DISTRACTED si Melanie habang naglalaro. They were playing against Thailand, which was the current holder of the gold medal for women's volleyball in the Southeast Asian Tournament. Mag-i-isang linggo na kasi silang hindi nagkakausap ni Gabe. Palagi na lang hindi magtugma ang kanilang mga schedule. Sa tuwing tatawag ito ay hindi niya nasasagot dahil nasa practice siya o kaya naman ay may laro siya. Kapag siya naman ang tumatawag dito ay palagi na lang ang assistant nito ang sumasagot at nagsasabing nasa meeting daw ito. Habang tumatagal na hindi sila nag-uusap ay lalo namang tumitindi ang pag-aalala niya para dito. Nang huli kasi silang magkausap noong isang linggo ay mahihimigan sa boses nito ang pagod at stress.
Muling napabalik sa laro ang kanyang atensiyon nang pumito ang umpire. Her team mate was serving. Agad na naibalik naman iyon ng kalaban nila. Ngunit hindi niya nakita iyong block signal ng team mate niyang nasa harap kaya mali ang naging pag-approach niya sa bola at nakalagpas iyon.
Shit! Kailangan ko na talagang mag-focus.
"Head in the game, Hermoza!" sigaw ng kanilang coach.
The other team was now serving. Pinilit niya ang sariling ituon doon ang atensiyon. Nagtagumpay naman siya hanggang sa matapos ang first set.
"Ano'ng problema mo, Mel? Kanina ka pa mukhang wala sa sarili," puna ni Coleen. Silang tatlo nina Tracy ay magkakasama na ngayon sa national team.
"Wala, 'wag niyo na lang akong pansinin."
"Si Gabe ang problema mo, 'no?" singit naman ni Tracy.
Nagpakawala siya ng isang buntong-hininga. Kilala na talaga siya ng mga ito. "Isang linggo ko na siyang hindi nakakausap."
"Dati naman kayong hindi nag-uusap ng isang linggo ah. Minsan nga lagpas pa," komento ni Tracy.
"Iba ngayon."
"Bakit?" tanong ni Coleen.
"He's out of the country on business. At nung huli kaming mag-usap ay parang stressed na stressed siya sa trabaho," paliwanag niya.
"Come on, we're talking about Gabe Ancheta, right? Kayang-kaya na niya 'yun," nag-aalong wika ni Coleen.
"Oo nga, minsan ay may kayabangan lang talaga siyang magsalita. Pero alam naman natin na kaya talaga niyang panindigan ang mga sinasabi niya," dugtong pa ni Tracy.
"Hindi ko lang maiwasan ang mag-alala kasi dapat ay less than three weeks lang sila doon pero inabot na sila ng isang buwan. Extended na sila ng lagpas isang linggo."
"Okay, pag-usapan natin ang tungkol diyan mamaya pagkatapos ng game," wika ni Tracy.
"Yup," sang-ayon naman ni Coleen. "Right now, let's just focus on winning this game, shall we?"
Tumatangong pumwesto na lamang si Melanie sa court. Ang Pilipinas ang siyang host ngayong taon kaya mas doble ang pressure na manalo. Kapag hindi niya ibinuhos ang kanyang atensiyon sa laro, dalawang bagay lang ang pwedeng mangyari. Una ay baka ma-injure siya at pangalawa ay baka palabasin siya ng kanilang coach sa court. Either way, she would end up on the bench. Ayaw niyang mangyari iyon. Hindi naman sa pagmamayabang pero sigurado siyang mas mataas ang tsansa nilang manalo kapag nandoon siya sa loob ng court. She knew she was one of the better players in the team. So she couldn't let her team mates down. But most of all, she couldn't let her country down.
HAPONG-HAPONG hinubad ni Gabe ang suot na coat habang papasok sa kanyang hotel room. Finally, they were done for the day. As a matter of fact, they were done with everything. Nagkapirmahan na sila ng kontrata kanina kasama ang bago nilang partner na international engineering firm. Ang gusto na lamang niyang gawin ngayon ay magrelax at manood ng volleyball game.
Alam niyang may laro ngayon si Melanie. Kaya nga hindi niya ito mahagilap nitong mga nakaraang araw ay dahil puspusan ang pag-eensayo nito. Matindi kasi ang kalaban ng mga ito ngayon. Kung magpapadeliver siya ng pagkain sa kanyang kuwarto ay mapapanood pa niya ang pagtatapos ng laro nito.
Pagbukas niya ng TV ay agad na hinanap niya ang channel na nagpapalabas ng live telecast ng game.
"What the hell are you doing?" malakas na tanong ni Gabe sa harap ng telebisyon nang magkamali sa pagba-block si Melanie. Pagkatapos ay napailing siya nang i-focus ito sa TV at marinig ang mga komento ng mga sports commentator.
"We're nearing the end of the third set and we have already established a pattern here," wika ng isang commentator.
"That's right," sang-ayon ng isa pang commentator. "It seems that the normally sharp and fast Melanie Hermoza was missing tonight."
"Kanina ko pa nga napapansin na napapadalas ang pagmimintis nitong si Hermoza."
"Kung magpapatuloy ito ay malamang na hindi na umabot ang larong ito sa pang-apat na set."
Napapailing si Gabe habang pinapanood ang paglalaro ni Melanie. Malamang ay kinakabahan lang ito. Pero iniisip pa lang niya iyon ay tumatanggi na agad siya. After more than a decade of friendship, he already knew her inside out. Hindi ito marunong makadama ng kaba kapag nasa loob ng court. Dahil doon ay iisa lang ang naiisip niyang dahilan kung bakit hindi makapagfocus sa paglalaro si Melanie.
"Dapat yata ay sinabihan ko na lang si Aby na tawagin ako kapag tumawag si Mel," tukoy niya sa kanyang assistant. Siya man ay ilang araw nang hindi mapakali dahil palagi na lang silang hindi nagpapang-abot ni Melanie sa telepono.
Nang makitang ito na ang magseserve ay hindi niya napigilang magcheer para dito ng mahina. "Come on, Mel, you need to focus."
And just when he thought everything was getting better, Melanie suddenly ran from the other end of the court to dig the ball. And then the next thing he knew, she was already lying face-down on the floor.
Hindi namalayan ni Gabe na napatayo na pala siya at ngayon ay nasa mismong tapat na ng telebisyon. Nakita niyang nasa tabi na ni Melanie ang mga nakaantabay na first-aid crew at kasalukuyan itong chine-check-up. Pigil niya ang hininga nang i-focus dito ang camera at makitang hindi pa rin ito bumabangon. She was breathing deeply but she had her eyes shut.
Pagkatapos ng matagal na sandali ay nagdilat din ito ng mga mata. At this point, she was already put into a stretcher and was being carried away from the court. Nawala na dito ang focus ng camera at muling bumalik sa laro.
"Damn it!" Even when he knew it was impossible, Gabe found himself dialing his assistant's number. "Aby, I need you to book me a flight to the Philippines tonight."
"Sir?"
"Kailangan kong bumalik ng Pilipinas ngayon din."
BINABASA MO ANG
Just Another Cliche Love Story (COMPLETE) - Published under PHR
RomantikMagkalayong-magkalayo ang mga hilig nina Melanie at Gabe pero hindi naging hadlang iyon sa kanilang pagkakaibigan. Since the first time they met, they immediately hit it off and became friends. Kahit nang magkaroon na sila ng kanya-kanyang career sa...