Ganito 'yan, mayroong team A at team B. Obviously, 'yung team A ang first six. Sila ang priority. Kaming mga nasa team B ang dakilang mga tagapulot ng bola, taga-toss, at kung anu-ano pang nakakaboring at nakakainis na task."
"So? Bakit hindi ka magpalipat sa team A?"
Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Hindi 'yun ganoon kadali 'no."
"Oh chill lang, hindi ako ang kalaban dito," natatawang itinaas pa nito ang dalawang kamay bago nagpatuloy sa pagkain.
Tahimik na pinanood ni Melanie ang maganang pagkain ni Gabe. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng gutom. "Sabi nina Tracy at Coleen ganoon daw talaga sa umpisa. Lahat naman daw ay sa team B nagsisimula. After one year ay saka uli kami bibigyan ng tryouts para makapasok sa team A."
"Ah, 'yun naman pala eh. Galingan mo sa tryouts para pasok ka agad sa team A."
"Gabe, next year pa 'yun eh. Hindi ko alam kung makakaya ko bang maging tagapulot at taga-toss lang ng bola sa loob ng isang taon. Iniisip ko pa lang nabobore na ako." Hindi na napigilan ni Melanie na ipakita ang pagkayamot niya sa kinalabasan ng lahat. Komportable siyang ikwento kay Gabe ang nangyari dahil may pakiramdam siyang maiintindihan nito ang frustration niya.
"'Yan ba ang dahilan kung bakit pumasok ka sa PE kanina?"
Tumatangong sumubo siya ng pagkain. She felt even more depressed now. "Pwede pa rin naman daw akong pumasok kung gusto ko. 'Yun nga lang, hindi na si Mrs. Paez ang magbibigay ng grade ko kundi ang coach ko. Okay lang ba?"
Napakunot ang noo ni Gabe. "Okay lang ang alin?"
"Na maging partner mo ako sa PE."
"Sigurado kang gusto mo paring pumasok sa folk dance?" may himig pagdududang tanong nito.
Nagkibit siya ng mga balikat. "Alam mo ba kung bakit ako nagtryout para sa volleyball team in the first place? Iyon ay para iwasan ko lang naman si Marlon. Kaya nakakafrustrate na pagkatapos ng lahat ng effort ko para makapasok sa team ay ganito lang pala ang mapapala ko."
"Teka, wala kang balak na maglaro ng volleyball? Sayang naman ang galing mo."
"Meron naman, kaso dun lang sana ako sa team ng college sasali at hindi sa university team."
"Ah," tumango-tango si Gabe pagkatapos ay ngumis. "Kung nabobore ka sa pinaggagawa ninyo sa team B ng volleyball team eh di samahan mo na nga lang ako sa PE. May matututunan ka ng sayaw, makakatulong ka pa sa kapwa mo."
Pinagtaasan ito ni Melanie ng kilay. "Bakit pakiramdam ko ay may ibang ibig sabihin ang sinabi mong 'yan?"
"Pakiramdam mo lang 'yun."
"Gabe..."
Bigla itong napakamot sa batok. "Okay, honestly, pinag-iisipan ko na talagang magdrop sa PE kanina bago ka dumating."
"Bakit?"
"Marinig ko lang ang pangalan ng mga sayaw na pinapasayaw sa atin ni Mrs. Paez ay parang gusto ko nang tumakbo ng mabilis na mabilis palayo sa classroom na 'yon."
Napahagalpak siya ng tawa nang tila kinikilabutan pang ngumiwi si Gabe. "Sabagay, ako man ay kinikilabutan kapag naririnig ko ang Kinaransa at Kuratsa."
"Since nandiyan ka naman para samahan ako, kaya ko na sigurong tiisin ang isang sem ng pagsasayaw ng folk dance."
BINABASA MO ANG
Just Another Cliche Love Story (COMPLETE) - Published under PHR
RomanceMagkalayong-magkalayo ang mga hilig nina Melanie at Gabe pero hindi naging hadlang iyon sa kanilang pagkakaibigan. Since the first time they met, they immediately hit it off and became friends. Kahit nang magkaroon na sila ng kanya-kanyang career sa...