NAGISING si Melanie na parang idinuduyan ang pakiramdam. Nang imulat niya ang mga mata ay saka niya napagtantong buhat siya ni Gabe.
"What...?"
"Shh, go back to sleep."
"Teka," nahagip ng paningin niya ang pintong may numero. "This is your condo."
"Yup."
"Bakit nandito tayo sa condo mo?" bigla siyang nagpumiglas na makababa mula sa pagkakabuhat nito ngunit hinigpitan lang nito ang pagkakahawak sa kanya. "Gabe?"
"Relax, may ipapakita lang ako sa'yo."
"Okay, pero pwede mo na akong ibaba. Kaya ko namang maglakad."
"Nah, okay na 'to, I like carrying you around," nakangiting sagot nito nang makapasok na sila sa condo. Pagkatapos ay pasipang isinara nito ang pinto.
"Adik ka ba? Eh ang bigat ko kaya."
"Kesa nagrereklamo ka diyan, ihawak mo na lang ang kamay mo sa leeg ko para hindi ka mahulog."
"Pero—"
"Now, Mel," pagkasabi niyon ay pabirong niluwagan nito ang pagkakahawak sa kanya. Awtomatiko tuloy ang naging pag-angat ng kanyang kamay patungo sa mga balikat nito. "That's better."
Naisahan siya nito doon ah. "Ano ba kasi 'yung ipapakita mo?" mataray na tanong niya.
"Basta, maghintay ka na lang."
Maya-maya pa ay papasok na sila sa kuwarto nito. "Uy, bakit tayo papunta sa kuwarto mo?"
"Nasa loob 'yung ipapakita ko eh."
"Siguraduhin mo lang na may ipapakita ka talaga at hindi kung anu-anong kalokohan ang—" hindi na niya naituloy pa ang sinasabi dahil basta na lang siyang binitiwan ni Gabe sa ibabaw ng kama. "What the—"
"Stay there," utos nito.
"Anong stay here?" naupo siya sa kama. "Here? Sa kama mo? Oh no, Gabe, I'm not—"
"Come on, Mel, just a few weeks ago ay halos kaladkarin kita para lang bumaba ka sa kama ko at umalis sa kuwarto."
Namula naman siya sa sinabi nito. She felt somewhat shameless. Kaya naman umusog na siya patungo sa gilid ng kama at nagtangkang bumaba doon nang biglang namang lumapit si Gabe at muli siyang ibinalik sa gitna niyon. "Are you gonna stay here or do I have to make you?" hindi siya nakasagot lalo pa at magkalapit na magkalapit na ang kanilang mga mukha. "Good. Now stay there for just a few seconds."
Lumayo na ito sa kanya at saka pinatay ang ilaw sa kuwarto. "Gabe—"
"Stay."
"I'm not a dog," she muttered under her breath.
"Okay, here's the fun part," pagkasabi niyon ay naramdaman niyang tumabi sa kanya si Gabe. And then he reached out on the bedside table on her side. Para tuloy itong nakayakap sa kanya. Pero sandali lang iyon dahil nakuha din agad nito ang nais nitong kunin. It looked like a television remote.
"Ano 'yan?"
"I made it when I first moved here. Nabore kasi ako kaya nakatuwaan kong paglaruan ang mga iniuwi kong LED lights galing sa office. That's when I started designing it to look like this." Itinutok nito ang remote sa kung saan at saka may pinindot doon. Then the tiny lights at the ceiling started lighting up.
"Wow! It looks like a Las Vegas sign board."
"Wait for it," bulong nito sa kanyang tenga. Hindi nanaman tuloy niya naiwasang makaramdam ng kilabot. Lalo na nang halikan siya nito doon. Malakas na napasinghap siya. Mabuti na lang at biglang nagbago ang shape na ipinapakita ng mga LED lights. Mayroon siyang maidadahilan kung bakit siya biglang napasinghap.
BINABASA MO ANG
Just Another Cliche Love Story (COMPLETE) - Published under PHR
RomanceMagkalayong-magkalayo ang mga hilig nina Melanie at Gabe pero hindi naging hadlang iyon sa kanilang pagkakaibigan. Since the first time they met, they immediately hit it off and became friends. Kahit nang magkaroon na sila ng kanya-kanyang career sa...