FQ as in Friendship Quarrel

4.9K 137 3
                                    

KATATAPOS lang ng appointment ni Melanie sa kanyang doktor. Tuwang-tuwa siya nang sabihin nitong maaari na siyang hindi magsuot ng sling sa balikat. And she happily related the details to Gabe as they walk toward his car. Pero ni hindi man lang ito nagreact. Walang mababanaag sa mukha nito kahit na isang simpleng ngiti man lang.

"Do you need to be somewhere else today, Gabe?" tanong niya nang makasakay sila sa kotse.

"Kung busy ka pala ngayon sana ay sinabi mo na lang. Pwede ko namang hintayin si Kuya Kiko para samahan ako sa doktor."

"Hindi ako busy."

Hindi na muling sumagot si Melanie. Sa halip ay pinag-aralan niya ang ikinikilos ni Gabe. Simula nang matulog siya sa kuwarto nito ay palagi na itong dumidistansya sa kanya. And she didn't understand why. Well, maybe she did. Nalaman kasi ng mama nito na doon siya natulog at sa pagkagulat nilang lahat ay ni wala man lang itong sinabi. Narealize niyang mas nakakatakot pala iyong pananahimik nito kaysa ang panenermon.

Ilang minuto na silang nagbibyahe pero hindi parin ito umiimik. He even turned on the radio to fill the silence. Hindi na niya ito kaya. Kailangan na talaga niyang magsalita.

"Galit ka ba sa akin? You've been ignoring me all week."

"Of course not. I'm not ignoring you, Mel," pagkatapos ay binigyan siya nito ng tingin na para bang sinasabi nitong isang kalokohan ang iniisip niya.

"Eh bakit kanina ka pa hindi nagsasalita?"

"Madami lang akong iniisip ngayon."

"Tulad ng?"

"Trabaho."

"Kailangan ba hanggang weekend ay trabaho parin ang iniisip mo?"

"You're not used to the corporate world, Mel. So you don't understand."

"Are you insulting me now?"

Nakakunot na ang noo ni Gabe ngayon. "No, you know I'll never do that," he said softly.

"Ayokong makipag-away sa'yo, Mel, so let's just drop this, okay?" pagkatapos ay tila hapong-hapong nagpakawala pa ito ng malalim na hininga. Agad namang nakonsiyensiya si Melanie kaya tumahimik na lamang siya. Siguro nga ay tama ito. Hindi niya naiintindihan ang pressure sa klase ng trabaho nito. Lalo na iyong pressure ng pagkakaroon ng boss na tulad ng lolo nito. He may not have explained it in so many words, but she knew he had always had a hard time dealing with his grandfather. So she decided to just let this one pass.

ILANG araw pagkatapos alisin ang kanyang sling ay nagdesisyon nang umuwi si Melanie. Ngunit isang linggo pa lang siyang nananatili sa kanyang townhouse ay parang mababaliw na siya sa boredom. Hindi na niya kaya pang magpanggap na nag-e- enjoy siya sa panonood ng TV, pagbabasa ng kung anu-ano, at mostly ay pagtunganga sa kawalan. She was simply not born to stay inside the house. Kaya naman nang umagang iyon ay tinawagan niya si Gabe.

"Mel, I can't talk right now. Nagmamaneho ako."

"But it's the middle of the day. Bakit nasa labas ka ng opisina?"

"Field work."

"Pwede ba akong sumama diyan?"

"Building site ito, Mel. Hindi pasyalan."

Hindi niya nagustuhan ang tono ng pagsasalita nito pero pinalagpas na lamang niya iyon. Hindi mabuting ideya na painitin niya ang ulo nito. Lalo lang itong hindi papayag kapag nagkataon.

"Sasamahan lang kita. Gabe, I'm so bored."

"Hindi ka pwedeng sumama dito, Mel," wika nito na para bang nakikipag-usap ito sa isang bata. "Mas mabobore ka lang dito. Puro wires, graphs, at diagrams lang ang sasalubong sa'yo."

"At least you'll be there. Please?" Melanie was crossing her fingers as she said that. Lalo pa niyang pinalambing ang boses. "Mababaliw na ako dito kapag pinilit ko pa ang sarili kong makipagtitigan sa TV ng ilang minuto." Alam niyang hindi nakakatanggi si Gabe kapag naglalambing na siya ng ganoon. Makalipas ang ilang segundo ay narinig niyang nagpakawala ito ng buntong-hininga. Yes, that's it. He was going to say yes.

"Sorry, Mel."

"Ha?"

"Kung nabo-bored ka na talaga, tawagan mo si Gwen. She can keep you company there."

Napakunot ang kanyang noo. What happened to the "fine, you win" dialogue that she always got whenever she used that tone? "Are you serious?"

"Mel, I'm almost there. Mamaya na lang tayo mag-usap. Tawagan mo na lang si Gwen para samahan ka, okay? No, wait, I'll do that myself." Pagkasabi niyon ay basta na lang nitong pinutol ang tawag at hindi iyon nagustuhan ni Melanie.

Actually, there were a lot of things she didn't like about that call. Hindi niya nagustuhang gumamit ito ng ganoong tono ng pagsasalita. 'Yun bang parang nakikipag-usap ito sa isang taong hindi marunong umintindi at tinatantiya nito kung ano ang tamang salita para mas madaling maintindihan ang sinasabi nito. And then he flat out refused her. Gabe had never done that before. Ever.

Just Another Cliche Love Story (COMPLETE) - Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon