"BAKIT ganyan ang itsura mo?" Gulat na napalingon si Melanie sa pinanggalingan ng mga salitang iyon. She just pouted her lips when Gabe smiled widely and joined her on the bench. Ibinaling na lamang niya ang paningin sa malawak na soccer field. Hindi na iyon mukhang soccer field ngayon dahil inayos na iyon para sa gaganaping baccalaureate mass para sa susunod na araw.
"Mamimiss kita," mahinang wika ni Gabe sa kanyang tabi.
Bigla tuloy namasa ang kanyang mga mata. Hindi siya emosyonal na tao pero naiiyak talaga siya. Hindi niya akalaing iiyakan niya ang pag-graduate ni Gabe. Ni hindi nga siya umiyak sa high school graduation niya eh. That was a big thing considering that almost all her classmates cried during their high school graduation.
"Uy, magsalita ka naman diyan," binunggo ni Gabe ng balikat nito ang kanyang balikat.
"Ano ba?"
"Bakit ang sungit mo?"
"'Wag ka kasing magulo, nag-e-emote ako eh."
Natawa ito sa kanyang sinabi. "Magrereview pa naman ako para sa board exam. Diyan pa rin ako sa apartment mag-i-stay hanggang matapos ang boards. Alam mo namang welcome ka doon anytime, 'di ba?"
"Kahit na. Iba pa rin 'yung pakalat-kalat ka lang dito sa campus." Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga.
"Hey, don't worry. Panonoorin ko parin ang mga game mo."
"Dapat lang, kasalanan mo kung bakit nasanay na akong palaging may cheerers sa mga games." Lalo lang lumakas ang tawa ni Gabe sa tinuran niya. "Anyway, ano pala ang plano mong gawin pagkatapos mong pumasa sa board exam?"
"Magdilang-anghel ka sana."
Natawa siya sa itsura nito na parang may balak pa yatang magsign of the cross. "Ano nga?"
"Well, I'll probably go work for my grandfather."
"Ah, may engineering firm nga pala ang lolo mo, 'di ba?"
Tumango ito saka nakitanaw din sa malawak na field. "Yeah," tila tinatamad na sagot nito.
"Bakit mukhang hindi ka masaya?"
"Wala lang, hindi kasi kami close ng lolo ko. Sa totoo lang, pakiramdam ko ay sinisisi niya kami sa maagang pagkamatay ng papa ko."
Interesadong bumaling si Melanie kay Gabe. Ngayon lang niya nalaman ang tungkol doon. Sa halos dalawang taong pagkakaibigan nila ay hindi ito nagkuwento ng tungkol sa mga family
issues nito. Maybe because they never really talked about serious things like that.
"Ano ba ang kinamatay ng papa mo?"
"Work accident."
"Paanong naging kasalanan ninyo 'yun?" Matagal na sandaling hindi ito sumagot. "Uy," kinalabit niya ito. "'Wag ka ngang nagsisimula ng kuwento na hindi mo naman tatapusin."
Seryosong bumaling ito sa kanya. "I can tell you but then I'll have to kill you—aray!" hinimas nito ang nasaktang paa na bigla niyang sinipa.
"I don't know why I even bother talking to you," naiiritang tanong niya sa sarili.
Beside her, Gabe chuckled before speaking. "Seryoso na, I can tell you but," binigyan niya ito ng matalim na tingin na sinagot lang nito ng isang ngiti. "But I'm sure you'll just laugh at me."
"Bakit naman?"
"Kasi masyadong cliché ang family background ko."
Pinagtaasan ito ni Melanie ng kilay. "Try me."
BINABASA MO ANG
Just Another Cliche Love Story (COMPLETE) - Published under PHR
RomanceMagkalayong-magkalayo ang mga hilig nina Melanie at Gabe pero hindi naging hadlang iyon sa kanilang pagkakaibigan. Since the first time they met, they immediately hit it off and became friends. Kahit nang magkaroon na sila ng kanya-kanyang career sa...